Tuesday, April 24, 2012

Jewel


Kapansin-pansin ang taglay mong ganda kaya naman kahit ika’y nasa sulok ay panay lingon sa iyo ng tao sa paligid lalo ng ang mga kalalakihan. Lagi kitang nakikita sa may sulok ng silid-aklatan abala sa mga takdang aralin. Pero ang ganda mo talaga ay kakaiba! Dahil sa ganda mo, ako din ay umaaligid sayo, nagpapansin! Gumagawa ng paraan para lamang ako ay pansinin mo ngunit bigo ako.

Bigo akong makuha ang atensyon mo, pero hindi ako susuko dahil alam kong papansinin mo din ako balang-araw. Ang ganda mo kasi! Kainis! Halos na sa iyo na ang katangiang gusto ko.

Ganda mo’y hinding-hindi kailan man malilimutan, laging pumapasok sa aking isipan. Larawan mo’y lagi kong minamasdan (at saan ko naman nakuha ang larawan niya? Hmmm. Sikreto!). Ang hirap lang magtapat ng tunay na saloobin sa iyo dahil sa taglay mong kasungitan. Pero sa ngayon pa lang ay itinuturing na kitang kasintahan ko. Ayiiihh! Kinikilig ako ‘pag naiisip ko yon!

Para tanga ko lang, di ba? Ewan ko, nabihag ako sayo. Hibang na hibang na ako sayo!

Sa loob ng klase, nagpakitang gilas ako kulang na lang tumumbling ako sabay split para lang pansinin mo. Oo, grabe! Ganun kita ka-gusto. Lahat gagawin ko para lamang pansinin mo ako at makuha ang atensyon mo. Gumawa pa nga ako ng tula para sayo doon sa takdang-aralin natin patungkol sa dalawang pangunahing anyo ng panitikan. Noong nailahad ko na sa buong klase ang tula ko, lahat sila ay kinilig maliban lang sayo. Kainis ka nga e dahil parang ang manhid mo. Para sayo ang tulang iyon!

Sa aking isip, hindi ako ang tipo ng lalaking gugustuhin mo. Nais ko ng sumusuko at pabayaan ka na lang pero may bahagi sa aking katawan na nagsasabing “’wag kang sumuko ga lung gong gong ka, malapit na siyang bumigay sayo..”
 .......................
Isang araw, nagkagulo ang mga estudyante sa buong paaralan dahil sa sunog sa may silid-aklatan. Bigla kitang naisip dahil alam kong sa mga oras na iyon ay nasa loob ka ng gusali. Dali-dali kong pinuntahan ang kinaroroonan ng sunog, kitang-kita ko ang malalaking apoy na halos kakainin na ang buong gusali. Ngunit, lakas loob kong pinasok ang silid upang ika’y hanapin at iligtas. Akala ko patay ka na noong nakita kitang humandusay sa isang sulok. Agad kang kinarga ng mga bisig ko at tumakbo palabas ng gusali.

Mga ilang oras din ang nakalipas nang malaman kong gising ka na. Nilapitan kita sa iyong hinihigaang kama sa klinika ng paaralan. Ngumiti ka sa akin. “Salamat! Niligtas mo ako,” mahina mong sambit. Unang ngiti na kay tagal kong hinintay na ibibigay mo sa akin. Sa wakas, nakita ko din ang ngiti mo!

Nang dahil sa aking ginawa, tinuring isang bayani ng mga kaklase natin at binigyan pa ng medalya mula sa Kagawaran ng Edukasyon dahil sa katapangang ginawa.

Kahit papaano ay nakuha ko din ang loob mo na sa simula ay ang hirap makamit. Nakasimangot ka dati kapag nakakasalubong kita sa paaralan kaya noong nasilayan ko ang ngiti mo ay laking tuwa ko talaga. Dati parang tigre kung makatingin sa akin kapag nakasalubong kita at kung lalapit ako sayo para kang mangangalmot. Ngayon, nakakasabay na kitang kumain sa canteen. Minsan, pinagsasaluhan pa natin ang baon kong pritong galunggong na may kamatis. Sarap na sarap ka pa. “Ginayuma mo yata ako,” sabi mo sabay tawa. T*ng-!n@! Kinikilig ako kapag maririnig ko ang tawa mo.

