Friday, January 8, 2010

Smile for 2010

Happy New Year to all!

Sinalubong ko ang bagong taon na nakangiti sapagkat sabi ko sa sarili ko magiging positive na ako kaya naman todo ang smile ko at tinanggal ko sa body system ko ang lahat ng negative feelings, negative thoughts and doubtfulness. At medyo nalasing din ako noong unang araw ng taon kaya naman h'wag naman sanang magiging lasenggo ako nitong buong taon. Ang hirap may hangover... ayokoooo!

Noong 2009 madalas akong emo at malungkot pero sa kabila ng lahat may mga happy memories naman ako. Tulad na lang, nakapunta ng Baguio ng di inaasahan (good memories yon!), nakapag-Tagaytay din ng wala sa oras (still good memories pa rin!). At may mga nagiging bagong kaibigan naman din ako kahit papaano lalo na dito sa mundo ng blogsphere at may na-meet naman din na mga bloggers.

come and go...

kaso lang hindi ko namalayan na nag-disappear na lang sila bigla. Hmmm, hindi ko lang alam kung talagang nag-disappear ayaw ko na mag-isip. I will pray for them na lang! Ganun naman talaga ang buhay, may mawawala at may darating at may babalik.

living alone...

Ito pa, bago magsimula ang 2010 ay nakalipat na ako ng bagong lungga. At ito na yong simula ng paglalakbay ng aking buhay at pamumuhay ng mag-isa. So far, so good!

Gadget...

Noong nakaraang taon ay ilang beses din akong nawala ng telepono. Hays! Bago mag-Christmas ay nawala naman ang bagong telepono na nabili ko. Tsk! Tsk! Tsk! Kaya naman sana nitong bagong taon ay hindi na ako mawawala ng telepono.

Career...

Sa career naman, bago magtapos ang 2009 ay 50/50 ang lagay ko sa pinagtatrabahuan ko kaya worried ako noon sapagkat kakalipat ko lang din. Pero so far, nagtatrabaho pa rin naman ako same company! Pero looking forward na makahanap ng bagong trabaho sa taong ito local man o abroad.

Sabi ko nga bago magtapos ang taon:

Forget the bad things happen in the past

Savor the good things happen in the past
Must be learned in the past
Good bye, 2009.
Looking forward for the next year
Hoping for the good things happen
And wishing for the best
Hello, 2010.

Good luck sa ating lahat!


MarcoPaolo

16 comments:

  1. Yun na nga lang sasabihin ko eh, good luck sa ating lahat :)

    ReplyDelete
  2. @ LORD CM: hahaha... wala na bang masabi parekoy... :)

    ReplyDelete
  3. welcome back mark.. we miss U... nice new home!.. lab it... hangganda... uhm... hmm... i'm glad naman naka-smile ka ngaun... well ayos lang mag-emo once in a while... but i'm glad 'ur tryin' to start 'ur year in a positive way and that is good... medyo sometimes magiging roller coaster pa ren ang buhay but juz trust lang si Bro sa taas.. ingatz lagi... *hugz*.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  4. @ DHIANZ: Kaw din dapat! parang madalas kang emo e... hehehe!

    ReplyDelete
  5. Madalas mawalan ng telepono? Siguro may balat ka sa tenga?

    Very good at very positive ka sa 2010!

    Happy New Year!

    ReplyDelete
  6. Happy new Year bro and welcome back.

    I hope this year will bring us a new hopes, love peace and good health follows us wherever we go.

    A blessed weekend to you and your family.

    ReplyDelete
  7. Wow, new header ang layout?

    Dont worry about your job, mas madalas natatanggal yung mga matagal na sa company. May manager said mas malaki na kasi makukuha nilang severance package so sila pinipili tanggalin. Ü

    ReplyDelete
  8. ahoy! kumusta na?! hehehe.. medyo matagal-tagal din akong hindi nakakapag blog hop.. anyways, ayun.. Happy New Year! and its good to know that your taking your 2010 into a positive journey! huwaw! gandang balita niyan! wag ka nang mag e emo ah? hehhee!!

    nga pala, may ba akong blog. entertainment naman.. baka lang naman gusto mong silipin at suportahan na rin hehehe.

    www.aroundthebuzzprimetime.blogspot.com

    super thanks!

    ReplyDelete
  9. Positive kung positive!!!
    Ayus na ayus yan parekoy!

    Happy new year parekoy
    at welcome back na rin! Tagal mong nawala!

    Teka,
    sinu ba yung mga nawala?
    Babalik din yung mga yun!

    ReplyDelete
  10. goodluck kuya! godbless! hapi newyir. ^^,

    ReplyDelete
  11. HANGOBER LANG YAN!! HAHAHHHA..shungs happy christmas lols

    ReplyDelete
  12. @ RJ: hahahaha... balat? di ko alam doc.. hehehe salamat sa pagdalaw. :)

    @ THE POPE: Thanks, Pope. Blessed you always!

    @ CHYNG: Hahaha... ayos! sige uunahan ko na lang? hehehe!

    @ NYZE: Aja! :D

    @ FJORDZ: Yup! Nakita ko na parekoy... add ko na lang din... maraming thank you din :D

    @ KOSA: Oo pards! Positive kung positive! :D

    @ KOX: Hi to you... hehehe! ingats!

    @ AMOR: See yah! LOLS!

    ReplyDelete
  13. im back with new home : )
    Goodluck!

    ReplyDelete
  14. @ AHMER: oy... kaw ba yan? hehehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D