Bago mag 2010 o January 01, 2010 mismo (yata, not sure!) ay gumawa ako ng listahan (Things to do)...sige pwede na rin New Years Resolution. Nasa mahigit 10 things to do ang nasa listahan ko.Ngayon mismo ay aking sinilip ang mga listahan na ito kung isa sa mga nakalista ay natupad.... Hmmmm natupad o nagawa nga ba?
Balikan natin kung ang lahat ay nagawa o natupad...
- Makapag-ipon.
---> Nakapag-ipon nga ba ako? Oo naman...nakapag-ipon pero ginastos din. Lol!
- Makahanap ng extra income.
---> Oo nakahanap naman kahit paano pantawid gutom din.
- Makapag-aral ulit.
---> HINDI natuloy pag-enroll! Tsk. Tsk. Tsk.
- Makapag-travel sa mga lugar sa Pilipinas o sa Asia.
---> Nakapag-travel ako kaso hindi nga lang sa ibang bansa... pero ok lang mas maganda kung uumpisahan ang pagbyahe sa sariling bansa bago umikot sa ibang bansa.
Una, ay nagpunta ng Baguio City (<--klik mo na lang kung gusto mo makita)kasama si Yanah at si Jin. Mga ilang araw din kami sa Baguio.
Pangalawa, pagkatapos mag Baguio ay derecho kami sa Sagada, Mt. Province (<---klik mo kung gusto mo basahin)at syempre kasama pa rin si Yanah at si Jin. Summer outing naming tatlo at the same time bonding. Nakaka-miss!
Umakyat ulit ng Baguio kasama ang mga bagong kaibigan. Binisita si Yanah at namasyal na rin doon. First time kasi ng ibang kasamahan namin.
Ayon, halos natupad at nagawa ko naman pala ang mga nasa listahan. Ayos! Hindi ko sukat akalain na nagawa ko pala yon... Gagawa rin ako ulit for this year.
- Magiging positive sa buhay.
---> Tama! Madalas ay hindi ako nagpatalo sa pagiging nega hindi tulad noong nakaraang taon pa ay sobrang nega. Good thing is that naging maayos ng konti ang buhay.
- Magiging active sa sports.
---> Hindi ko akalain magagawa ko ito. Nakilala ko ang mga bagong kaibigan na nag-udyok na sumali sa Milo Marathon. Salamat sa inyo, hindi dahil sa inyo ay hindi ko magawa ito. At nakapag-laro din ako ng badminto. :)
- Magiging happy sa lovelife (kung meron man!)
---> NC. Lol!
- Good looking sa buong taon.
---> NC ulit. Lol!
- Hindi na mawawalan ng cellphone.
---> Oo! Sinama ko talaga yan. Bakit? Dahil taong 2009 ay limang beses akong nawalan ng telepono. Mabuti naman dahil noong 2010 ay hindi ako namigay ng telepono. Lol!
- Makipag-kita sa mga kakilalang bloggero't bloggera.
---> Dahil kay Ate Reana...na-meet ko ang ibang bloggero't bloggera. Dati kasi, pag ayain ako niyan... ayoko sumama. Pero sadyang malakas ang alindog ng babaeng ito... nahahatak pa rin ako. hahaha! Ayan ang larawan sa baba oh... ebidensya! :D
Bloggers EB
- Magiging active sa organization o sasali sa mga charity work.
---> First time mag charity work... at ang saya ng pakiramdam sa pakiramdam na makikita mo ang ibang tao ng masaya.
Ayon, halos natupad at nagawa ko naman pala ang mga nasa listahan. Ayos! Hindi ko sukat akalain na nagawa ko pala yon... Gagawa rin ako ulit for this year.
Kayo ba ay gumawa rin ng ganito? Natupad ba?
May listahan ako dati and halos lahat naman ay natupad. Di ko naman un new year's resolution kundi mga commitment sa sarili ko. Hehehe. Happy new year!
ReplyDeleteMaraming Salamat rin MP at isa ka sa dahilan sa pagtupad sa aking goal sa buhay na makapag lakbay sa buong Pilipinas, sa inyo ni Yanah ang pasimula nang marami pang paglalakbay natin sa buhay. Hope to see you soon my friend! Salamat sa inspirasyon!
