Thursday, November 22, 2018

Sa Mga Bituin Sa Langit

Sa mga bituin sa langit na lang sasabihin
Ang pag-ibig na aking nadarama
Nag-aalinlangan sapagkat hindi ko alam
Aasa pa ba o kalimutan na lang ba?

Sa mga bituin sa langit na lang sasabihin
Na paggising ko sa umaga
Ikaw ay makasama
Sana'y landas natin ay magtagpo na.

Sa mga bituin sa langit na lang sasabihin
Ang mga lungkot sa bawat sandali
Hihintayin na lamang ang panahon
Sa pag mulat ng mga mata ay nariyan ka na.

No comments:

Post a Comment

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D