Showing posts with label 2012. Show all posts
Showing posts with label 2012. Show all posts

Friday, December 28, 2012

Mga kaganapan sa taong 2012

Kamusta ang inyong Pasko? Malamig ba? Mainit? Mamasa-masa? Kung ano man yan basta't nag-eenjoy kayo....sige lang! Enjoyin lang ang kaganapan sa inyong buhay dahil sabi nga nila baka pagsisihan mo sa bandang huli kung bakit di mo ginawa ang ganito, ang ganyan...

Ako? Ayon, natulog lang....hahaha. Wala masyadong happenings sa akin noong pasko dahil pagkatapos naming kumain ng dinner, nanood ng movie then tulog nagising ng alas ten. Gumala sa Marquee Mall, nood sana ng movie kaso ang haba ng pila kaya ikot ikot na lang sa loob then lumuwas na ng Manila para i-meet naman ang dabarkads. Nagpalipas ng gabi sa seaside sa MOA, kumain ng baon ni Jin. Kwentuhan. 

Sa kabilang dako roon, hahaha, maiba nga tayo! Ano bang nangyari o kaganapan sa aking mapayapang buhay nitong 2012? 

Lika dito...isa-isahin natin.....

ARAL ARAL
  • Matagal ko ng gustong mag-aral ng HRM at nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-aralan ito kahit maikli panahon lamang. Nag-enjoy ako sa natutunan ko. At mas interested ako doon sa Food and Beverage lalo na yong mixing ng mga alak. Sarap! Natutunan ko din kung paano ang proper na pagtupi ng bedshit bedsheets cover, etc. 



CHECK IN
  • Nakapag-check-in sa Fersal Hotel gamit ang napanalunang GC. Overnight ito with FREE breakfast. Sayang lang kasi walang kaharutan sa loob ng kwarto pero maigi na rin dahil super nakapag-relax ako.


EB with fellow bloggers. Get together with friends & officemates. 
  • Nagkaroon ng pagkakataon na ma-meet ang ibang bloggers. Unang nameet ko sina Joanne at Zai. Followed by Arline, Hash, Lori and Theo. Then, sinundan nina Mar, Jaid, and nakita ulit ang batchmate (ko yata ito) si Bino.
  • Nakakasama naman palagi ang naging kaibigan ko sa totoong buhay sina Joanne and Zai. Thanks blogspot! Hahaha!
  • Nakakasama rin palagi sa mga gala ang dabarkads ko sa totoong buhay. Thanks ulit blogspot dahil sayo may naging kaibigan ako. LOL!
  • Nag-get-together naman with ex-officemates and current officemates.


CONCERT
  • Napili naman ako sa close-up bilang isa sa mga nanalo sa kanilang pakontes na essay. Nagkaroon ng pagkakataon para mapanood ang concert ni Avril Lavigne noong February.


KAWANG-GAWA
  • Syempre, hindi mawawala ang outreach program bilang isang volunteer. Kung hindi ako nagkakamali yearly ko na yata nagagawa ang pagsali sa outreach program bilang volunteer. Kaya, I'm looking forward to join outreach next year.


BACK HOME
  • Umuwi naman ako sa probinsya ko kung saan sinubukan ko ang mag-landtrip at ang daming naganap on my way home. Na-stranded. May nag-away sa loob ng bus. 
  • Nakauwi ako sa pangalawang pagkakataon dahil nawalan naman ako ng isa sa mahal ko sa buhay ang aking......Tatay! Ang 2012 din pala ay hindi lang puro saya dahil sa taong ito, iniwan kami ng aming mahal na Ama. Pero tuloy pa rin ang buhay.... :)


TRIP TRIP
  • Nagkapag-VIGAN naman ang inyong lingkod with dabarkads. Inikot ang Ilocos Sur. Tinikman ang Vigan empanada at ang halo halo specialty ng Secret Garden.


TOUR
  • Nakapag-tour naman sa Phil Post, Metropolitan Theater.