ReplyDeletemaglilista rin ako today. ang dami kong gustong gawin at matupad this year eh!
ReplyDeleteHappy New Year ;)
marco!happy new year din! gusto ko yung part na maging active sa charity works. apir. :D
ReplyDeletehahahaha, naku lahat yan marating pag planuhan lng talaga! Happy New year!
ReplyDeleteikaw na!!! hahahha, happy new year mpoy....
ReplyDeletekala ko napost na yung comment ko hehehehe. ang masasabi ko lang naman eh congratulations sa mga naachieve mo na goals. yun lang :D
ReplyDelete@ ARVIN: ahh.. commitment talaga. ayos!
ReplyDelete@ JIN: Maraming salamat din! :)
ReplyDeleteThat's good, Mayet! :)
ReplyDeleteMarlo, Happy New Year! :)
ReplyDeleteTama ka, TIm! Hehehe.. Happy New YEar!
ReplyDelete@ RHYCKZ: Hahaha. AKo na nga! Lol.
ReplyDeleteHappy New Year!
Thanks, melovesflying!
ReplyDeleteSalamat, bino! Happy New year!
ReplyDeleteCongrats! Natuwa ako sa sinabi mo na mas ok mag travel sa pinas bago ang ibang bansa. Yan din kasi ang gusto kong gawin. Love your own! Wala akong list para sa last year. Puro unexpected ang mga actibidades ko e. hahaha! Full of surprises. Pero ngayon gagawa ako. Medyo nakakahiya lang ipublish. For Personal Consumption lang. =) Happy New Year Mark!
ReplyDeletewow naman! congrats!!! sana maka-meet din ako ng madaming bloggers katulad mo...
ReplyDeleteHappy New Year sayo! Have an awesome 2011!
ReplyDeleteGusto ko din mag-Sagadaaaa! Hahaha!
ReplyDeleteMore adventures sa 2011. =)
Tol, Happy New year! nice theme for 2011 :)
ReplyDeleteyun oh.... apir.... im happie na nakuha mo ang ilan sa mga goal mo... cheers on that :D
ReplyDeletehave a great 2011 :D
ako ayaw kong gumawa ng ganyan, natatakot ako na baka hindi ko matupad :D
ReplyDeleteLimang selepono? Kilala ka na siguro ng holdaper. dapt nagbagong anyo ka na. :)
ReplyDeleteTara Empi! travel tayo! hehehe
ReplyDeleteHappy New YEar!
@KURA: Happy New Year! Nabasa ko yong post mo... makiki-ride ako pag may car ka na. Hehehe!
ReplyDelete@ PINOY: Oo nga... ikaw naman i-meet ko. haha! :D
ReplyDelete@ WILL: Same here. :) Di ako nanalo sa pacontest mo. hmp! Hehehe!
ReplyDeleteTSINA, byahe na... ganda doon. Promise!
ReplyDelete@ MD: Happy New Year din. Congrats! :D
ReplyDelete@ AXL: Yep! Hehehe.. Happy new year!
ReplyDelete@ CM: Duwag! Joke! Hehehe
ReplyDelete@ SALBE: Hahaha! Katakot naman kung kilala na ako ng holduper na yon baka susundan ako. Pak! haha
ReplyDelete@ MR. CHAN: Hehehe tara! :D
ReplyDeletetraveling is really fucking awesome. I might feel a little jealous over here because you've been to places which I dreamed of visiting. But anyway, happy trip this year. Cheers to 2011!
ReplyDeletehttp://arandomshit.blogspot.com/
Wow sana next time masalubong ko kayo sa Baguio! Kita kits sa Flower Fest!!!
ReplyDelete@ DENASE: Salamat sa pagbisita. Nawa'y mapuntahan mo din ang mga lugar na gusto mo. Happy New Year! :)
ReplyDelete@ GLENTOT: Uy! Baka pupunta ako sa Flower Fest. :)
ReplyDeleteHappy New Year Empi!!!!
ReplyDeleteching! ehehe :P
Buti ka pa, halos lahat natupad, ako ewan, meron naman pero not that.. Hahahahaha..
ReplyDelete@ SOLTERO: Happy New Year!
ReplyDelete@ TIM: At least meron... haha!