Showing posts with label Binondo. Show all posts
Showing posts with label Binondo. Show all posts

Tuesday, February 12, 2013

Binondo | Kung Hei Fat Choi

Pagkatapos ng tatlong araw sa Siargao, nagpahinga lang ng isang araw ang inyong lingkod at sumabak naman sa bakbakan galaan. Inimbitahan naman na sumama sa mga kaibigan na gumala sa Binondo para saksihan ang Chinese New Year. [insert cute face] LOL!

Kinita ang grupo sa Quiapo Church at tinungo na ang Binondo. Dumaan muna kami ng Binondo Church para hintayin naman ang isa pa naming kasama sa galaan.
Noong nakumpleto na ang grupo, we went to Ongpin St. at nagpakuha ng picture sa Manila Chinatown kasama ang grupo. Lahat ng paninda ay may na mga pulang ribbon, bakit kaya? Pampaswerte?
 Nagpaikot ikot sa lugar. Nagpakabilad sa init ng araw. Nakipagsiksikan. Ang saya! Yes, pulang pula rin ako dahil required daw mag-pula para swerte! Dahil masunuring bata...Ayan, nag pula! Pampaswerte din?LOL!

We had lunch at Wai Ying at kung may survey lang itong fast food na kinainan namin. Naku! Alam na ang icomment sa dalawang girls na kasama namin. Hahaha! Naghintay kami ng isang oras bago makaupo. At ilang minuto naman bago dumating ang order namin. 

Agree naman din ako! Medyo may attitude ang mga crew doon. Anyway, we had Soya Chicken, Fried Rice, and Fried wanton plus unlimited hot tea na niloloko ko na parang ihi o kaya pinagpigaan ng gamit na medyas. LOL! Buti na lang hindi maselan ang mga kasama ko sa usaping ganun. Haha! Ayos! Gusto ko sila kasama dahil di maselan. LOL!

Ang fried rice na inorder namin ay akala namin madami at kasya na samin ang tatlong plato. Pagkadating ng rice, toink! Ang tatlong platong fried rice ay parang kayang kaya ng dalawang tao. E PG kami noon. Umorder na lang kami ulit ng tig-isa. 

Ang Soya Chicken ay may kakaibang sauce, parang herbal siya (kasi green ang kulay pero actually hindi siya herbal). Pasok naman siya sa panlasa ko pati ang fried wanton.
Pagkatapos magpakabusog. Magpaka-gutom naman kami sa pamamagitan ng pag-ikot-ikot ulit sa lugar at nagsaksihan ang taong paniki na bumubuga ng apoy! Kakaibang paniki na yan! LOL!
 At syempre, hindi kumpleto ang Chinese New Year escapade namin kung hindi namin makita ang dancing dragon.
We also visited Chinese Temple (nakalimutan ko ang tawag sa templong ito) where all chinese gathered together at kasama na rin ang hindi chinese. They prayed at nag wish!
Napagod na kakaikot kaya we decided na magpalamig naman sa Chuan Lee. Umorder ng halohalo. Sa tingin mo masarap? Pwede na sa taong natatakam pero mas gusto ko pa rin ang halohalo sa CK! *safe answer*

Natapos ang gala namin na may kanya-kanyang bitbit na Hopia Kundol, Machang, Peanut Bar na galing sa Ho-Land. Umuwi agad kami dahil the next day naman will be our tour sa Corregidor Island. So, stay tuned for Corregidor Island post and pictures.

Good night peeps! :D