Friday, April 13, 2012

fresh na fresh galing mindanao! :D

Kamusta mga ka-empi? Anong balita? Sa ngayon talaga, hindi lang tao ang weirdo kundi pati ang panahon. Kita mo naman, summer na summer pero paminsan minsan umuulan. Sinisingil na nga ba tayo ng kalikasan? Tsk! Tsk! Kasi naman, abusado tayo e. Oh, tama na! Baka mangaral na ako. Hahaha!

Kakabalik ko lang mula sa lugar na kung saan ako ipinanganak. Naglakbay ako gamit ang pangpasaherong bus. Kakaiba ang trip na yon dahil first time kong ginawa. Mula Luzon, dumaan ng Visayas hanggang sa narating ang Mindanao. Ayon oh! Ang saya saya!

Sakit nga lang sa pwet pero enjoy dahil sa mga tanawin. Ganda mag-byahe ng solo lalo na kapag hindi mo pa kabisado kung ano ba ang mga dapat gagawin. Nakaka-excite ang ganun!

Kahit masakit sa pwet...sulit naman dahil sa mga tanawin na makikita mo along the road. 

Dumaan ako ng Bicol, nag-stopover ang bus kaya ayon kuha naman ng larawan para sulit na sulit.

Bicol
 Hindi ko ma-imagine na ang daan ay umaabot sa Visayas at Mindanao mula Luzon. Wow! Galing! Maraming lugar kang madadaanan kapag land trip. Dumaan din ako ng Tacloban. Badtrip nga lang! Dahil tulog ako noong dumaan kami ng San Juanico Bridge! Grrrr! Nagising ako noong lumagpas na. Kainis, di ba? Kaya wala tuloy akong kuha ng San Juanico Bridge. Bad trip! Iyon pa naman ang pinakahihintay ko sa trip na iyon! Grrrrr...
somewhere out there, Tacloban! Lol!
Ang daming nangyari sa byahe kong iyon, nakaka-badtrip pa ang driver at conductor namin dahil hindi man lang magsasabi kung pwede ba kaming bumaba dahil kakainin o mag-CR. Paghinto ng Bus, ang dalawang kumag baba na lang ng walang paalam. Makita na lang ng ibang pasahero na kumakain kaya nagsibabaan din sila. Hahaha!

Ako, from Wednesday night until Thursday ay biscuit lang ang kinain ko at tubig. Ayaw ko kumain sa labas mahirap na. Alam mo na!
Liloan Ferry Terminal
Dalawang bus na lang ang naiwan sa byahe
What to expect kapag sa Holy Week ka naglalakbay? Lalo na sa mga probinsya? May schedule ang byahe ng Ferry noong araw na iyon lalo na't Holiday. Dalawang byahe lang sila, 8am at 8pm ng Friday. E ang bus na sinakyan ko ay parang Tour Bus, mabagal pa magmaneho ang driver, at mahigit 20 stop over yata kami kaya mas lalong tumagal. At halos 40 minutes kung makastopover sa isang kainan o sa isang station. Ayon sa mga pasahero, yong ibang bus naman daw hindi ganun karaming stopover. Pero anyways, tuloy ang paglalakbay.

Pagdating namin sa Liloan, Leyte doon kami na-stranded ng isang araw. Hindi namin naabutan ang 8AM na Ferry dahil nga Tour bus ang sinakyan namin. Dumating kami sa lugar ng mga 9am or 10am. So, halos 10 hours kaming maghihintay para sa pangalawang byahe na dapat ay nakarating na kami sa Lipata Ferry Terminal at dapat ay nakauwi na ako sa lugar namin. Yong pagtawid na lang e...sa amin na e. Kainis lang, di ba?

Dahil matagal kaming maghihintay, pinaproblema ng mga pasahero ang pagkain dahil nga Holy Week. Walang bukas na mga tindahan, kung meron man bihira lang. Ayon, nagkakaisa kami. Nag-ambag ambag ng pera para bumili ng bigas at uulamin. Yong isang pasahero nag-ambag ng tinapa na dapat ay pasalubong niya raw sa asawa niya. Pero binagay niya para may makain. Ang saya lang!
Mga pasaherong nagkakaisa
 Bumili ng bigas, tuyo, sardinas, at itlog. Nagluto ng malunggay nilagyan ng madaming  sabaw at sinahog ang sardinas. Solb!Kainan na!

Pagsapit ng alas sais ng hapon, ito na... medyo nagkakagulo na dahil ang iba nag-iinuman pala. Nag-aaway na dahil sabi nila, nakainom "daw" yong isang driver (pero hindi naman talaga). At ayaw nilang mag-drive yong isang driver dahil lasing daw blah blah blah...

