Sunday, April 7, 2013

The Mt. Sembrano Adventure

Kapag naumpisahan mo na, lagi mo na itong hinahanap-hanap. Parang druga lang na kapag natikman mo, hahanap-hanapin mo ito. Ganito ang nararamdaman ko noong mga nakaraang linggo. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang mga puno, mga halamang gubat, mga hayop, ang greeting from mountaineers, ang preskong hangin mula sa kagubatan, pawisang katawan, at ang paghingal dahil sa matarik na aakyatin.

Kinabukasan ng ika-30 ng Marso, matapos ang matagumpay na outreach ng PBO ay muli na naman namundok ang inyong lingkod. Kinita ang bihasa sa pamumundok na si Sir Ian at ang amateur/master na si Jeff, Art, Shan, and Kristel kasama ang first timer na sina Vien and Jan.

We met at Starmall crossing. Ang Philippine Time is not really on time. Haha! Ang usapang 5am magkikita-kita ay naging 6:30am. Galing, galing! Hahaha! Nag-effort pa naman akong maaga umalis mula sa Laguna tapos late din pala sila. Pero, ok lang. Understood na kasi yan... :)
Konting-konti na lang.....

7am na kami nakaalis going to Tanay, Rizal. May part doon na pakiramdam ko paakyat ako ng Baguio City., yong daan kasi pa-zigzag. Hehe! Almost 2hrs ang binyahe namin papuntang Tanay. Mga 9am narating namin ang Tanay Market, sakay ulit ng jeep papuntang Brgy. Malaya, mahigit isang oras din yata ang byahe. Pagkadating sa Brgy. Malaya, nagpunta kami ng Brgy. Hall para magpa-register.

Go guys! Kaya nyo yan! 
930am na kami nakapag-start ng trekking. Mula jump-off, locals help us para ituro sa amin ang trail going to Mt. Sembrano. Paakyat siya ng paakyat.

Medyo naligaw pa kami dahil may dalawang trail doon at walang trail sign kung saan dapat... Tsk tsk! Yong tinahak naming daan ay papuntang bangin. Hahaha! Balik na naman kami at tinahak ang isang daan...trekking......
(from left) Ian, Empi, Jeff, Shan, Art, Kristel, and Jan. Photographer si Vien

Pagkadating sa campsite, we rested. Umorder ng fresh buco juice for only 10pesos and we ate our baon....trekking ulit after 30 minutes.......

See? May mga puno man pero nasa baba ng bundok...
Medyo mataas na ang haring araw noon kaya more pahinga kami dahil sa sobrang init, nakaka-dehydrate at nakakahingal. Kaya, required talaga na magdala ng madaming tubig lalo na kapag ganito kainit ang panahon dahil kung hindi, good luck sayo!

Kaya pa? Konting-konti na lang....malapit na tayo sa tuktok.
Low Peak of the mountain
Mga 11am narating namin ang tinatawag na Low Peak ng bundok. Hindi pa dito natatapos ang trekking dahil  hindi pa ito ang pinakatuktok ng bundok. Walang puno ang bundok na ito na kagaya ng Mt. Talamitam. Tiis tiis na lang sa init ng araw.
at the peak of Mt. Sembrano, the view of Mt. Tagapo
Ang nakakaganda sa mga kasama namin ay hindi nagrereklamo. In fact, daldal pa nga ng daldal, puro tawa at kalokohan. Parang hindi napapagod lalo na si Jan, super hyper. Hehehe!

Mt. Sembrano
Meteor Garden lang ang peg?
Kaya pa bang akyatin? Lol
at the Low Peak of the mountain. In front of us is the Mt. Sembrano
Photographer: Kristel
Almost 1pm na namin narating ang tuktok ng Mt. Sembrano....konting kwentuhan at lokohan na naman sa tuktok. Then, after few minutes we decided to go back to trail. More pahinga ulit sa campsite habang hinihintay ang iba pang kasama na nahuli. 

