Tuesday, November 30, 2010

MY: The Raider

Ang sarap ng bakasyon!!! Parang ayoko ng pumasok at magbakasyon na lang.... pero hindi pwede dahil wala namang magsusustento sa akin para hindi na magtrabaho kaya back to work na.


Kamusta naman ang long weekend?


Naging productive naman ang weekend ni empi. Nakakapagod. Pero ayos lang. Ito ang programa ni empi noong weekend:


Sabado:


Tinanggap ang paanyaya ng isang kaibigan na dumalo sa isang event (Colegio De San Juan De Letran) na kung saan ipakikila si Chiara Luce Badano bilang bagong Saint. Si Chiara ay mula sa bansang Italia. Nagkasakit at namatay noong 1990. Pero noong nagkasakit siya may isang bata na katulad din niya na may malubhang sakit at ito ay kanyang pinagdasal at ito ay gumaling.


Chiara Luce Badano


"If you want it, Jesus, I want it too!"


"Be happy because I am happy."

Intramuros
Umikot muna bago umuwi....


Linggo:


Nagjogging para mabawasan ang taba sa katawan. Lol!


QCMC



Lunes:
Umagang-umaga binulabog ni MY (The Raider) ang maliit na kubo ni empi. Bandang 5:30AM ginising na ako sa mga text. Tsk! Tsk!


MY (The Raider)

Hindi na pumasok si empi(sayang ang double pay, tsk!). Sinamahan si MY sa lakad (as usual ako ang alaylay).... balak sanang mag-wildlife kaso ang kupad niyang kumilos kaya hindi na natuloy.


Habang hinihintay si MY sa kanyang Meeting.... nag ikot ikot muna sa Trinoma at sinubukan ang recommended ni PP, ang RED MANGO. At ito ang inorder ni empi...


Mango Berry Crunch


Ang sarap!!!! Ikaw kamusta ang weekend mo?



20 comments:

  1. sabi nga ng kaibigan ko... di kailangan ng dahilan para sumaya tayo :D


    whahaha mukhang enjoy naman yung weekends mo sir ha :D
    yummy yugart hehehe :D

    ReplyDelete
  2. tae! bat may ganyang piktyur???
    HINDI MAKATARUNGANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN!!!!!!!!!!
    idedemanda kita.

    sino pala si PP?

    ReplyDelete
  3. hahahaha! natawa ako sa comment ni ate yanah!!!! langyaaaaaaaaaa! hahahaha!

    ang sarap ng weekend naman!!!
    natouch ako sa story ni Chiara Luce Badano. such a pure kindhearted person. =)

    ReplyDelete
  4. Kapag nasa Trinoma ka, timbrehan mo ako. Isang tambling lang ako dun. :) Magpapalibre ako ng Red Mango, mahal yan di ba?

    ReplyDelete
  5. buti ka pa, naging productive ang weekend mo... ako, malungkot... kung kelan long weekend, wala akong laboy... nakaka-bored sa bahay... 3 days akong naka-tunganga lang sa harap ng laptop ko... nakapag-upload lang me ng pix at nakagawa ng 3 entries sa blog ko... productive ba yun? hay... I miss travelling... I miss the feeling of being free, because I'm free when I travel... I'm spontaneous and care-free pag nsa travel ako... masaya lang...walang ibang iniintindi... haizt!!! pasencya na at d2 ako naglabas ng nararamdaman ko...salamat...

    ReplyDelete
  6. @ AXL: Yup! Yum yum ang yugart! :D

    ReplyDelete
  7. @ YANAH: Aw... di na kita ate. hmp! ehehehe

    ReplyDelete
  8. @ RAIN: Oo... ganda ng kwento ni Chiara. :)

    ReplyDelete
  9. @ SALBEHE: Contact number mo? hehehe

    ReplyDelete
  10. @ PINOY: Sayang naman kung di ka nakapag-travel.

    Walang anuman.

    ReplyDelete
  11. Diba masarap sa Red Mango :)

    @Yanah
    Kambal, ako ang iyong kapatid :)

    -PP-

    ReplyDelete
  12. Fruitful ang weekend mo! Samantalang ako, 4 days ang weekend pero walang ginawa kundi magdownload nang magdownload. Bum life...

    ReplyDelete
  13. @ PP: oo nga...masarap siya! :)

    ReplyDelete
  14. @ GLENTOT: Hehehe. BUM ka nga... sayang ang 4days mo. :D

    ReplyDelete
  15. sino yang hawig ni rio locsin ang kasama mo sa kubo

    si yanah papaya ba yan?

    ReplyDelete
  16. busy weekend.. gaya pa din ng dati. aw

    ReplyDelete
  17. wow ang yummy nung red mango hehe..sayang ung double pay ah ahahha..

    anyways buti ka pa nakalakwatsa, ako me slight hed ek ako nung sunday kya nagmukmok lng sa kwarto ehhehe :P

    ReplyDelete
  18. @ SOLTERO: oo nga e. sayang talaga... lolz


    may itatanong sana ako kaso.... wag na... :D

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D