Magkasabay na rin tayong umuwi pero bago kita ihatid sa bahay niyo ay dumaan muna tayo sa tambayan nating dalawa. Sa may lawa, nakahiga tayo sa damuhan  habang hawak ang kamay ng isa’t isa. Doon ako nagtapat ng pag-ibig ko sayo at doon mo din binigay ang matamis mong “Oo, mahal din kita!” Saksi ang damuhan, ang mga punong kahoy, ang mga ibon, ang lawa sa ating wagas na pagmamahalan. Minsan pa nga inabot na tayo ng gabi, naririnig na natin ang mga huni ng mga kulisap sa paligid dahil gusto pa nating magkasama, tila ayaw nating mawalay sa isa’t isa.

“Ang pag-ibig ko sayo ay tila saranggola na tinangay ng ipu ipo na kailan man ay hindi ko na makukuha,” pero maling hinuha ito dahil ang pag-ibig ko sayo ay namamahay sa puso mo.

.................
Dali-dali kong tinahak ang madilim na daan patungo sa tambayan natin dahil sigurado akong nandoon ka lang. Alalang alala ako dahil buong araw kitang hindi nakikita sa paaralan at buong araw kong hindi nasilayan ang ganda mo. Ilang kaibigan at guro na rin ang napagtanungan ko ngunit wala silang alam. Habang papalapit na ako sa lugar na iyon ay narinig ko ang halinghing ng dalawang nilalang. Pilit kong inaninag ang kinaroroonan ng dalawa. Kitang kita ko ang isang malaking anino na nasisinagan ng liwanag ng buwan, ng isang taong nakaupo sa damuhan, kakaibang tao…

“Umuwi ka na sa atin…”
“Masaya na ako sa mundong ito.”
“Kailangan ka ng mundo natin.”
“Hindi ako nababagay sa mundo mo.”
“Mundo mo din ang mundo namin.”
“Ayoko ng balikan ang mundo mo.” Sabay takbo mo palayo sa lalaking iyon. Hinabol ka niya at sa pilitang kinuha.
“Ayoko ng balikan ang mundo ng mga maligno….ayoko naaaaaa. Bitawan mo akooooo” 
“Bitawan mo si Jeweeeeeeelllllllllllllll………….” sigaw ko, "Jeewwwweeelllllllll...bitawaaannnnnnnn mo ssyyyyyyaaaaaaa!!!"

...............
“Empi! Empi! Gising!” sambit mo sa akin.


Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan

34 comments:

  1. goodluck sa wakas eh natapos!:)ayos!

    ReplyDelete
  2. akala ko di sasali. :)

    Salamat sa paglahok :) \m/

    ReplyDelete
  3. bakit walang link back dun sa contest ni bino,

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga no. hahaha. sorry! ayan na-edit ko na. salamat, khants!

      Delete
  4. kakaiba ah fairy tale story!
    gudluck pre...

    ReplyDelete
  5. ui kakaiba to, parang horror-fantasy, good luck sa entry mo kay bino!!

    ReplyDelete
  6. wow!!! maligno si jewel?!!! hahahah kakaiba!!

    ReplyDelete
  7. ayos sa twist akala ko marerape siya eh yun pala maligno siya. nice talaga ng ending. =D

    ReplyDelete
  8. magaling sir empi, ang husay naman. iniisip ko noong una, baka tumatanaw lang ng utang na loob si babae. kalimitan kasi ay ganon :)

    ayos ang twist sa huli ah...

    gudlak dito sir :)

    ReplyDelete
  9. ayun oh! kala ko vacation mode ka pa...hehehe

    nakalimotan mo yung link sa pakontes ni ser bino

    madugong labanan na naman itey..LOL magaling, magaling!! >___<

    ReplyDelete
    Replies
    1. bitaw tabs! nalagay ko na.. salamat!

      good luck pud sa imo! :D

      Delete
  10. galing! parang tutuo - pantasya at panaginip lang pala :) good luck!

    ReplyDelete
  11. adik! na-hook ako dun ah... akala ko naman natagpuan mo na yung hinahanap mo. nice one empi ^^

    ReplyDelete
  12. sino si jewel? jewel torre ba yan? LOL

    natawa ako dun sa para kang "mangangalmot" naimagine ko lng. hahaha

    ReplyDelete
  13. wow... astig ang pagkakagawa.. lupit ng twist sa dulo..

    ReplyDelete
  14. ganda .. ganda ng twiat sa dulo.. goodluck po ...God Bless!

    ReplyDelete
  15. Buti na lang isang panaginip.

    Mahuhusay. Kaniya-kaniya ng estilo ang mga kasali sa pakontest ni Sir Bino.

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. Nagbasa. Humsuga. Kakaibang takbo ng istorya. Iba nasa isip ko nung nakita ng pangunahing karakter si Jewel... akala ko kung ano na ginagawa niya sa damuhan Haha. Okay sa twist. Good luck sa entry.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D