Monday, July 9, 2012

Busy Weekend


Friday Night
May biglaang lakad ako noong friday. Buti na lang wala akong date noon kaya agad akong nakipagkita sa kina seksing trudis liit at seksing tangkad at kasama ang bagong nakilala na si seksing morena. 

Madali akong kausap e. Sabi ko nga, kaladkarin ako lalo na pag nasa condition na lumabas. Hehe! Saka ganadong gumala ang inyong lingkod. Enjoy life, ika nga di ba? 

Kinita ko sila sa isang resto sa Mega Mall. Hmm...Mesa yata ang pangalan ng resto na yon. Puro Pinoy foods ang mga inihahain nila. Konti nga lang nakain ko dahil nagkanin ako noong merienda. Haha!

Pagkatapos kumain sa Mesa, nag dessert naman kami sa Chewy Junior. Yum! Pagkain na naman. Hahaha! Tapos nyan, hindi pa nakuntento. Nag-DQ pa bago umuwi. Ang takaw? Hahaha!
photo from joanne

Saturday GALA
Gumala naman ako noong sabado kasama ang Kuya-kuyahan ko (my bestfriend) kahit medyo masakit ang ulo ko, sige lang....enjoy life nga e, di ba? LOL! 

Tamang gala lang. Nagpunta kami ng Glorietta at Greenbelt. Sabi niya, SALE daw sa fully booked. Kaya, ayon nagpunta naman kami at nakabili ako ng dalawang books worth of 50php each. Tipid di ba? Recommended ni Kuya ang SHADOW MAN. At pinili ko naman ang THE GOOD LIFE, parang maganda siya kasi it talks about love, life, at kung ano ano pa. 

Sunday Biglaang EB
Morning routine ko kapag sunday ay ang tumakbo o magjogging sa UP Diliman. Pagkatapos nito, linis ng kubo ko at kung ano ano pa. Pagkagising ko ng hapon, naisipan kong magsimba sa EDSA Shrine at bigla namang nag-text si Kuya Jin na kitain daw siya sa UP. 

So, pagkatapos ng mass. Derecho na agad ako sa sinasabi nilang Cafe Sefali. Ang tagal ko na sa lugar namin  pero hindi ko alam na may mga kainan pala doon na mura lang. Haha!

Na-meet ko ang kaibigan ni Kuya Jin. At nagdinner. :)

photo from kuya jin

Ang busy ko! Haha! Sa darating na weekend ulit. Ayos! Have a nice day! :)

18 comments:

  1. In fairness, kaladkarin ka nga, parang kami lang! :D

    Ang saya naman ng books, 50 lang.. peram ako ah?

    Ang saya talaga ng weekends!!

    ReplyDelete
  2. haha i just had a busy weekend last friday im on a date then last saturday i help organizing a bday party that was the most tiring above all and yesterday i dyed my hair hoho

    ReplyDelete
  3. Mabuti ka pa nakakabili at may time pa magbasa ng mga books. hehehe

    ReplyDelete
  4. ang mura naman ng books!
    pasabook na yan. hehehe
    -khanto

    ReplyDelete
  5. naks saya naman nang weekend ni friendship koh =) take care nd Godbless!

    ReplyDelete
  6. haaaaisst naalala ko tuloy ang mga nakatengga kong books! waaaaah!

    ReplyDelete
  7. di ako nakakabasa ng books lately lool

    ReplyDelete
  8. daming gala, daming kain! enjoy life nga! :)

    ReplyDelete
  9. ang sarap naman ng pagkabusy mo ..haha

    sana maging ganyan din ang weekends ko :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman. Magiging ganyan din weekend mo. :D

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D