Monday, August 1, 2011

Aso, aso paano ka ginawa?

Si Marley ay isang aso. At si Me ay si ako. Joke yon?! Marley and me ay isang movie. Malamang! Alangan namang alamang yan! Tsk! Matagal na ang movie na ito. Kwento ng isang pamilya at ng aso. Si Marley ay napakakulit. Nakakainis sa sobrang kakulitan. Apekted? Lol!

Basta maganda ang movie na ito. Napapahiwatig na ang aso ay HINDI pampulutan sa inuman. Ang aso ay inaalagaan at mamahalin na parang tao din dahil sila rin ay may puso't damdamin na nasasaktan. Emo? Lol!

Dahil sa asong si Marley, naalala ko ang aso namin sa probinsiya. Pangalan niya ay Keyball. Hindi ko alam kung bakit keyball ang pangalan niya. Mabait siya. Masunurin. At isang umaga...... nakalimutan niyang huminga kaya ayon.... tigok!

Hindi, seryoso na. Nakakalungkot kapag may pet kang inaalagaan na mabait sayo tapos mawawala. Para ka ring namatayan ng minamahal. Hay!


Gusto ko na rin magkaroon ng aso. ;)

***salamat ka tito gugel sa larawan.

25 comments:

  1. alam ko bakit keyball ang name ng aso nyo...bustoast! wahahaha! kasi sa waray ang kibol o keyball ay !@$@#%$#%^ hahahaha! basta yun na yon!

    ReplyDelete
  2. hahaha.
    ang kibol naman sa ilokano eh, putol ang buntot. lols baka putol ang buntot ni keyball?

    ReplyDelete
  3. napanood ko ung marley and e. nagandahan naman ako hehehe

    ReplyDelete
  4. watched ko na marley and me..galing tsaka inspiring.

    ReplyDelete
  5. napanood ko ito sa bus dati :)

    bili ka na nang aso,madami sa alabang lels

    ReplyDelete
  6. 2 beses kong pinanood yan.. ang wife ko dalawang beses din umiyak.

    ReplyDelete
  7. ang kinaiinisan ko lang sa mga aso minsan--lalo yung mga me breed. mas mahal pa ang pagkain nila kesa sakin!!!!hahaha

    ReplyDelete
  8. napaluha ako ng limpak limpak sa movie na 'to...
    basta may mga hayop eh hindi ko talaga mapigilan na maging wet..hehehe

    ReplyDelete
  9. try kong panoorin yan.. ung 'hachiko' iniyakan kong ng ilang beses..

    ReplyDelete
  10. I so love dogs. Kahit pa askal yan e no. Kaya FU talaga yung mga manginginom samin na kumakain ng aso. Badtrip!

    ReplyDelete
  11. i'm a dog lover nd yeah sa past nawalan na ren nang mga doggies... nd yes itz very sad... para na ren silang kapamilya... yeah nd dat movie is kinda sad den kc namatay si marley... oh koment from ms. momommy razz... i think i wanna watch that hachiko.. hmm.. mahanap nga sa netflix... anyhoo... napadaan... ingatz dude! missmwah... Godbless!

    ReplyDelete
  12. bat naman nakalimutan niyang huminga.

    pero tama ka. Mahalin ang alagang asao kasi parang kapamilya na yan.

    ReplyDelete
  13. Ang tagal ko na rin gusto magkaroon ng aso kaso hindi pwede dun sa tinitirhan ko......

    ReplyDelete
  14. Aw, hindi ko napanuod yan at di ko alam yan. :(

    Inirerekomenda kong panuorin mo rin yung HACHIKO. Yun eh kung di mo pa napapanuod. Maganda rin 'tong movie about a dog's love. ^^

    ReplyDelete
  15. sobrang naka relate ako sa movie'ng to. swear. (wey) ehehehe..

    sarap ng may aso pero sobrang laking responsibility. try mo yung manood ng dog whisperer na series sa nat geo. sobrang kewl.

    ReplyDelete
  16. not a dog lover, pero meron kaming japanese fitz. muntik na tong mamatay, umiyak ang nanay ko. haha!

    ReplyDelete
  17. alam ko pakiramdam ng namatayan ng alagang aso parekoy, iniiyakan ng mga anak ko yan :(

    ReplyDelete
  18. @ IYA: Talaga? Yon ba ang meaning? Haha!

    @ KOSA: Oo, maliit buntot noon. Kaya siguro... Now I know!

    ReplyDelete
  19. @ Bino: Good! Hehe!

    @ KASWAK: Oo nga e. :D

    ReplyDelete
  20. @ JAY: Sa bus talaga? Saan papunta? Lol

    @ MOKS: Sobrang nakakaantig nga no.

    ReplyDelete
  21. @ PUSA: Sobrang TAMA ka! Haha!

    @ TABIAN: Wow! Limpak limpak talaga no.. Hehe!

    ReplyDelete
  22. @ MOMMY: Di ko pa napanood yon. Makahanap nga ng DVD na yan.

    @ KURA: Ang puso mo...dahan dahan... haha

    ReplyDelete
  23. @ DHI: Regaluhan mo ko ng dog... haha. Ingat dhi. :)

    @ DR: Matanda na kasi siya...kaya minsan nakakalimutang huminga. Hehe

    ReplyDelete
  24. @ GLENTOT: Problema ko kung sinu maiiwan sa aso ko kung sakaling mag out of town ako. Hehehe!

    @ TAGABUNDOK: Try mo! Hehe. Makahanap nga rin ng DVD ng hachiko. :D

    ReplyDelete
  25. @ NIECO: Wow! Sige, sige. Try ko!

    @ CHYNG: Ganun talaga no pag sobrang malapit ka sa aso mo. Haha!

    @ CM: Oo nga parekoy e.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D