Friday, February 10, 2012

INLAB ako

TORN BETWEEN FOUR LOVERS (but I don't feel like a fool)

WARNING: Hindi papalo ang kilig meter mo sa post na ito.

Ako si Toni. Twenty-six years old, babaeng-babae at very much in love with three men and one gay. Yes, you read it right! INLAB ako sa tatlong lalake at isang bakla! Kaloka di ba?! I know, mahirap paniwalaan, kasi kahit ako ay hindi rin makapaniwala minsan na MAHAL na MAHAL ko ang tatlong lalake at isang bakla na ito sa buhay ko! Pero ganun talaga! Di ko naman kasalanan kung biniyayaan ako ng sandamakmak at umaapaw na karisma para mapa-ibig din sila.

Kung naloka ka sa sinabi ko na tatlong lalake at isang bakla ang aking kinahuhumalingan, well, mas maloloka ka sa next statement ko. Ang isa sa kanila ay si Anton. Isang maginoo pero medyo bastos. He is six years older than me, happily married at may dalawang anak. Monday to Saturday kame nagkikita, pero tuwing MWF ang pinakamasaya. Ang tatlong oras naming bonding tuwing MWF ay siksik, liglig at umaapaw sa kwentuhan at hagalpakan dahil pareho kaming magaling magpalitan ng nakakakiliting BJ. Oooops, huwag kang bastos, BJ as in BONGGANG JOKES yun! 

Noong hindi ko pa siya lubos na kilala, takot ako sa kanya. May pagkasuplado at masungit kasi. Pero nang makilala ko na nang bongga, nainlab ako ng tagos to the atay-balunbalunan. Very considerate, marunong magpakumbaba at umunawa. Kahit alam niya na susunod ako sa lahat nang gusto niya dahil lab na lab ko siya, hindi niya ako inaabuso. There is something about him na sobrang ina-admire ko. Sa sobrang appreciation ko sa kabaitan niya. Lahat ng bagay na binibigay niya sa akin ay iniingatan ko ng bongga. Yung cellphone na bigay niya sa akin, hindi ko pinapalitan kahit gusto ko nang bumili ng bago. Ultimong kaliit-liitang wrapper ng M&M chocolate na binigay niya itinabi ko. Ganun ko siya kamahal.

Ang pangalawa naman sa aking kinababaliwan ay si Peter. Married na din siya pero walang anak. Dalawang dekada ang agwat ng edad niya sa akin. Sabi nga ng isa kong kaibigan, D.O.M na nga daw siyang maituturing. Pero wapakels syotang inels ang drama ko. Ganun naman talaga di ba? Kapag tinamaan ka ng pagmamahal, kahit sino pa yan, ay mamahalin mo ng buong-buo. Palibhasa ma-edad na, marami na siyang experience. Marami akong natutunan na tamang posisyon, este disposisyon sa buhay. Magaling magpayo at pareho kame na passion ang pagsusulat. Lapitin siya ng babae at marami ang girls na naiinlab sa kanya pero again, WAPAKELS ako! I love Peter!

So now, punta naman tayo sa pangatlo. Si Nards. Kung si Anton ay six years older than me, si Nards naman ay six years na mas bata kesa sa akin. Kung si Peter kaseng edad ng nanay ko, ito namang si Nards, kaseng edad lang ng kapatid ko. Hanep! Makalaglag panty ang kapogihan ni Nards. Ang ilong niya, COCO na COCO! Ang mata, COCO na COCO! Ang labi, COCO na COCO. Ang ngiti, COCO na COCO. Ang kulay CHOCO na CHOCO ! Di ba ganun naman talaga ang kulay ni COCO? CHOCO na CHOCO! Hehe! Ang buong mukha niya ay COCO na COCO.... Mukhang COCO... COCO LUMBER... Matigas at makapal! Echos! Kidding aside, kamukha niya talaga si COCO MARTIN. Pati porma, COCO na COCO talaga! Kaya nabubwiset ako kapag may mga babaeng umaaligid sa kanya. Habulin siya ng mga kerengkeng na high school students. Pati mga lalake nalalaglag ang brief kapag nakikita siya. Kaloka! I love him kase kahit mayamanin ay hindi maarte. Nasa kanya ang katangian ng isang TRUE-BLOODED mayaman. Simple lang, hindi konyo at jologistang tunay.

