Matagal ring pinagplanuhan ng grupo ang pag-akyat sa Baguio City pero noong nakaraang Linggo ay natuloy na rin. Ang iba'y excited dahil first time nila makarating sa lugar na iyon. Ako rin naman ay excited dahil sa pagkakataong ito ay kumpleto ang grupo. Kung naalala niyo noong summer nagpost ako noong nagbyahe ako papuntang Mountain Province kasama ko ang dalawang taong nakilala ko lamang dito sa blog at nakita personally at naging kaibigan. At ngayon naman ay nadagdagan tatlo pang kaibigan na sa online lang din nakilala.
Ang makikita mong larawan sa itaas ay siyang tinuluyan namin noong kami ay nasa Baguio na. Sabi ko nga kay mami yanah, "gusto ko ang bahay na ito... sana magkaroon din ako nito." Ang bahay na iyon ay hindi naman kagaano kalaki at hindi rin kagaano kaliit. Tamang-tama lang siya. Nagustuhan ko siya dahil malayo sa city proper at yong likod ang overlooking... makikita mo ang mga bahay na nakatayo sa bundok.
Anyways, nais kong ipakilala ang mga nabanggit ko kaninang mga kaibigan. Ang makikita mo sa itaas na larawan ay sina (mula kaliwa) Jin, Jey, Mami Yanah ay syempre ako. :)
[Jayson, Christian, Jin, Jay, Marco, and Mami Yanah]
Ang larawan na makikita niyo sa itaas ay belated birthday celebration ni Christian na pinaghandaan ni Mami Yanah. Salamat sa mga food, Mami Yanah! :)
Mga kaibigang may kanya kanyang kwento ng buhay, iba't ibang ugali, iba't ibang characteristic, pero nagdya-jive sa mga kalokohan. Para sa inyo, kung nagbubukas pa kayo ng mga blog niyo o nagbabasa... nais kong magpasalamat sa mga pagkakataon na tayong nagkakilala at nagkakasama. Maraming salamat sa bonding!
Looking forward na makapag-byahe tayo next year (na kumpleto) sa Surigao, Mountain Province, etc... :)
Pre di ba pinagbibigli ung bahay? magkano upa nyo?
ReplyDeleteBilhin ko sana para pagbakasyon ko eh jan tayo mag EB :D
@ CM: Wow! Ayos yang plano mo pre... :D
ReplyDeleteang cute nga ng Bahay!
ReplyDeletekaninong bahay yun? di mo naman sinagot yung tanung ni CM..lols curious din ako..lols hindi sa presyo ng bahay kundi sa UPA..lols
ang cute nga ng Bahay!
ReplyDeletekaninong bahay yun? di mo naman sinagot yung tanung ni CM..lols curious din ako..lols hindi sa presyo ng bahay kundi sa UPA..lols
akin yun kosapogi!hahaha
ReplyDeleteclose?
panalong bakasyunan yan at gawing bahay aliwan sa mga aliw na barkada.
ReplyDelete@ KOSA: pare, hindi ko alam magkano upa... haha kaya di ko sinagot tanong ni CM. Sorry CM! hehe!
ReplyDelete@ TP: At kelan ka pa nakabili ng bahay sa baguio? haha!
ReplyDelete@ SUPER: Hahaha! Akala ko kung anong aliwan na yan... haha
ReplyDeletewow!!! ang ganda talaga diyan!!! love the house soo nice!!
ReplyDeleteThanks, Melody!
ReplyDeletenice trip...nice bonding with blogger friends...
ReplyDeleteThanks, jag!
ReplyDeletegusto ko din ng bahay na yan! parang ang sarap tumira jan! tahimik, mahamog, at simple ang buhay! :)
ReplyDeletei miss Baguio tuloy.
thanks pinay! :)
ReplyDelete