Emo? Lol
Photographer: Vien

Of course, Meng was with me

Biglang may narinig kaming babaeng sumigaw....pagkadating nila sa campsite, napag-alaman namin na si Kristel yong sumigaw, at nadulas siya, nahulog sa may bangin, mabuti mababaw lang at kasundo niya si Shan.. Nagkapasa at may sugat siya. Sad! Part yan sa pag-akyat kaya next time, careful na sa mga aapakan. :)

Haggard look na kayo ah...
Photographer: Vien

Thanks to Jeff and Ian for this experience. Nice meeting you Shan, Art, Jan, Vien and Kristel. See you on our Cagbalete getaway. Excited! :D

Thank you guys for dropping by....God bless!

Bye!

32 comments:

  1. buti pa si meng kasama :( minsan nga sama ako ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure, Ms. B!

      Welcome na welcome kayong sumama! :)

      Delete
  2. i just so know what i had missed :( anyway, meron na din akong maraming baon, moving forward, promise sasama na tlaga ko.. :)

    ReplyDelete
  3. Grabe ang dami oras ng byahe at akyat ng bundok. Ang lalakas nyo.
    Awesome views:) at least kita ko through you.

    Have a nice day Empi:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks, Mommy Joy!

      Nakakapagod ang byahe pero sulit naman kapag nasa tuktok ka na ng bundok. :)

      Delete
  4. worth it nmn pala ung pag-effort na umalis ng 3am ..... sama ako sa susunod empi hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ka naman takot mangitim di ba? Pwedeng pwede kang sumama. Hahaha

      Delete
  5. Maitim ka na masyado panget..buti you have this skin protection na.. Good.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, mas maitim ka pa rin kesa sa akin panget. :D

      Delete
  6. buti pa so meng nakasama sayo...hihihi... kakapagod noh? pero sulit...

    ReplyDelete
  7. Nagtext sa akin si Jeff, nagtatanong ng papuntang Pintong Bukawe. Pero astig ang mga tanawin, lakas maka meteor garden na matching pointing to the sky ang peg :))) At hindi talaga nasusunod ang Filipino time :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sama ka na kasi kapag inaya ka ni Jeff. :)

      Delete
  8. lakas maka emo woottss hahaha parang ako ang napagod pero masubukan nga yan minsan diba. bakit ba ang gala mo? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara! Sumama ka sa amin! Para mas masaya!

      Di ko nga rin alam kung bakit ako gala....haha

      Delete
  9. cute naman ni Meng...

    sarap ng place.. nakaka relax..... lalo na sariwa ang hangin...

    nakakapagod pero alam ko enjoy yan

    ReplyDelete
  10. ganda ng first pic! mala-wallpaper sa pics. :p

    sana madaming photoshoot si meng :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahiyain siya e...di bale, next time, siya ang bida! hehe

      Delete
  11. haha wow naman di ko pa natry ang umakyat ng bundok haha
    iniisip ko pa lng napapagd na ko ee hahaha
    ganda ng shots ahh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bata ka pa...kayang kaya mo yan Mecoy! :D

      Delete
  12. hi empi! marco! how u doin man? remember me? hope u doin good there!

    ReplyDelete
  13. Yan mga hilig ko e and swerte natin sa Pinas dahil marami tayong pwedeng puntahan na ganyan...

    At least adventure di ba na madidiscover mo bangin pala napuntahan nyo... Lahat na ng pwedeng daan haha!

    Maggaganyan ulet ako pag uwi koooo! Kamiss! Salamat sa post! :)

    -Steph
    http://traveliztera.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung gusto mo, sama ka samin pag may akyat! :D

      Delete
  14. sana makasama ako sa next adventure :)

    ReplyDelete
  15. Hi Empi. Dropping by again to thank you for joining " Letter To God Contest. I really appreciate it.
    Anyway, I published your entry in my blogpost today. God bless you and goodluck:)

    ReplyDelete
  16. parang okay lang tingnan yung trail pero sa picture lang siguro yun. xempre noh pag mejo mahirap na wala ng nagpipicture. hehehe. nakaka engganyong magbundok ang post nato empi

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D