HOLIDAY INN
  • Yes! Holiday Inn. Ang sosyal lang. Hahaha!Team bldg naman namin ito. 


Gaano kaumbok ang bundok mo?

  • For this year, nakalimang bundok na ako. So far ang pinakataas na naakyat ko ay ang Mt. Batulao with 811 MASL. Looking forward sa year-end mountaineering namin. Sana ay matuloy!


TAKBO TAKBO TAKBO

  • At syempre, hindi mawawala ang pagsali ko ng takbuhan. 

Madami-dami din pala akong nagawa nitong 2012 na hindi ko akalain na mangyayari. Sabi ko nga, enjoy life. Habang may dumating na pagkakataon. Grab it! Para walang sisihan at the end. So, thank you 2012 for making my life active.

Happy New Year everyone! Be safe sa paputok, okey? LOL!

Monday, January 9, 2012

Sana........

Last year, gumawa rin ako ng listahan na dapat gagawain ko for the whole year. Fortunately, ang iba naman ay nagawa at nangyari pero ang iba naman ay hindi pa rin nangyayari. Marami ding biyaya akong natanggap kaya lubos na rin akong nagpapasalamat.

Ngayong taong ito ay muli akong gagawa o maglilista ng mga dapat ma-accomplish bago matapos ang taong ito. Ang mga nakasaad dito ay posibleng mangyari ayon sa aking "the future says", hehehe!

Kaya, ito na.....


  • BAGONG TRABAHO
    • matagal tagal na rin ako dito pero walang improvement. hahaha. minsan, hindi na productive ang araw ko siguro kasi nagsawa na sa paulit ulit na problema at sa mga gagawin. 
  • BAGONG CAMERA
    • sa totoo lang nanghihiram lang ako ng camera. hahaha...bawat lakbay ko ay nakiki-camera ako ng camera ng iba. hahaha. sabi nga ng ibang kakilala ko, parang inangkin mo na yang camera ah. hashtag kapal ko lang. Lol! ito dapat ay mabili ko na para makapagtrip trip na. or....or...or...sana ay may busilak na pusong magregalo sa akin nito sa birthday ko. Lol!
  • PHYSICAL ACTIVITIES
    • gusto ko ulit isabak ang katawang luma ko sa mga physical activities. at ang mga naka-lineup ay: Running/Jogging (sasali sa mga funrun), makapaglaro ulit ng Badminton o kaya susubukan ang larong TENNIS, Bowling at lumangoy....ayon kasi sa aking pananaliksik marami kang makukuhang benepisyo sa paglangoy.
  • MAKA-GALA ULIT
    • nais kong maglakbay ng Solo kasi may gusto lang akong mapatunayan sa sarili ko. at nais ko din naman maglakbay kasama ang ilang kakilala personal man o kakilala dito sa blogsphere. 
    • ito ang mga listahan ng lugar na gusto kong bisitahin:
      • Sagada (nais kong makumpleto ang pag ikot ko sa lugar na ito)
      • Mt. Pulag (gusto kong maranasan ang makapunta sa tuktok ng bundok na ito)
      • Pahiyas Festival (Kalapit lapit mo lang, hindi man lang kita mapuntahan)
      • Bonok Bonok Maradjaw Karadjaw- Surigao City (ito ay isang festival din katulad ng Sinulog, Maskara, etc. Proud Surigaonon ang inyong lingkod. Haha!)
      • Maskara Festival (hindi lang ikaw ang gusto kong makita kundi pati si Amor, namiss ko ang tukmol na yon ah. hakhak)
      • Bohol (makita ng personal ang chocolate hills. Lol)
      • Palawan/Boracay (maexperience man lang ang maging sosyal. hahaha)
  • at syempre...gusto kong ma-experience ang pagsama sa getaway ng ibang bloggers. hehehe!
Ayon lang.... parang ang dami naman yata ng nailista ko...for sure, hindi lahat magagawa pero hopefully makarating ako sa mga lugar na nakalista sa itaas. Amen!