Kung ikaw ay walang budget sa iyong paglalakwatsa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Problema mo ba'y pera para sa pagpapaBOOK sa mga flights, hotels and everything! Feeling loser ka na dahil ang iba ay pumupunta sa mga magagandang lugar. Pwes! H'wag mo ng problemahin yan! May alam akong lugar dito sa Manila na swak na swak sa iyong nabubutas na mga bulsa. Swak na swak sa na mumulubi mong wallet!
Tara na! Punta ka sa Fort Santiago! For only 75 pesos per pax. Sulitin mo ang pamamasyal sa isang historical na lugar na ito sa Pilipinas. Dala ka lang ng pagkain mo at tubig! Sulit na ang pamamasyal mo. Kung may limang daan ka sa iyong bulsa. Sobra sobra pa yan sa budget mo! :-D Todo promote ah... parang binabayaran. Lol!
Oh sya! Tara na't mamasyal!
Fort Santiago
Intramuros, Manila
Ito yata ang jeep na magto-tour.
Calesa/Kalesa
Rizal Shrine
Plaza De Armas
Jose Rizal Museum, kung saan makikita mo ang mga lumang gamit ni Rizal mula sa libro hanggang sa lumang gamit niya sa panggagamot. Magbubukas ang museum ng alas nuebe ng umaga. Ang mga litratong makikita mo sa baba ay mga gamit sa loob ng museum.
Mga gamit sa panggagamot, lumang libro at iba pa.
Makapal na damit
May nakasulat sa salamin pero di ko na maalala kung ano pinaliwanag yata kung anong klaseng kasuotan ito.
El Filibostirismo,
ito yata ang orihinal na El Fili. Di ako sigurado. Hehe!
Stairwell Gallery
Dito mo makikita ang mga paintings.
Tulad sa painting na ito, si Jose Rizal na ginagamot ang isang pasyente.
Silid ng Pagninilay
Akmang pag klik ko, siya namang paglabas ng epal na ito. Hehe!
Marami kang mababasa na qoutes sa loob pero ito na lang mababasa mo sa taas ang i-share ko sa inyo.
Intramuros, Manila
Open: 8am - 6pm
****Pasensya na sa picture na makikita mo sa itaas. HTC Touch Viva camera lang kasi ang gamit ko. Salamat! :)