And the last but not the least, si Alex. 17 years old at kalahating babae - kalahating lalake ang kasarian. Noong una, in denial ang loka na binabae siya. Dahil babaeng bakla ako, una pa lang na-smell ko na ang lansa ng dugo niya. Isang matinding HINDI ang sagot niya nang tanungin ko siya kung baklita ba siya. Pero after three weeks, umamin din ang lola na siya ay isang TRUE-BLOODED baklita! Ahahahahay! Palong-palo ang gaydar naming dalawa kapag kami ay magkasama! Minsan nga tinatanong kami ng mga friends namin kung sino sa amin ang tunay na babae. Minsan kasi napapagkamalan akong Tiboli. Kaya pag magkasama kami ni Alex, ako daw ang lalake.


But it doesn't matter. Ang mahalaga, click ang aming pagsasama. Okay din pala na magkaron ng jowang bakla. Kung ang mga tunay na lalake ay gagawing wonderland ang iyong katawan kase bawat sulok ay kanilang ini-explore, mas hardcore pala ang mga bakla! Mageenjoy ka dahil paglalaruan niya ang iyong katawan! Kung ang mga tunay na lalake ay huhubaran ka, ang mga bakla naman, dadamitan ka. Siya ang pipili ng magandang color combination ng outfit na dapat mong isuot. Lalagyan ka niya ng kung ano-anong kolorete sa body, kukulutan, me-make-upan. Si Alex ang dahilan ng aking ooozing at irresitible na kagandahan!

As I've said, I am so much in love sa kanilang apat. Si Anton, si Peter, si Nards at si Alex. Bago ko sila nakilala, dumanas muna ako ng isang MAJOR-MAJOR heartbreak. Ang panget-panget ko nun. Mukhang na-gang rape lang sa kanto. Araw-gabi kase akong umiiyak. Di makakain. Di makatulog. Pati trabaho ko, napabayaan etcetera... etcetera! Mahaba-haba rin kase ang panahon na ginugol ko sa pagmo-move on sa nightmare na iniwan sakin ng super babaero kong Ex-jowa. Sino ba naman ang di maloloka kapag nalaman mo na yung pera na ginagamit ng jowaers mo kapag nagde-date kayo eh inutang niya pala dun sa isa niya pang jowa. My Goooood!!! Hindi lang ako ang jowa niya. Tatlo kame. Ang tulissssssss!!! Lahat ng katangahan nagawa ko nang dahil sa punyetang pagmamahal ko sa lalakeng 'yun. Buti na lang natauhan ako bago pa ako tuluyang matanggalan ng isang turnilyo sa ulo. Totoo pala na kapag ginusto mo na mag-move on, makakapag move on ka. Part ng pagmo-move on ko ang maghanap ng bagong trabaho. 

At sa aking bagong trabaho, doon ko nakilala ang tatlo at kalahating lalake na kinababaliwan ko ngayon. Yes, officemates ko sila. At kung akala mo eh may romantic love affair na namamagitan sa amin, you're wrong. Inlab ako sa kanila bilang kaibigan, bilang anak, bilang pamangkin. They're like a family to me. Sila ang ang itinuturing kong pangalawang pamilya. Kapag may nagtatanong sa akin kung sino ang jowa ko, sila ang sinasabi ko. Bukod sa pamilya at super friends, sa kanila ko inilalaan ang mahahalagang oras ng buhay ko. I love them so much for making me feel important. I am happy when I'm with them. Hindi sila abusadong tao. Kaya ngayong valentine's day, kahit single ako... MASAYA at kumpleto pa rin ang buhay ko. Hindi naman pala talaga kailangan ng ROMANTIC LABLAYP para maging masaya. Hindi porke't single ka eh ZERO na ang lablayp mo. 

May lablayp ka pa rin naman. Hindi nga lang ROMANTIC kundi PLATONIC. Ito ang uri ng lablayp kung saan makakatanggap ka ng unconditional love from your friends and family. Kaya sa mga SINGLE AND READY TO RUMBLE na tulad ko, aba... wag kang echosera diyan! Be proud to be single! Hindi lahat ng may jowa ay masaya. Marami sa kanila ang nagdurusa kasi nagpapakatanga sa taong di naman karapat-dapat bigyan ng pagmamahal. Just enjoy every moment na single ka. Darating din ang tamang tao para sa atin! Sa mga iniwan naman ng kanilang jowa... balang araw, ipagpapasalamat mo ang paghihiwalay ninyo. Katulad ng abot-langit na pasasalamat ko sa ex ko. 

