Friday, April 15, 2011

Dami Mong Gusto!

Bakit ang iba lumipat na sa WP? Anong meron? Anong pagkakaiba sa BS at WP? Ang iba naman nakadotcom na? Wow! Yaman! May sponsor! :) Bitter? Lols!

Tulad din ng iba, nag hiatus pero ang totoo tinatamad na mag sulat. Totoo? Di ba? O may inaasikaso lang na personal? O baka naman may ibang pinagka-busy-han? Ganoon naman talaga yon, di ba?

Kapag may iba kang pinagkakaabalahan nawawala na sa loob mo ang dati mong ginagawa tulad ng pagbablog.  Uy! Teka, pasensya na pala kung hindi ko nasasagot ang mga komento niyo sa mga unang blog post ko. Busy daw ako e.

Teka ulit, mukhang napapalayo na ako sa titulo ng post na ito.

Madaming pumapasok sa katawang utak ko nitong mga nagdaang araw. Kaya, ito isa isahin ko na...



  • Gusto kong umuwi sa lupang pinanggagalingan ko! Namiss ko na kasi...isang beses lang ako nakauwi since 2003.
  • Gusto kong (magcasino) magsugal para maiba naman. Pero nagbago na isip ko ngayon... ayaw ko ng magsugal baka ma-adik ako at malulong.. mahirap na. Lols!
  • Gusto kong pumunta sa Aliwan Festival sa sabado at magpa-picture sa Tambalan. Pero hindi ako sure kung makakapunta ako. Hays! Pero susubukan ko. Promise!
  • Gusto kong magnegosyo ng motel. Oo! Kasi feeling ko parang malaki ang kita dyan. Hahaha!
  • Gusto kong umakyat ng Baguio. Kahit overnight lang. Gusto ko lang mag unwind. Daming iniisip kasi! Grrr
  • Gusto kong magtravel sa kahit saang lugar dito sa Pinas. Mag-ala 127 Hours. Pero Ayaw ko yong nangyari doon na puputulin ang kamay. Hehehe!
  • Gusto kong pumunta sa Pahiyas Festival. Sana matuloy! Pupunta ako kahit ako lang mag-isa. Ayos lang! :D
  • Gusto kong gumala at kumuha ng kung anu anong larawan. Hays!
  • Gusto kong bumili ng gitara. Kung magtatanong ka kung marunong ako.. HINDI! Pero gusto kong matutuo. Hehe!
  • Gusto ko ng bumili ng camera. Pero hindi pa pwede ngayon. Grrrrrr!
  • Gusto ko na ring lumipat ng ibang kubo. Ewan ko ba. Gusto ko lang ulit maiba ang lugar ko! :) 
'Yon lang po... :)

28 comments:

  1. gusto ko din gumala ngyn.. haist bored ako.. hehe!

    ReplyDelete
  2. saang lupa ka ba galing parekoy? :D magdotcom na rin astig! :)

    ReplyDelete
  3. gusto koh ren mag-unwind... gusto koh reng gawin 'un... hanggulo nang yutakz koh lately.... sama akoh sa baguio... lolz... later... Godbless!

    ReplyDelete
  4. Pwede kitang samahan mag-casino...

    Magsosho tau sa negosyo mong motel...

    Pwede din kitang samahan magtravel sa Baguio kasi hindi pako nakarating doon. LOL

    AT pumunta sa kahit anung lugar at magpa-picture! LOL

    mas madami akong gustong gawin kesa sau EMPOY! LOL

    ReplyDelete
  5. dun ka sa presinto magpaliwanag. :)) :)) :))

    ReplyDelete
  6. pwede ka sa'min tumuloy sa Pahiyas, malapit lang naman kahit commute :)

    ReplyDelete
  7. tara sa casino.. manood lang ng mananaya kasi wala kong pantaya hahaha...

    ibang bihid ulit sir ah.. ayos..

