Kamusta kaibigan? Tara, usap tayo! LOL!
Nangyari na nga ang pinakahinihintay ng lahat ng PBOers. Nagbigay na naman ng saya and this time mga Lola naman ang pasasayahin ng PBOers.
Ito ay ang pangalawang outreach ng PBO at sa dami ng pinagpipilian na maging beneficiary. Pinagbobotohan ito ng mga officers and volunteers at ang napiling beneficiary ay walang iba kundi ang Bahay ni Maria, sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City. Ang tahanan na kumakalinga sa mga matatanda na walang pamilya o inaabandona.
Noong March 30, 2013, ang grupo ay tumungo sa Bahay ni Maria upang maghatid ng saya at magbigay ng mga regalo para sa mga Lolas at iba pang girls na nakatira sa bahay. Bukod sa PBO ay may nauna pang nagbigay saya sa mga ito noong araw na iyon. Hindi na ako magkokomento tungkol sa naunang nag-outreach, nakaka-badtrip lang sila. :)
After 2hrs, si Sister Evelyn ay nagbigay na ng "Go" signal sa mga PBOers na pwede ng i-distribute ang mga pagkain para sa mga Lola dahil gutom na ang mga ito.
Nagsimula ang PBO mga around 3 o'clock ng hapon. Nagbigay ng mga regalo for lola's at iba pang pangangailangan nila mula ito sa mga mabubuting sponsor.
Narito ang ilang kaganapan noong March 30, 2013 sa Bahay ni Maria.
Sister Evelyn and ate Rina
Sabi ni Ate Rina. "Kuya, kuya...balik kayo ha...yong marami din kayo"
Nakikinig ng saloobin ni Lola, sabi ni Lola, mabait daw si Ate Rina - siya raw ang naglalaba ng damit ni Lola. Noong una daw nilang pagkikita ni Ate Rina tinanong daw niya ito kung saan ang mga magulang niya. Si Ate Rina daw ay nakatingin sa bundok at tumutulo ang luha.Kwento pa ni Lola, mabuti pa raw ang mga hindi niya kamag-anak o ibang mga tao may malasakit sa kanya/kanila pero yong kamag-anak at pamilya niya, wala! Madalas daw siyang nahuhuli ng kaibigan niyang pulis na nakatulala at umiiyak.
Sabi pa niya, yong isang Lola daw doon (yong naka-wheelchair na putol ang mga paa), kapag daw may mga gwapo na lumapit...sasabihin daw na boyfriend daw niya ito. At para sa kanya daw, sa edad nila, wala na raw dapat ganun.
At noong nagpaalam na, sabi ni Lola sa akin, malulungkot na naman ako, wala ng makausap, at maiiyak na naman ako.
Hays! Parang dinurog ang puso ko noong sinabi niya iyon....niyakap ko siya at sinabing wag na siyang malungkot dahil babalik kami para bisitahin sila.
PBOer Arline and Nutty...pinakain si Lola Binay
PBOers
Isa na namang masaya, nakakaantig sa puso, at nakakalungkot ang naranasan ng inyong lingkod. Maraming salamat na naging bahagi ulit ako sa isang mahalaga araw para magbigay saya. Maraming salamat din sa mga bagong mukha na nakasama sa outreach. Nice meeting you all!
Until next outreach... God bless! :)
**photo credit to Zai
sobrang simple ang post na ito about our 2nd outreach pero dama yung emosyon... si lola arsenia ang isa sa mga maaari mo talagang makakwentuhan... nakakamiz sila...
ReplyDeleteNakakamiss nga sila! :)
Deleteuna parang tito boy lang ah nyahaha, pangalawa na starstruck ka kay lola..
ReplyDeleteNakakadurog talaga ng puso yung mga kwento ng mga lola sa BNM...
Na starstruck talaga ako! Haha
DeleteNakakalungkot pakinggan ang kwento nila.
mukha ka ngang malungkot kuya empi....
ReplyDeleteat sana nga... makabalik tayo sa BNM...
:)
Muntik na akong maluha.
Deletenakakalungkot ang bawat wento ng mga tao/matatanda na iniiwan sa ganyang lugar :(
ReplyDeleteTotoo! Nakakaawa :(
Deletehays kelan kaya ko makakabalik dun,
ReplyDeletewant ko pa makausap si lola olen nakakaiyak talaga sila,
muntik na din ako maiyak eee
anyway nice meeting you parekoy
balik ka. wala naman masamang bumalik. matutuwa pa sila.
DeleteTama si cyron! :)
DeleteBalik ka doon Mecoy!
Deletenice meeting u empi. lol
ReplyDeletekakaantig ang post na to. kaya di ko inaaway ang lola ko eh.
Sa wakas, na-meet na kita Bino! Nice meeting you! Hahahaha
Deleteganda ng picture na kasama si sister... ganda ng shots...
ReplyDeletena intriga ako kung bakit nakaka badtrip ang nauna hehehe
Congrats sa PBO ^^
Naalala ko tuloy ang lola ko.....
Galing ni Zai kumuha e. :D
DeleteHmmmm baka mabasa mo sa ibang blogger yan sir. :)
Beautiful people with beautiful hearts:) A very good deed indeed! Blessed to bless and share joy to the hurting. Saludo ako sa inyo!
ReplyDeleteSana makasama ka next next next outreach, Mommy Joy! :)
Deletelungkot lungkot naman.... ung mata ni kua empi halatang may kirot sa puso.
ReplyDeleteTalagang napansin mo ang mata ko Jei ha! :)
Deleteall they need actually is someone or somebody to listen their stories, yong may nakakausap sila the moment gumising sila hanggang makatulog sila. ang mga matatanda love to tell stories of their experiences, good or bad, success or failure man. i am all so proud sa inyong lahat na naging success ang project na ito sa PBO. what is worth of all is the lesson, wisdom and realizations na nabigay nila lola sa ating lahat.
ReplyDeletecongrats sa lahat and PBO will go a long way.
Yes, Lala! Totoo yan!
DeleteSana next outreach makasama ka namin! :D
naiiyak ako dito. salamat sa mgaganitong post pakiramdam ko "in a way" nakasama na rin ako.
ReplyDeleteSana sa susunod andun n din yung physical presence ko. hehehe
:)
Sama ka next outreach sir!
DeleteYou look so sad sa pic mo Panget.
ReplyDeleteYou seriously look affected. :(
Oo nga e...nakakalungkot kasi yong kwento ni lola
Deletenext time sama akoh sa PBO outreach nyo pag umuwi akoh =D Godbless to u guyz!
ReplyDeleteSige dhi. Inform mo ko kelan uwi mo... Hehe
DeleteEmpi, ano daw number mo sabi ni Rina :)
ReplyDeleteAng saya sayang experience, thanks at sumama ka sa swimming! til next kita kits Empi! :)
Binigay ko na e! Hahaha
DeleteSee you soooon, zai! :)
Nice meeting you Empi!!!
ReplyDeleteNakakatuwa :)) Kailangan talaga ng kakwentuhan dun. Sabik sila sa bagong bisita.:) Nakakamiss silang alagaan :)
ReplyDelete