Sa loob ng bus habang minamaneho ni Manong Driver papuntang port ay nagkakagulo na naman...sigawan na, may umiyak...dahil yon nga ayaw nilang mag-drive yong isang driver dahil lasing nga raw. Tapos yong dalawang pasahero...nagsuntukan na sa loob. Grabe! Feeling ko nasa eksena ako ng pelikula na may nag-aaway sa loob ng bus. Hahaha! May sumigaw na..."Tama na! Hindi niyo ba alam na malaki ang problema ko...blah blah blah". Sabi ng isang pasahero na nakainom din, "pare pareho tayong may dalang problema."

Yong pasaherong nasa tapat ko, ang daldal (nakainom din) paulit ulit ang tanong, paulit ulit ang sinasabi...basta ang gulo noong oras na yon! 
pagkain ng mga na-stranded. lol
Pero naayos din...natahimik ang mga pasahero. Hanggang sa nakarating na kami ng Lipata. Bumaba na ako ng Terminal. Kinabukasan na ako nakauwi sa amin dahil wala na ring jeep pauwi sa amin. So, overnight na lang ako sa terminal.
At Binet Ferry Terminal
After a long journey...bwahahaha! Nakauwi din! Welcome to my Home!

kuha mula sa kwarto ng bahay namin.
ba be bi bitch beach!! libre lang! Hahaha!

my home...di samin yan ha!
sunset
tara na!
Pagkadating ko sa amin, mga ilang minutes lang....takbo agad ako sa likod ng  bahay para masilayan lang 'to! At naligo na rin!

Ayon lang po! Happy weekend! :*

33 comments:

  1. huwaw, bongga ng photos -hd! lol
    ang sarap din talaga minsan mag solo flight, magagawa mo lahat ng gusto mo gawin. dapat inabisuhan mo yung katabi mo sa bus na gisingin ka pag may magandang tanawin. haha demanding much???

    ReplyDelete
  2. gusto nako ni buhaton ba...mag bus / roro ra..lingawa uy :)

    ReplyDelete
  3. grabe pangarap ko to! makasakay ng barko from luzon to mindanao!

    ReplyDelete
  4. nindot lagi ni nga trip emps...lingaw!!

    ang saya saya lang ng mga eksena sa bus parang lahat naka inom..nyahaha

    and kudos to great photos..ayeee!!

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng mga pics lalo na yung galunggong at sunset anyway..grabe naman yung nagsuntukan kaloka lang ah.

    ang ganda ng adventure mo. sana maranasan ko rin minus the suntukan part haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. may adventure kung may gulo ng konti. hahaha

      Delete
  6. hahaha nastarnded .at natwa naman ako sa eksena ng mga driver.action?LOL.ung mayon volcano di mo nadaanan?nagkakalyo pwet mo?hahaha

    ang dami bato ng beach pero ang sarap maligo.luwag na luwag :)

    ReplyDelete
  7. pati tinapa ni kuya nadamay hahaha..next time na uwi mo sama kami :)

    ReplyDelete
  8. tumatravel blog na rin siya :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... basta may mga chances..travel lang!

      Delete
  9. Nanghinayang ko sa San Juanico Bridge... okay lang, dadaan kp rin ba dun uli. wag kn nalang matulog. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas lalo na ako...nabadtrip ako. promise! :)

      Delete
  10. ang sarap nman ng trip mo khit nagkaroon ng gulo alam mo na may masayang mangyayari sa trip mo.
    such a nice experience!

    ReplyDelete
  11. haha ang saya at memorbale ng byahe mo, sulit dahil ang ganda naman dyan :) supre nice pics empi! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo...sobrang memorable talaga. thanks, zai!

      Delete
  12. mukang eksayting ang naging byahe mo.

    masakit sa katawan ang mahabang byahe. hahahaha. :D

    ReplyDelete
  13. empi taga tacloban ako! hahaha! sayang at di mo natanaw ang san juanico! dibale nxt time bigyan kita ng postcard! hehehe

    ReplyDelete
  14. happy for u nakabalik kah ren sa inyoh.. tc nd Godbless!

    ReplyDelete
  15. astig! trip ko din ma-experience ang magbyahe hanggang mindanao pero sana walang stranded na eksena at slight na amok ng mga tao. LOL...
    sana sa muling pagdaan mo sa san juanico bridge eh gising ka na

    ReplyDelete
  16. minsan lang talaga mahirap kalaban ang antok. kukunin at kukunin ka ng kama sa ayaw mo man at sa gusto... LOL

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D