Friday, December 5, 2008

Kakaliwa ka ba?

Sa isang relasyon, hindi na bago ang pagkakaroon ng away at ang hindi pagkakaunawaan na minsan ay nagiging sanhi ng paghihiwalayan. Kahit anong pilit na ayusin ang isang relasyon para ituwid ang mga pagkakamaling nagawa ng bawat isa pero hindi pa rin naitama ang mali na siyang dulot ng paghihiwalay. Sa paghihiwalay naman, hindi mo masasabing “ayos lang ako” o “kaya ko ‘to” o “malalampasan ko rin ‘to” dahil hindi mo pa rin talaga maiiwasan ang sakit na nararamdaman sa puso mo lalo na kapag minahal mo siya ng buo ang isang tao, na walang pag-aalinlangan o kaya sabihin nating sa kanya lang umikot ang mundo mo (parang naririnig ko na to ng ilang beses ah…).

Isa lang yan sa mga dahilan ng paghihiwalayan ng isang relasyon. Ang pinaka-sanhi ng paghihiwalay, para sa akin, ay ang pangangaliwa. Kapag nangyari na ito, malabong maayos na ang isang relasyon pero depende na rin yan kung ang isang kaperaha ay martyr talaga at minsan ay may gantihan na magaganap, maaring si babae naman ang maghahanap ng kakaibang lilibangan. Siguro para sa kin nangyayari din ito sa mag-asawa.
Sabi nga nila, “lahat naman daw ay may chances at kailangan bigyan ng pagkakataong magbago.” Pero paano kung lagi na lang niya itong ginagawa sayo? Bibigyan mo pa rin ba ng pagkakataon? Ikaw na ang makakasagot sa mga tanong na yan…

Hmmm… I know what’s in your mind, you’re thinking na kasalukuyan kong na-experience ito? It’s a big NO! NO! NO!

Anyway, this is just an opinion for what I've seen on the television. Pagdating ko kasi ng bahay galing sa trabaho lagi kong napapanood ang MY HUSBAND’S WOMAN.

Ito ay kwento ng mag-asawa na ang kanilang relasyon ay nauwi sa hiwalayan dahil na rin sa pangangaliwa ng lalaki. Kung tutuusin, isang mabuting may-bahay naman ang kanya asawa pinagluluto siya at halos lahat ginawa na ng asawa niya. Pero bakit nagawa pa rin niya mangaliwa? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ng asawa niya? Hindi ko masagot ang tanong sapagkat wala naman ako sa sitwasyon nila at isa pa hindi naman ako ang nasa katayuan ng lalaki kaya hindi ko alam kung anu ang tamang dahilan kung bakit niya ginawa yon. Hindi ko lang lubos na maintindihan kung bakit pa siya nangangaliwa e mahal na mahal siya ng asawa niya at pinagsisilbihan samantala ang pinagpalit niya sa asawa ay hindi man lang marunong magluto (kumbaga parang pang-kama lang?).

Ngunit, nagiging magulo ang buhay ng lalaki noong ayaw niyang pumayag na magkaanak sila ng kanyang kinakasama. Dahil ba hindi pa totally divorce sa kanyang unang misis? O ayaw niya lang talaga? Kaya naman dito nasaktan ang kinakasama niya, dahil hindi niya kayang ibigay ang gusto niya at iniiwan siya nito."Bumalik ka na sa asawa mo", sabi ng babae.
Siguro masasabi kong, it’s a BAD KARMA for him. Ngayon, nag-iisa na lang siya dahil iniwan na siya ng kinakasama niya. Sobrang nalungkot at pakiramdam ko magsisisi na siya.

“Ikaw ang nang-iwan noon, ikaw naman ang iiwanan ngayon.”

Hindi pa tapos actually ang kwento pero aabangan ko na lang kung ano ang ending nito. Ang masasabi ko lang, makontento na sa isa kung lahat naman ay ginagawa ng kapareha mo para matustusan ang pangangailangan mo. At matakot sa KARMA!

38 comments:

  1. may bago kang post ahh... pero utang muna ang basa... juz came home... gust koh lang maging unang epal... una nga bah akoh?... eniweiz... toinks!... laterz... =)

    ReplyDelete
  2. okei binasa koh... iniscan nang mata koh kahit paano...

    ---ang sakit na nararamdaman sa puso mo lalo na kapag minahal mo siya ng buo ang isang tao, na walang pag-aalinlangan o kaya sabihin nating sa kanya lang umikot ang mundo mo --- parang kaw yan ah.. sa ex moh noh?... hmmm....

    takot kah bang magmahal muli dahil nasaktan kah nang sobrah sobrah non?...

    what does it take kaya para patibukin uletz ang puso nang isang guwapong misteryosong emoterong marco paolo??? ... hehe...

    sige 'un lang muna for now... kain muna ako parekoy... hanggang sa muli...

