Magandang umaga! Kamusta ang weekend niyo? Sana ay naging masaya kayo. Sana ay naging maswerte kayo noong nakaraang Friday the 13th. Hehe! Ako? Ayon, single pa rin. Haha! Okey naman kasing okey mo. Nag-renew ng pasaporte noong Friday. Pagkatapos, hindi na pumasok at gumala na lang.
Kinita ang mga bagong friends at nag food sa Ice Bar na akala ko ay kakaiba ang pagkain, I mean, yong hindi ko pa nakakain. Yong tipong exotic tulad ng fried palaka, adobong butiki, etc. Joke!
Pero ang dami kong nakain doon ha, sabi ko nga kay Zai, magpapagutom ako para mapadami ang kain ko. Kaya ayon....di pa natapos dyan ang kainan. Nagpunta kami sa chic boy at uminom doon na sobrang nakakalasing..Grabe! Nakakalasing talaga! Alam mo yong parang isubsob na pagmumukha mo sa kalasingan. Ganun! Lasing na lasing nga ako yon, gumagapang na ako sa kalasingan. Grabe! Pero syempre....JOKE JOKE lang yon! Lol!
At HINDI pa natatapos dyan...nagkape kami at kinain namin ang dala kong Napoleones. At nag mcdo naman pagkatapos. Grabe! PG lang no? Lol! Ang saya lang!
Sa susunod na foodtrip Zai-Anne!
Eat All You Can, hanggang sa mabundat YOU! |
Noong linggo naman, pagkatapos kong magjogging. May invitation naman akong natanggap, lunch sa may Centris Station, KAINAN na naman. Hahaha! At ang kinain ko ay....taraaaannnnnnn!!! Crispy Fried Hipon!
Sarap nito! Carrot juice! |
Kabado ako habang ningunguya ko sya. Kasi allergic ako sa pagkain na ito. Baka kako mag react sya ang mamamantal ako at mamaga ang pagmumukha. YARI! Buti na lang hindi! Kaya, sige lang...kain lang ng kain. Di bale, may baon naman gamot.
Salamat dahil nakakain na kita! |
Pagkatapos ng kainan, derecho ako sa Megamall para bumili ng Napoleones para sa mga ka-opisina ko. Nagpromise kasi ako na bibilhan ko sila. Oh, ang sweet ko lang! haha!
Sobrang sweet napoleones kasing sweet ko. Lol! |
Minsan ang LOVE ay parang ibon. Kailangan mo itong palayain, kailangan mong pakawalan, dahil babalik yan kung talagang para sa iyo. Kung hindi naman.... e aba! BARILIN mo na! Lintik na ibon na 'yan, masyadong choosy!
Hahaha! Have a nice day! Good vibes! SMILE!
Hindi ako PG no?haha.. Gusto mo pala ng exotic e sana sa Balaw-balaw sa Angono tayo kumain, kaya lang ayaw ko nun, haha! Pasaway, sige kain lang ng bawal, pero mukhang wala ka na naman allergy e, kaya good yan!
ReplyDeleteKatakot naman pala, namamaril.. may phobia kaya ako sa baril, hehe!
Hahaha. Buti nga hindi na umatake. Sana ay tuloy tuloy na para wala ng bawal kainin. Lol!
DeleteBakit? Tinututukan ka ba ex mo noon? Joke! Hehehe
Grabe anu to fiesta whole day! Daming kinain sa isang araw buti di ka naimpatso! Lalong masarap kumain pag inlove ka or kung may kasama ka diba..
ReplyDeleteButi nga hindi e.
DeleteSabagay....inspired kasi kumain kapag may love. Hehehe
kung talagang mahal mo wag mong palayain hehe..
ReplyDeletehello sa favorite kong ka-love team ni joanne :)
Gusto ko ang unang linya. Hehehe!
DeleteFavorite ka-loveteam talaga no. :D Ty
sinong mesabi na mas masarap kumain keysa mainlove??? at teka... pag inlove kah kumakain ka ren naman ahhh.... lolz =P
ReplyDeleteHahaha. Oo na!
Deletend abahhh sinong ibon yan??? may sikreto si friendship! =P
ReplyDeleteIkaw kaya ang may ibon. Lol
Deleteisa nga sa pinakamasarap gawi nsabuhya ay ang kumain ..wala pang heartache.hahaha
ReplyDeleteputulan mo ng pakpak ang ibong choosy na yan :p
Tama ka walang heartache pero may stomach ache. Hahaha
Deleteang sarap nmn nung Crispy Fried Hipon! at tama mas masarap talaga kumain kesa umibig!
ReplyDeleteTama! Lol
Deletekain na walang bukas naman ito dodong empi...hehe
ReplyDeletesesentensyahan ka na ba? LOL
Ibebenta na raw kasi ako. Lol!
Deleteallergic ka din pala sa hipon?!! yiii ako din!!! barilin na ang lintik na ibon na yan! wahahaha
ReplyDeleteApir! Pero dahil pasaway ako...kumakain pa rin. Lol!
Deletesobrang agree ako sa statement na ito, masarap pa ding kumain. sarap nung napoleones
ReplyDeleteSarap! kain!
Deletehmmmmmmmmm ..hahaha
ReplyDeletemay ganun banat talaga sa dulo?LOL
Hahaha!
Deletekagutom buti na lang kakain ko lang hehe sarap nung napoleones. at bakit may ganung banat sa huli?may pinaghuhugutan?
ReplyDeleteHahahaha. Wala naman! :D
DeleteTara! Kain tayo
ni hindi man lang nagyaya at sinosolo talaga
ReplyDeleteKuya! Food trip tayo next time. :D
Delete