Saturday, June 23, 2012

Pamangkin(s)

Hello readers! Ibang iba post ko ngayon kung mapapansin mo. Hindi kasi mahilig mag-share ng photos lalo na pag family ang involve pero this time, i-share ko ang mga nagpapaingay sa bahay namin. Hehehe! Bago ako bumalik dito, itong mga pamangkin ko at mga pamangkin sa pinsan ay doon natutulog sa bahay ni Lola. 

Alam mo yong lahat ng kapitbahay mo ay tahimik na tahimik pero ang bahay lang namin ang super magulo at maingay. Isa sa mga nagiingay ay ang mga bata. Tapos, sinasaway ng mga matatanda kaya ayon, rambulan na. 

Si Weskee, ang panganay ng anak ng aking rakistang kapatid, mahilig kasi sa rock ang kapatid ko. Minsan at madalas, napagkamalan siya drug adik sa min bukod sa mga type of music niya, may mga tattoo pa. May mga musika din naman na nagagandahan ako kahit rock sya. Pero ang iba nga naman talaga ay grabe sakit sa tenga. Sumasakit ang ulo ko kapag magkasama kami sa bahay at nagpapatugtog siya. Sabi nga ng lola, "nagpapatugtog na ang demonyo!" Tawa ako ng tawa noon.
Si Weska, siya yong unang babae sa pamilya namin bago si Duday, kaya naman siya ay nasa pangangalaga nila Nanay at Tatay. Super spoiled siya ni Tatay. Kwento pa nga ni Nanay, gusto daw magpa-party si Weska sa birthday niya bago nawala si Tatay, at doon siya kay Tatay naglalambing kasi hindi niya kasi mauto si Nanay. Hahaha! Saka, lumalaban si Tatay kapag pinagalitan ni Nanay si Weska. Aba! Dinaig pa ako!

Dati, sinabihan ko si Weska ng "Umuwi ka na sa tunay mong Nanay at Tatay. Ako kaya ang bunso nila." Sinagot ba naman ako na, "Ikaw ang umuwi ng Manila. Taga-doon ka di ba?" Tawa ng tawa ang parents ko pati na rin ako. LOL! 

Si Weshan, ito ang mukha ni Tatay noong kabataan niya, kuhang kuha talaga pati buhok. Si Weskee, Weska, at Weshan ay naaalagaan ko noon. Pero yong panganay talaga ang totally naalagaan ko dati kasi tambay ang inyong lingkod noon kaya nag-babysetter na lang muna. Kita mo naman, mana sa Tito ang mukha. Ang GWAPOOOO!!! Hahaha!

Pansin mo? Pare-pareho ang shape ng pagmumukha nila? Hahaha. Yan kasi shape ng mukha ng kapatid ko at ng inyong lingkod. Si Kapatid na panganay lang ang naiba. Kaasar! Hahaha! Minsan, pag nauwi ako sa amin, tinatawag nila ako sa pangalan ng kapatid ko. Kainis lang! LOL!

Si Xam nga pala ay medyo mahina. Parang sensitive siya. Madaling magtampo. Madaling umiyak. Madali sumama ang loob. Noong, pinagalitan siya ni Lola, umiyak siya. Wawa naman! Si Lola naman kasi alam ng bata, makukulit ayaw pang pabayaan. Kainis!

Si Ceska o kilala sa tawag na DUDAY, madaldal na bata. Maraming tanong. Maraming kwento. Pagtinatanong mo, may sagot siya. I missed this kid! Kita mo, lahat ng pic ng kapatid niya. Present ang Duday. Ayaw patalo. At alam mo ba, siya lang pumu-pose ng ganyan. Hindi yan sinasabihan na magpose ng ganyan. Gusto yatang magmodelo. Kaso pandak. LOL! Oh, malay ko, baka pag-uwi ko soon. Lagpas na siya sakin. Haha!

Si Wancho (bunso), na-cute-tan ako sa kanya, kaya pag nagpunta sa bahay 'to. Kinakarga ko agad. Ang hilig ko talaga sa bata lalo na pag ganitong edad. Pero wag ka, pag umiiyak na ng todo. Naaasar na ako. Hindi ko kasi kayang patahanin. Hahaha!

Ayan oh, kita niyo super gulo ng mga batang ito. Yong iba dyan pamangkin ko sa pinsan. :) Sobrang na-miss ko na sila. :(
Happy weekend everyone!

14 comments:

  1. naku ako dati taga alaga ng mga pamngkin ko sa dme nila hagard na hagard ako tas mg aaway away pa haha tas 3 baby inaalagaan ko dpt buhatin ko sila lahat kasi pag me naiwang isa iiyak haha

    ReplyDelete
  2. ang cute naman nila at ng mga pangalan nila! I'm sure miss ka na din nila at walang nagpi-picture picture sa kanila. sana makapag bday party pa si Weska :)

    ReplyDelete
  3. ang cu-cute! ang cool pati mga pangalan nila :)

    ReplyDelete
  4. may future sa modeling itong si Duday.Yan talaga ang mga name nila WEska at Weshan?Kakaiba

    ReplyDelete
  5. nakakatuwa yung mga pangalan nila hehehe

    ReplyDelete
  6. good vibes ang post na ito!! hehehe. thank you for sharing empi!!

    ReplyDelete
  7. Ang cool ng names.. Ang hilig ko rin mang-away ng mga pamangkin, saya no? tas pag umiyak, lalayasan ko, hahaha.. Makapag-sabi naman na pandak si Duday oh, kala mo tangkad mo, hahaha..

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D