Hi Guys! Back to reality na after
my birthday trip. Ipinagdiriwang ang kaarawan kasama ang mabubuti, magaganda,
gwapo at seksing kaibigan sa blogosperyo. At syempre, naging happy din dahil
kahit konting oras lang ay nayakap at nakita ko ang nag-iisa ko ng magulang…si
Nanay! Nagkausap ng konti at syempre konting sumbong na naman tungkol sa
kapatid ko. At pinaalala niya sakin na malapit na raw mag isang taon (death
anniv) si Tatay.
Anyway, ang Trip to Siargao ay
nakaplano na last year pa lang. Salamat sa Zero fare! Hehehe! Nakasama sa byahe
sa unang pagkakataon sina Zai, Joanne, Arline at ang tinaguriang Kamahalan…si
Kambal Archie. Bakit kambal? Magka-birthday kasi kami hindi lang buwan kundi sa
araw din. Ang taon lang ang pinagkaiba. Nauna lang akong nailuwal ni Nanay.
Lol!
Day 1: Byahiloooooo!
Manila to Butuan City via Cebpac:
Nakalapag ang eroplanong sinakyan namin around 9am at habang hinihintay na
ma-released ang check in baggage ay nagpicture picture muna sa loob ng airport.
Butuan City to Surigao City
(200): Sumakay ng van patungong Surigao City. Nasa 3hrs ang byahe nito kaya
todo dasal na umabot kami sa RoRo papuntang Dapa. Nakarating ng Surigao City
mga past 12pm, hinatid kami sa pier. When Manong driver asked sa isang guard
kung may byahe pa going to Dapa. Unfortunately [insert sad face], nakaalis na
raw ang RoRo. On time talaga ang alis no? Husay!
Mabuti na lang at may alam pa
tong si Manong na posibleng byahe makarating lang sa Dapa. Hinatid niya kami sa
pinakadulo ng pier at napaka-swerte namin dahil ang byaheng Santa Monica ay
hindi pa nakakalayo that time. Kaya, dali-dali kaming bumaba sa van sumakay sa
maliit na bangka para ihatid kami sa malaking bangka na byaheng Santa Monica.
Surigao City to Santa Monica
(250): 3hrs din ang byahe namin. Nakapwesto kami sa itaas ng bangka na parang
VIP ang dating. Wooot! Lol! Wala pa kaming breakfast kaya tinira ang mga baong
bisquits nila Zai, Joanne, at Arline. Ang problema, walang TUBIG!!! LOL! Mga
4pm dumating sa Santa Monica, from there sumakay kami ng habal2x at nagpahatid
kami sa Gen. Luna.
Santa Monita to Gen. Luna
(233.33): 2hrs ang byahe…waaahhh. Sakit na puwet namin kakaupo. Nabugbog lalo
noong nasa habal2x na kami dahil lubak-lubak ang daan. Napapa-Aaahhh na si
Arline at napapa-ouch na kami! Hahaha! Halos mag 6pm na kami nakarating sa Gen.
Luna at nakapag-checkin na rin sa Jade Star Resort. Cancelled ang IT sa unang
araw. Sobrang pagod. Bugbog sa byahe.Pinaghanda kami ni Ate Anita ng Chicken
Bbq. Pagkatapos kumain, naglinis ng katawan at Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.
Kaya, byahiloooooo ang Day 1 dahil
wala kaming ginawa kundi magbyahe lang ng buong araw.
Salamat sa sorpresa....may kwento sa likod ng yellow balloon. Hahahaha! |
Day 2: Exploring Sohoton | Island Hopping | Surfing
4am: Wake-up Call namin para ang
hindi nagawa sa Day 1 ay gagawin namin sa Day 2. Medyo nadismaya ng konti dahil
umuulan noong umaga pero sige lang tuloy pa rin ang byahe. Pero bago ang lahat,
sinorpresa kami nila Zai, Joanne at Arline. Kaya pala, naririnig ko sina Zai at
Joanne nagbubulungan mga bandang alas dos ng umaga. May ginagawa pala sila.