Kung hindi niya ako niloko, di sana kame nagkahiwalay. At kung di kame nagkahiwalay, di ko sana makikilala si Anton, si Peter, si Nards at si Alex. Kung kame pa rin ngayon ni ex, wala sanang nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa akin ngayon.  I love my life now. I don't intend to stay single for life, gusto ko din naman magkaroon ng sarili kong pamilya. Hindi naman ako nagmamadali... My prince charming will come, sure ako diyan. For now, i'll just enjoy my life. Hindi ako mahihiya na isigaw sa buong mundo na "Ako si Toni, SINGLE but WHOLE!"

23 comments:

  1. akala ko naman si empi na ang in love. ang kulay naman ng life ni toni! gaya nya, proud din akong maging single but whole :)

    ReplyDelete
  2. sya na nga ang pinag pala ng maraming crayons. Makulay nga!

    ReplyDelete
  3. Hiningal ako sa pagbabasa nito, Empi haha! At sa lagay na yan ay wala pa siyang time sumulat ha hihihi

    ReplyDelete
  4. galing nman ng story...
    just PROUD to be single ika nga....
    tsaka no hazzle when u r single...
    single but ready to mingle [just kidding]

    ReplyDelete
  5. magblog na kamo sya hahaha

    ReplyDelete
  6. kala ko kaw sumulat...pero ng basahin ko parang babae talaga ang nagsulat yun pala babae talaga..me like it!!! very much! :)

    ReplyDelete
  7. sarap ng unconditional love ni toni! :)
    ang sarap maging whole, either single or not. happy puso sa inyo ni toni!!!! :D

    ReplyDelete
  8. kapital S!!!! SOsyal ang kwento ni Toni!!!

    Nice nice... Ang ganda naman ng pagkakadescribe nia sa taklo at kalahating lalaking minamahal nia. :D

    woot-woot! go platonic love!!!! wahaah

    ReplyDelete
  9. ayos ito..makalagay nga ng segment din para sa walang blog na may gustong e-share na kwento..hehehe

    ReplyDelete
  10. ganda naman nito bagay na bagay sa akin at nakakarelate ako yun nga lang di mga lalaki ang nagbibigay ng unconditional love sa akin ngayon kundi mga girl friends ko. hihihi =D

    regards kay toni. ang ang talaga ng pagkakasulat nito =D

    ReplyDelete
  11. magaling,makulay , masaya etcetera,etcetera.

    ReplyDelete
  12. wow ah! kala ko ikaw ang nagsulat. maganda ung story.

    ReplyDelete
  13. kala ko ikaw yung may ari ng kwento.

    ay may pakontes-kontes ka p la, sayang di ako nakasali, gusto ko sana book nila chico & del. hehehe

    ReplyDelete
  14. @ZAI: Hehehe! Single ka rin?

    @TIM: Tama! Lol..buti pa sya no...

    ReplyDelete
  15. @MISS N: Oo nga e. Ayaw mag blog! LOL

    @THIRDY: Haha! Buti na lang nilinaw mo. Lol!

    ReplyDelete
  16. @PALAKANTON: Ganyan dapat...ready to mingle! :D

    @JAY: Ayaw nya e. :)

    ReplyDelete
  17. @TABIAN: Oo nga... haha!

    @RAINBOW: Korek! Hehe!

    ReplyDelete
  18. @KHANTS: Buti pa sya no... Lol!

    @AKONI: Go! Go! :D

    ReplyDelete
  19. @SUPERJAID: Good for you! :D

    @DIAMOND: Thanks!

    ReplyDelete
  20. @BINO: Thanks! :D

    @RHYCKS: Hehe! Sali ka!

    ReplyDelete
  21. haba nemen! tamad akoh mag-basa.. haller lang! Godbless!

    ReplyDelete
  22. @DHI: Hahaha. Sorry naman! GBU2!:D

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D