Thursday, December 29, 2011

Villa de Candida

Madilim.
Tahimik ang lugar.
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat.

Ang daan ay halos napapaligiran ng malalaking punong kahoy. Alas Sais pa lang ng gabi pero tila wala ng mga tao sa labas ng bahay. At bakit parang takot ang mga tao? Anong meron pag sapit ng Alas Sais?

Napakalayo sa kabihasnan ang pook na ito, tila walang alam ang mga tao sa makabagong mundo. Dahan dahan ang usad ng sasakyan habang ang kasama’y minamasdan ang kapaligiran. May kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito, bulong nito sa ‘kin, tingnan mo halos patay na ang mga ilaw sa tahanan nila. Wala ng mga tao sa labas.

Kung ano man ang nararamdaman o iniisip mo. Guni guni mo lang yan, sagot ko naman, ayan may tao pa. Tanungin mo nga kung malapit na tayo sa Villa de Candida.

Manang, pwede magtanong, tugon si Dennis, malapit na po ba dito ang Villa de Candida?

Mga ilang minuto bago sumagot ang babae. Sa unang kanto, kaliwa. Paglagpas niyo sa may lumang gusali, makikita niyo na ang Villa de Candida. Mga hijo, mag-ingat kayo sa lugar na iyon lalo na’t gabi na. Sagot ng Babae sa amin sabay dali daling umalis.

Patuloy ang takbo ng sasakyan patungo sa direksyon na sinasabi ng babae. Unang kanto, kaliwa. Dahan dahan ang usad ng sasakyan. Napansin kong nakailang beses na kaming umikot sa lugar na ito subalit wala kaming nakitang gusali. Unang kanto, kaliwa. Tama naman ang tinahak naming direksyon pero pabalik balik lang kami sa unang kanto. Nagsimula na akong kabahan pero di ko pinahalata.

Huminto ang sasakyan at bumababa kami ni Dennis para tingnan ang lugar. Kakaiba nga ang lugar na ito. Nakakakilabot. Nakakapanindig ng balahibo. Kung anu ano ang naririnig namin sa paligid. May humihingi ng tulong. May umiiyak na bata. May mga kaluskos na galing sa madilim at madamong lugar na ito.

Yakap yakap ni Dennis ang sarili habang iniilawan ang bawat sulok ng lugar. Ito na yong gusali na sinasabi ng babae kanina, tugon niya sa ‘kin. Hindi lang natin napansin sa sobrang dami ng talahib. Tila lumang luma na ang gusali. Halos pinapalibutan na ng mga halamang gubat. Kuya, isang gasoline station pala ito e. Pasigaw niya nitong sabi habang nakatapat ang ilaw ng flashlight sa pangalan ng… Villa de Candida Gasoline Station.

Mga ilang minuto’y biglang bumukas ang ilaw sa loob ng isang convenient store ng gasulinahan. Nagulat ako at si Dennis. Sinilip ko ang store. Sa labas nito, isang babae ang nakaupo doon, nakayuko, umiiyak. Gusot gusot ang damit. Nakayuko pa rin siya kahit kinakausap  ay patuloy pa rin sa paghikbi.

Mawalang galang po, ano pong problema niyo? Bakit ka umiiyak? May maitutulong ba kami sa iyo? Tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang babae. Sa di kalayuan ng kanya inuupuan ay umupo kami doon at nagbakasaling kakausapin kami.

Apat na taon…apat na taon na ako nandito. Hinihintay siya. Alam ko babalik siya. Alam ko hinahanap niya ako. Gusto ko na siya ulit makasama. Alam ko babalik siya. Mahal niya ako. Babalik siya, babalik siya! Tugon ng babae.

Miss, ano po bang nangyari sa inyo? Tanong ni Dennis sa kanya, At bakit sobrang tagal mo na dito? Taga-Manila ka po ba? Nasaan mga kasama mo?

Kasama ko siya noong pumunta ako dito pero wala na siya ngayon. Kinuha siya ng mga tao, hindi ko kilala. Tulungan niyo ako, tulungan niyo akong mahanap siya. Kinuha siya ng masasamang tao.

Naririnig ko pa rin ang mga humihingi ng tulong na hindi ko naman nakikita. Mga kaluskos sa likod ng gusali. Lumapit ako sa nagsasalitang babae para pakalmahin siya sa kanya pag-iyak. Ngunit laking gulat ko noong inalis niya ang ulo mula sa kanyang pagkayuko. Kitang kita ko ang pulang niyang mata. May mantsa sa gilid ng bibig niya na kulay pula. Madugis. Mabaho.

Bigla niya ako niyakap, mahigpit ang pagkayakap niya sa ‘kin. Tila uhaw na uhaw. Nagpupumilit akong labanan siya ngunit bigo ako sapagkat siya ay may angkin lakas. Kinagat niya ang aking leeg at sinipsip ang dugo….

Waahhhhhhhh!!!!!! Denniiissssss…….tulooonnggggg!!!!!

Kuya! Kuya! Gising! Nanaginip ka na naman!



“This is my entry to The GasolineDude’s Blogversary Writing Contest. I want to win the 1TB Portable Hard Drive! O kaya One (1) 8GB USB Flash Memory Drive + One (1) Singapore Shirt. Okey na sakin! Hehehe!"

12 comments:

  1. shiittttttt....pang mmff kabog ang sgunda mano..tnt..


    goodluck empoy!:)

    ReplyDelete
  2. akala ko adik lang yung babae na nakainom ng gasolina..haha..lol.. nakikisawsaw lang.haha

    ReplyDelete
  3. tanong-

    walang tulog ba si ateh na pula ang mata?
    kumain ba sya ng siopao kaya may ketchup sya sa bibig?
    o sadyang malandi lang sya kaya nya na hug ang bida?

    kung ano-anong kababalaghan ang naiisip ko! XD

    good luck empi boy!

    ReplyDelete
  4. pwede tong gawing pelikula, bow ako sa grabeng imahinasyon mo :) good luck sa pakontes ni gasdud & happy new year!

    ReplyDelete
  5. Modus operandi pala yon ng mga bampira, parang dugo dugo gang(?) hehe good luck po :)

    ReplyDelete
  6. @JHENGPOT: Salamat sa pagbisita. Hehe!

    ReplyDelete
  7. @ TABIAN: Ang dami mong tanong...Lol!

    ReplyDelete
  8. @ McRICH: Thanks sir. Happy New Year!

    ReplyDelete
  9. Hi Looking for new online cockfight betting? Here's a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don't just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! www.sabongking.com

    ReplyDelete
  10. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D