Hahaha! Paggising namin ni Kambal ay bumulaga sa amin ang cake at mga balloons.
LOL!
Exploring Sohoton Cave: Mahangin.
Maulan. Maalon. Malamig. Ito ang eksena noong papunta kami ng Sohoton. Mga 2hrs
din ang byahe namin. Byahilo na naman. Pero hindi alintana ang mga yan dahil
sobrang enjoy naman. After 1hr, tulog kami. After 30mins, gising ulit.At
nagpakitang gilas si Arline sa kanyang talent. Kung ano man yon? Sa amin na
lang. Hahaha! Then, after another 30mins. Nasisilayan na ang bukana ng Sohoton.
Medyo tumila na rin ang ulan. Biglang nawala ang pagod noong nakarating na sa
Sohoton. Nagregister. Nagbayad sa cashier para sa tour.
Meet and touch with stingless
jellyfish. I asked our tour guide kung pwede bumaba ng bangka but he just
replied “Waya ko kabayo sir. Kuman ra sab ko nakapag-tour kay nawaya man ko
diri mga tuyo ka buyan.” In -tagalog, “Hindi ko po alam, sir! Ngayon lang ulit
ako nakapag-tour dahil nawala ako ng tatlong buwan dito.” So, gustuhin ko mang
lumasong sa tubig kasama ang mga jellyfish hindi ko na lang ginawa dahil baka
masita pa ako.
After the meet and touch with jellyfish, punta naman kami sa Hagukan Cave, Magkukuob Cave, at Tiktikan lake. Doon sa part na papasok sa Magkukuob Cave tapos para di ka na babalik sa loob you need to jump para makababa at makalabas ng cave. Yari! Sabi ko nga, nagmamountain hike ako pero takot ako sa heights. Hahaha! Nakailang attempt akong tumalon pero parang may pumipigil. Hahaha! Naunang tumalon si Archie. Kasunod si Zai. Pinilit ko tumalon talaga. Sakit sa balat ang impact ng tubig sa katawan. Haha!Ang saya lang! Si Joanne, tinulak ni manong para makatalon. LOL! Buti si Arline hindi tinulak.
Then, lunch….
After ng shooting,tumawid naman
kami sa kabilang isla na kung tawagin ay Dacu Island – tinatawag naman siya
“Dacu” dahil medyo malaking isla sya compared sa Naked Island. Hindi pa ako
nakakarating sa Boracay pero pakiramdam ko ay mas ok ang ambiance dito. Mala-white
sand at emerald color ang tubig. Napakagandang island ito!
Next stop, Guyam Island na super
cute island. Hahaha! Oo, cute kasi maliit na island siya na halos kasing laki
lang yata ng Naked Island pero…..may mga puno ang Guyam Island. Super
na-cute-tan talaga ako sa Guyam Island.
Sa tatlong island na napuntahan
naming, may bawat pose ang isa sa amin. Hahaha! May post kami na solo,
dalawahan, tatluhan, at group. Feeling bench model lang. LOL! After Island
Hopping, dali-dali naman kaming bumalik sa Jade Star Resort at nagmamadaling
magchange attire para makahabol naman sa Surfing. Worthless naman kung hindi
kami makapag-surf.
See? Pang-cover lang ang dating. LOL!
At Cloud 9, nag-hire kami ng
magtuturo para turuan kami ng basic sa pagsusurf. Madali lang sya kung sa lupa
gagawin. Hahaha! Pero sa actual, ang hirap! In just 10minutes, sabak na kami sa
actual na pagsusurf. Woottt! Excited! Sa unang dalawang attempt ko, bagsak!
Taob! Hulog! Out of balance! Grrrrrrr…Pangatlo, ayos! Nakatayo din ako. Sabi ng
nagtuturo sakin, ayan, magaling ka na! Basta sundin mo lang ang mga gagawin.
Madali kang matuto! Hanggang sa tuloy-tuloy na. Sabi pa niya, tara! Doon tayo
sa malalaking alon, try mo! Ok lang din ako. Sarap ng feeling! Astig! Hahaha!