    magandang araw sayo sir empi

    ReplyDelete
  8. Ako din madaming gusto.. pero ayuko ilista.. kase yung mga unang nilista ko nga di ko pa magawa-gawa.. nakaka-dissapoint.. pero oo nga ang dami lumilipat sa WP.. wait... natry ko na din.. pero denelete ko ulit blog ko dun.. kase di magamay.. at ayuko na problemahin ang html. toink.. tapos... pagdating naman sa mga dumadatcom..masaya ako para sa kanila.. hehehe.. wala naman ako balak dumatcom... hindi ko alam bakit...

    at nasang lupalop ka ba kase?

    ReplyDelete
  9. kul casino tayo, pag uwi ko try ko din yan..hahaha...dahil sa sobrang pagkaadik ko noon sa poker ng fb...Pinakapangarap ko makapagbiyahe ng mahaba, parang road trip lang..hehe

    Sa ngayon, satispayd na ako sa BS. di ko lang ako in the near future.

    ReplyDelete
  10. lol naman. 127 hours pa. So ang pupuntuhan mo lang na mga lugar ay yong parang wilderness na. haha

    ReplyDelete
  11. naks, anmdami gusto. gusto ko din magpunta sa pahiyas :p

    ReplyDelete
  12. tara photowak tau hehehe... kuha ng kuha ng mga pics hehehe :D

    ReplyDelete
  13. ang dami ko rin gusto nakuu nakakabagot na kasi dito sa bahay. haaaay

    ReplyDelete
  14. fit na fit ang pamagat ng post mo..dami!

    pengeng discount card sa motel mo ha? hehehe

    ReplyDelete
  15. sana matupad kahit isa sa mga gusto mo :)

    ReplyDelete
  16. tara sa casino...at ng makahati sa iyo...


    gusto mo ang gusto mo?lol..

    ay sya larga!hehehe

    ReplyDelete
  17. ang dami mo ngang gusto!puro gastos ang gusto mo!lol halika cheers nalang tayo!

    ReplyDelete
  18. @ Mom: Apir tayo. Im bored din. Hehehe!

    @ CM: Sa lupa banda roon.... haha!

    ReplyDelete
  19. @ DEE: tara! Baguio tayo. hehe

    @ MRCHAN: Oo na.. Mas madami kang gusto. Hehe!

    ayaw ko magpasama sayo. itatayo mo kamo ang buhay ko doon. hahaha

    ReplyDelete
  20. @ RAINBOW: Hahahaha. Okey, masusunod! :D

    @ MADZ: Wow... thank you. :)

    ReplyDelete
  21. @ ISTAMBAY: Sir, anong bihid? di ko maarok yan. hehehe!

    @ Kamila: Wag ka ng dumatcom... gastos lang yan. hahaha... sa lupalop ng mga baliw. hehehe

    ReplyDelete
  22. @ AKONI: Ako din... satispayd na dito. malay mo bigyan tayo ng loyalty award. hahaha

    @ KRIS: Hahaha. pwede rin.

    ReplyDelete
  23. @ Khanto: Oo nga... sobrang dami di naman magagawa. haha

    @ AXL: Wala akog cam e. huhuhu

    ReplyDelete
  24. @ Superjaid: tama ka dyan. nakakabored talaga.

    @ Tabian: Sure.. discount lang pala e. Lol

    ReplyDelete
  25. @ BINO: Salamat kuya bino. Hehehe!

    @ Jay: Hahaha. Makikihati ka lang pala.

    ReplyDelete
  26. @ IYA: Sinabi mo pa... kaya nga di magawa yan dahil magastos. haha

    ReplyDelete
  27. marcccccooooo!!!!! busy ka ba? ano naman ang pinagkakabusyhan mo? ang alam kong busy ay ako. hahaha. naghahanap ng pera pang casino. hahaha.:)P\

    ReplyDelete
  28. @ JOSHY: Hahahahahahahaha... penge ako pang casino. Lol

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D