Si Elmo ay isang simpleng mamamayan. Siya ang takbuhan ng anim niyang kapatid. Kahit konting problema ay si Elmo pa rin ang tatakbuhan nila. Kung tutuusin ay kaya naman nilang lutasin. Si Elmo, ang sa tingin nila'y matatag. Matapang humarap sa mga problemang kahaharapin ng pamilya. Siya ang sumbungan ng lahat ng mga problema at kung anu ano pa. Si Elmo! Si Elmo! Si Elmo!
"Anak, kausapin mo naman ang kapatid mong h'wag ng uminom. Napapadalas na ang pag-iinum niya simula noong maghiwalay sila ng asawa niya."
"Sige, Nay! Ako na bahala kay kuya."
"Kuya Elmo! Tulungan mo ko dito... dali!!!"
"Andyan na Elsa!"
"Elmoooo.... samahan mo sa bukid may kukunin tayo doon."
"Tay, may gagawin pa ako...."
"Uunahin mo ba yan! Samahan mo muna ako. Uuwi agad tayo!"
"Okey po!"
Sa dami daming tao sa bahay nila Elmo. Bakit si Elmo ang laging tatabukhan ng lahat... utos dito, utos doon...lahat na lang!
Isang umaga.... nakita ng magkakapatid ang katawan ni Elmo na nakabitin sa puno na Mangga, wala ng buhay.
Sumisigaw ang magkakapatid...natataranta....umiiyak....
Pagkababa kay Elmo, may nakita silang nakalakip na isang pirasong papel sa pantalon nito. Agad nila itong kinuha at binasa.....
Mahal Kong Pamilya,
Hindi ko na kaya ang pinaggagawa ninyo sa akin. Lahat na lang ay sa akin iasa. Pero okey lang 'yon dahil mahal ko kayo. Sadyang napapagod na ako. May sariling problema rin ako pero hindi ko kayo malapitan dahil lagi kayong Elmo, Elmo, Elmo... paano ko masasabi ang problema ko kung kayo mismo ay hindi kayang lutasin ang sariling problema.
Mahal ko kayong lahat pero pagod na ako.... Nawa'y sa pagkawala ko ay matuto kayong lahat.
Nagmamahal,
Elmo
kalungkot naman nito pre...pero para sumaya ka eto na lang
ReplyDeleteGusto mo bang manalo ng $25?
mahina ang loob ni elmo.. mali ang ginawa nyang paraan ng paglutas ng sarili nyang problema.
ReplyDeletekakalungkot sir...
magandang araw
aw.. Ang ELMO MP!
ReplyDeleteGrabe Empi! Ano yun! Grabe... hay sana kinausap na lang ako ni Elmo at tutulungan ko siya.. toink lang. PRAMIS..from the bottom of my effing heart.
ReplyDeletekalungkot naman nito. bakit naman kailangan niyang magbiting sa puno ng mangga.Sayang si Elmo.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteang morbid! hahaha!
ReplyDelete(suicide is never a solution)
ang lungkot....
ReplyDeleteang lungkot naman nito..haaay
ReplyDeleteaw.... ang bilis ng mga pangyayari... nabitin ako. hehehe.... ... kawawang elmo... tsk tsk
ReplyDeletegrabe naman, sana hindi na dumami ang ELMO :)
ReplyDeletesayang si Elmo..
ReplyDeletesi elmo, si elmo, si elmo na nagbigti..tsk.
ReplyDeletenaman......creepy....alam mo may blog post akong ganyan...totoong buhay eto ang link....this was dedicated to my cousin....sad...
ReplyDeletehttp://susulatako.blogspot.com/2009/06/end.html
grabe naman to elmo este empi. eto ba ay pure fiction o may part na totoo sa iyong buhay.
ReplyDeletenagtatanung lang.
kawawang elmo..bkit?
ReplyDeletemahina ang loob ni elmo.
malapit nang mangyari sa kin yan hahahaha
ReplyDeleteang babaw naman ni elmo!
ReplyDeletenapagod na si Elmo...
ReplyDeletesana hindi ako mapagod :(
si elmo ba ay octopus? nyuk!
ReplyDeletelahat may limit, and if you reach the end of the rope..wala na, the end.
napadaan lang! weeee! :)