Noong, tumagal sabi niya, hindi na kita itutulak ha. Pagsinabi kong paddle.
Magpaddle ka ng malakas at mabilis tapos tayo ka. Game? I replied, GAME! Ang
saya lang ng nagturo sakin dahil nagcheers pa sakin. Hahaha!
Isang oras din kaming nagsusurf,
hanggang sa hindi na kaya ng braso ko ang pagpaddle. Nanghina na! Kaya tumigil
na at nagpapicture. Wala kaming picture sa actual na pagsurf namin kasi wala
naman naiiwan. Lahat kami nasa dagat. Pero lahat kami nakakatayo sa pagsurf at
sobrang nag-enjoy! Hindi ka titigilan ng magtuturo
sayo hangga’t hindi ka makakatayo sa surf board.
We had dinner at Ronaldo’s
RestoBar. Then, went home and zzzzzzzzzzzzz…
Day 3: Meet & Greet
Woke up early around 3:30am,
packed up agad para makahabol sa first trip pabalik ng Surigao City. 2-3hrs din
ulit ang byahe. Ramdam ang kapaguran kaya tulog kami habang nasa byahe maliban
na lang kay Joanne.
8:30am arrived at Surigao City
and we dropped by at San Nicholas Church and prayed. Then, we went to Gaisano
Mall to meet Nanay and Pamangkin….and Lala and Baste.
We had breakfast at Jollibee.
Hahaha! Di nagsawa sa Jollibee until Joanne realized na may magandang resto sa
harap ng Jollibee ang Mooon Café Mexican style ang resto. I already tried their
pizza noong umuwi ako 2years ago. Tapos, pictorial with Lala na galing pang CDO
at Butuan.
Pictorial ulit sa Terminal bago
umalis papuntang Butuan. Ang daldal ni Lala. Hahaha! Habang nasa byahe. Daming
kwento at tanong, etc etc etc…at hindi mawawala sa kanya ang
sumakabilang-buhay. Hahahaha! Natotomboy daw siya kay Zai at tingin niya kay
Zai ay picture lang. Hahaha!
Hinatid pa kami ni Lala sa
Bancasi Airport. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Picturan.
Nice meeting you, Lala and Baste!
See you sa CDO at Camiguin (na lagi nya pinopromote) trip. Hahahaha!
This is my first birthday trip. Dati kasi,
malling lang then gala lang sa Manila.
Ayon lang muna. Good night! :)
eh nasan ang pics nong cake at balloons na yon hahaha mag susub admin ako dito humanda ka hahaha
ReplyDeletehahaha na kay zai at joanne!
Deletenatawa ako sa tinulak si joan!! hahaha naisip ko na ang batang yan!! hahahaha inaapi! hahahaha
ReplyDeleteHahahaha. Tinulak ni kuya para makatalon na..
Deleteganda ng mga photos :) at talagang enjoy kayo. nice :) hihihi
ReplyDeleteThank you, Jessica! :D
Deletebuti walang picture sa suring na yan kasi kawawa naman si arvin hahahaha
ReplyDeleteKainis nga e...gusto namin meron! Hahaha
Deletehongganda!!! gusto ko rin makarating diyan!
ReplyDeletebelated happy birthday eMPi!!
Salamat, Peps! :D
Deletesaya ng trip naten noh! aminin mo na empi namangha ka rin sa talent ko hahaha! pero namangha rin ako sa galing mo sa surfing... effortless! pwedeng pwede mo ng kalabanin yung instructor mo ;) tara CDO-Camiguin naman hahaha!
ReplyDeletesobrang namangha ako sa talent mo. hahaha
Deletehahaha. kakalabanin ko yon pag nabalik ako doon. joke!
i-push na nga raw sabi ni lala. hahaha
ansaya naman ang double bday celeb nio... kainggit ang island hoping!
ReplyDeletebongga ang naked island... hubad na hubad! walang puno at kung ano.
gusto din namin maghubad doon.. hahaha
Deleteparang kasama na rin kami sa bakasyon niyong yan... i am happy na super nag-enjoy kayo sulit naman ang preparation nyo....yehey!!!!
