Showing posts with label ACCEL Sport. Show all posts
Showing posts with label ACCEL Sport. Show all posts

Saturday, July 30, 2011

Salamat, ACCEL Sports

Hello guys! May ibabalita ako sa inyo. Interesado ka ba? Kung "Oo!" ang sagot mo. Pwes! Basahin mo 'to... siguradong magkakainteres ka sa ibabalita ko sayo! Okey! Ayoko ng patagalin ito dahil ayokong mabitin ka. Noong Friday ay nagpunta ako sa ACCEL sports warehouse para kunin ang napanalunan ko. Wala akong ideya kung ano ang ibibigay nila sa akin.

Pagdating ko doon, nagpakilala ako sa guard na very accomodating at sinabing isa ako sa mga nanalo sa kanilang pa-contest. Mga ilang minuto na-meet ko sina Sir Willie Ortiz, Sir Jacob at Sir Arvin, nagpakilala sa kanila na isa ako sa nanalo sa kanilang trivia question, at pinapasok ako sa kanilang show room at doon sinabi nilang bibigyan ako ng sapatos at tshirt. 

Wow!!! Galing di ba? Hindi ko ini-expect na ito ang ibibigay nila sa akin. Pagkatapos nyan, naghintay ako ng ilang minuto at binigay na ang pa-premyo nila sa akin. At syempre sinukat ko muna para siguradong kasya sa akin. Ayan oh, ang mga larawang makikita mo ay ang napanalunan ko.



Paano sumali? Simple lang naman, i-like mo lang ang Accel Sports facebook fanpage nila. Then, check mo na lang sa wall nila kung may trivia question silang pinost o kung anu ang ipapagawa nila. Pagkatapos, sagutin mo lang. Kung tama ang sagot mo, e di makakatanggap ka rin ng prize! Ganun lang ka-simple.

Baka ikaw na rin ang susunod na mananalo! Kaya, ano pa hinihintay mo? Join na!


Maraming maraming Salamat sa ACCEL sports lalo lalong na kina Sir Willie Ortiz (President of Accel Sports) at Sir Jacob Manlapaz (Marketing Officer) at si Sir Arvin na nag-asikaso ng premyo!

More power ACCEL Sports!

ACCEL 10 YEARS IN SPORTS