Saturday, January 14, 2012

Si Medy

A Mother’s Story

Synopsis:
Isang kwento ng  ina na ang iniisip ay ang kapakanan at kinabukasan  ng pamilya, na kahit ang sariling buhay ang nakataya ay kanyang titiisin alang-alang sa kanyang minamahal. Pinili ang maging illegal sa ibang bansa para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, para matustusan ang pag-aaral ng anak, at para mabigyan ng buwanang gamot ang bunso. Iyan ang kwento ni Medy, isang make-up artist na piniling maging illegal sa USA, isang OFW, at isang mabuting ina.

Si medy ay isang make-up artist na nagkaroon ng pagkakataon na makapunta sa USA at piniling maging illegal upang bigyan ng maganda kinabukasan ang naiwang pamilya sa Pinas. Sa tulong na rin ng kanyang kaibigan na kanyang natagpuan doon, si Helen. Dalawang taon naging malaya bilang illegal alien sa bansa dahil sa pagkakaroon ng part time job, ay kanyang natustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Dahil sa hangad na lumaki ang kita ay naghanap siya ng full time job. Sa tulong ng kanyang kaibigan, siya ay dinila sa bahay ng mag-asawang abugado at naging  housekeeper doon ng limang taon. 

Dahil isa siyang illegal worker sa bansa, tiniis niya ang limang taon na maninilbihan sa mag-asawa na di umaanoy tinatrato ng hindi maganda. Sa tulong na rin ng anak ng mag-asawa, nakuha nya ang pasaporte at nakaalis sa bahay na yon at nakauwi sa Pinas. 

Pero pagdating sa Pilipinas, hindi naging maganda ang nadatnan niya sapagkat ang kanyang anak ay may tampo at galit sa kanya. Ang asawa naman ay may kasama ng iba at ang masakit doon ay ang kinakasama ay tinuring niyang kaibigan.

COMMENT:
Very common story pero may pinaghuhugutan. May aral sa mga pamilyang naiwan sa Pilipinas at sa bawat isa. Sana lang talaga sa mga manonood ng movie na ito ay kanilang isa puso para mamulat sa katutuhanan ang ibang tao lalo na sa mga naiiwan sa Pinas, na ang OFW ay hindi namumulot ng pera sa ibang bansa para mapadala sa kanilang minamahal sa buhay. Dahil ‘yong iba kasi pag sinasabing nasa abroad pakiramdam nila ay ang ginhawa na ng buhay ng mga taong nangibang bansa kaya basta na lang kung makahingi ng pera at kung anu ano.

At sana lang din marunong magpahalaga ng kung anong meron lalo na galing sa kanilang mga mahal sa buhay na nagtitiis na mapalayo sa kanilang pamilya para lang mapadala ang mga kailangan nila. Be more appreciative!

At sana rin ay marunong magsabi ng “Thank you!” o marunong mangumusta sa kanilang mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Napansin ko lang kasi, wala ng ibang bukambibig kundi magpadala ng pera, magpadala ng kung anu ano gusting hilingin. Sana ay kamustahin niyo man lang ang mga taong malayo sa inyo dahil palagay ko, simpleng “kamusta?” ay nagpapangiti na rin sa kanila.

Ang masasabi ko lang sa pelikulang ito…bilang isang manonood parang may kulang (e di ako na ang nakulangan!). Oo, kulang ng eksena…eksena kung paano naging hindi madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa lalo na sa kaso ni Medy. Kasi para sa akin, kung naisalarawan nila ang buhay niya doon mas lalo maintindihan ng manonood at maantig ang kanilang mga damdamin. Parang hindi ako na-satisfied kasi may ini-expect akong makita sa pelikulang ito pero hindi ko nakita. Pero okey sa akin ang kwento.

Overall, maganda ang pelikula. Level up si Pokwang. Keep it up!

22 comments:

  1. heavy! Di ko pa napanuod. salamat sa pag-share..

    ReplyDelete
  2. yan pala ang kwento ng ‘Mother’s story’ gustong gusto ko mapanood yan..:)

    ReplyDelete
  3. lumevel up naman ang post mo! lol movie review! astig ah. di ko pa napapanood ung movie ni pokwang. siguro bukas ko papanoorin :)

    ReplyDelete
  4. mukhang papanoorin ko ito dahl sa magaganda feed back na sinasabi niyo.

    ReplyDelete
  5. ahh eto pala yung kay pokwang. bongga ng lola may movie! anyway, ganito pala yung storya nun, dahil jan hindi ko na siya papanoorin hahaha joke! Pero may point ka, medyo common na nga yung ganun.

    ReplyDelete
  6. ok 'yang kwentong 'yan relate ako

    ReplyDelete
  7. ayss.. nung nalaman ko na a mothers story un synopsis mo, gora agad ako sa comment mo.. wahaha


    me plano kea ako panuorin yan hahhaha

    ReplyDelete
  8. Nice.. movie review. Daming angsasabing maganda nga daw. :) Level up talga si Pokwang. Gusto ko tong mapanood.. :)

    ReplyDelete
  9. Sabi ng mga kaibigan ko parang Maalaala Mo Kaya yung story pero magaling din naman daw talaga si Pokwang.

    ReplyDelete
  10. nice movie review!
    tama lahat ng sinabi mo pre, na di pinupulot ng mga ofw ang pera sa ibang bansa! pinaghihirapan at pinagpapaguran [:-(]

    ReplyDelete
  11. naks. parang may pinaghuhugutan din ang review na to.! :D

    ReplyDelete
  12. haven't seen it. i heard it's good. para ba syang "Anak" ni Vilma Santos?

    ReplyDelete
  13. @ PEPE: Walang anuman! :D

    @ MOMMY: Go, mami! Nood na. :)

    ReplyDelete
  14. @ BINO: Hahaha... level up talaga! :)

    @ AKONI: Nood na! :D

    ReplyDelete
  15. @ JHENG: Hahaha! Kulit!

    @ KIKO: Thanks!

    ReplyDelete
  16. @ LALAKI: Haha... panourin na!

    @ LEAH: Maganda ang kwento...:)

    ReplyDelete
  17. @ WILL: Pang MMK nga.. hehe

    @ PALAKANTON: Oo nga e.. thanks bro!

    ReplyDelete
  18. @ KHANT: Hehehe. hmmm... mejo nakarelate lang siguro. hehe

    @ CHIKLET: Uy! Iba sya sa ANAK kasi di naman nagrerebelde ang anak sa A Mother Story. Hehehe

    ReplyDelete
  19. isang malalim na hininga... woowwwhhh!!!

    ReplyDelete
  20. mukha ngang maganda nakita ko yung trailer eh

    ReplyDelete
  21. nabanggit kita dito sa atest post ko

    http://www.notbuknilhan.com/2012/01/finally-ang-ngalan-ni-baby-ay.html ^^

    ReplyDelete
  22. @ QUIN: Hehehe..

    @ SUPERJAID: Maganda siya infairness. :D

    @ LHAN: Hahaha. Okey.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D