ReplyDeleteMas masaya sana kung kasama kayo. :D
DeleteAng saya ng trip nyo! Nice, nice...
ReplyDeleteNakakaintriga ang kwento sa likod ng yellow balloon at talent ni Arline hahaha share naman!!!
Abangan mo na lang sa mga EB dahil sigurado akong maishare yan mga talent na nabanggit. Hahaha!
Deletekaswerte... kakainggit eh :)
ReplyDeleteThanks :D
Deleteang saya saya at nakakapagod ng bongga! hehe! sana natuwa kayo sa simple surprise namin sa bday nyo kahit gumising ka ng maaga haha :) nakaka takot yung font mo sa pics Empi, parang pang vampire! dahil ba yan sa Dracula na napanuod natin?
ReplyDeleteOo, dahil nga doon sa napanood natin. Haha!
DeleteTotoong nilagnat kayo? Kayo kasi e aga aga niyong nagigising. Kapagod no pero super enjoy!
wow naman dong, belated happy birthday dong empi.
ReplyDeletehttp://www.thebackpackman.com
Salamat dong! Yong Bohol natin ha...isama mo ako! LOL
Deleteparang nakakatakot pa rin ahwakan yung mga stingless jellyfish .hahahaha
ReplyDeleteayos nga ang pic niyo pang cover ng magazine.
gusto ko ring matuto magsurfing!! :)
Sama ka sa susunod! Hahaha!
DeleteMalamig ang jellyfish sarap nga raw kainin. LOL
Napapa-Aaahhh na si Arline...<--- ahh okay? lol
ReplyDeleteAt saan naman kayo nakabili ng cake jan sa isla??
Galing nakita niyo na si lala! happiness.
Sinu si Baste?
Yes! Napapa-aaahh siya. LOL!
DeleteInorder daw nila zai kay Ate Anita, may-ari ng JadeStar.
hayahay ang peg!!!
ReplyDeletesarap naman ng vacation nyo.... sana makapag relax din ako ng ganyan....
:)
Sama ka sa next trip. Haha
Deletekainggit naman oh!
ReplyDeletetagal ko na di nakakarandam ng tubig alat hahaha
ano kaya ang storya ng dilaw na lobo?
nga pla sabay kayo bday ni kamahalan,
ako si bagotilyo kabday ko dito sa blogosphere
pinaka naiinggit ako sa pag meet nu kay lala:/
but anyways sa 15 kung makakapunta ako
ee makikita ko na din kayong lahat
pupunta kayo right?
Naway makita din kita sa 15 at sanay makahabol ako pero parang malabo e. Tanghali ang EB di ba?:D
DeleteSayang ndi ako nkasama haha nainggit ako sa byahe niyong sobrang haba!
ReplyDeleteSana sumama kayo! Hahaha! Next time ka na! Ok? :D
DeleteKagagaling ko lang sa blog ni Zai at ngumiti sa inyong mga pose doon. At heto sa iyong blog ang mas detalyado at ang buong pagbabakasyon niyo. Yung jellyfish... anong pakiramdam? Malamig sa kamay? Gusto ko rin sanang masubukan, then islang hopping pa, kainggit. :D
ReplyDeletebelated happy birthday nga pala :)
Malamig at malambot ang jellyfish. Gawin mo na! Hehehe
DeleteThanks, anthony!
wee siargao!
ReplyDeleteYes, Chyng! Nakapag-Siargao na rin ako! Hahaha
DeleteAww, taray!! May comment si Madam Chyng.. Ang kinunan naten ng IT! Haha.
ReplyDeleteAng saya talaga! Camiguin naman, pagbigyan na naten si Lala! Hahaha
Oo naman! Hahaha!
DeleteIpush na raw yan. :D
Lami kaayo ng litrato nyahahaha
ReplyDeleteMarunong ka magbisaya dong? Hahaha
Deletejutay lang. Pero kasabot man ko :)
DeleteMaayo! :D
DeleteLagi! nyahahahaha
Delete