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  3. Aba! Umepal na nga... hahaha

    yon na nga lang muna... hahaha

    ReplyDelete
  4. marco. naku alam mo ba na gagawan ko din dapat ng post ang teleserye na yan. ewan ko ba kung bakit dami me gusto niyan eh napaka imoral naman niyan. haha. joke. hay naku everyone deserves forgiveness but not a second chance. hindi na uso ang martir. at no-no thing sa akin ang mga two-timer.

    ReplyDelete
  5. JOSH:
    Sa tingin mo, ano ang ending nyan... magkakabalikan kaya sila?

    DHIANZ:
    Ano ba? opinion nga e.... hmpt!

    ReplyDelete
  6. siguro pakiramdam ng lalake may kulang. . kulang na pwede naman sana punan pero mas pinili nya na sa iba makuha. isa na siguro dito yung excitement. kasi minsan pagsobra mahal mo ang isang tao syempre sobra din ang respetong ibibigay mo. at kagaya ng lahat ng bagay, ang sobra ay humahantong sa mali. Pagkakamali na pwede baguhin ang lahat maging ang nararamdaman mo. Lumalalim lang dahil hindi kaagad nagagawan ng solusyon o hindi kaagad napansin na mali talaga dahil nabulag na sa isang bagay na sa iba nakita at naramdaman.

    tutol din aco sa 3rd party pero andun parin ung pagiging bukas ng isip co. lahat ng bagay may dahilan. pero gaya ng sabi ni josh. siguradong may pagpapatawad pero malabo ang ikalawang pagkakataon. . kaya mag ingat. . temptation can kill even the greatest love.

    ReplyDelete
  7. humahanga akoh sau paperdoll... humahaba ang pagkomento moh.....

    musta Master Kosa!...hehe.. =)

    ReplyDelete
  8. Makukulangan ka talaga ka sa asawa mo kung sobra naman ang paghahanap mo. Paano mo ba masasabi na kulang? Siyempre kailangan alam mo kung ano ang sobra. At kung ano ang sakto. Hindi natin pwedeng sabihin na may pagkukulang siya kung hindi natin naranasan na sakto pala siya. Ang masasabi ko lang, kung marunong makuntento ang mga tao, di sana walang kulang. Laging sakto. I dunno if I made a point out of this.

    ReplyDelete
  9. fafa m!!ameshu lol... anyways fafa haay isa ako s mga marytr sa mundo, pero noon un hindi na gnayon,wakakka,,.,at yang mhsbands woman ang ganda nang storya,hhaayz lol..

    ReplyDelete
  10. ANAK naman ng TUTS!

    nu ba yung post mo...kapuso...:D

    kapamilyucks kaya ako :D

    yoko nyan..puro kaliwaan :D dun ako sa diretso lang :D

    ReplyDelete
  11. TO:

    PAPERDOLL:
    Ikaw ba yan MP?

    Tama ka MP, temptation can kill even the greatest love. Kaya ingat ingat….

    DHIANZ:
    Umepal na naman ang isa dyan oh… hahaha PEACE!!!

    MIKE:
    I agree!!! Pag konte ka na sa isa e di wala ng ganon na magaganap sa isang relasyon. Siguro may mga taong sadyang hindi kontento sa isa.

    AMOR:
    Miss mo ko? Wow… nambola ang AMOR… hahaha

    GEN:
    PEACE na lang tayo!!! Hahahaha

    ReplyDelete
  12. nahahawa aco sayo dhianz. . tanggalin mo nga tong sanib mo sa akin! lol. .

    ReplyDelete
  13. Pinapanood yan ng Mama ko!

    I agree with bob Ong nalang, "...Di ka naman MAGHAHANAP NG PANGALAWA KUNG KUNTENTO KA NA SA UNA.." Parang ganyan.

    Break kung break, mahirap ang maawa at pilitan pa..

    ReplyDelete
  14. Dre - hiwalay kung hiwalay! hiwalay ang de-kolor sa puti!...lol....nice post!

    ReplyDelete
  15. TO:
    PAPERDOLL:
    Sinaniban ka pala ni Dee...? hahaha patay tayo dyan!!!!

    CHYNG:
    Tama!!! Wag pilitin kong ayaw na...

    DH:
    Tama ka rin!!! Ihiwalay ang puti sa de-kolor... hahaha

    ReplyDelete
  16. kala ko dito ko mababasa ang ending ng teleseryeng ito..hindi ko kasi napanood kagabi..aabanagn ko nalang ulit dito ang pagtatapos mo sa kwentong ito..=}

    ReplyDelete
  17. madaming mga bagay ang sangkap ng isang pagsasama.. hindi lang yung marunong magluto.. o maasikaso.. meron pang masmalupit dun...

    pero siguro nga, dapat talaga opne ang komunikasyon sa isang pagsasama.. sabihin mo lahat ng gusto mo at ayaw mo.. at ganun din sya.. tapos kung di pa rin kayu magkaayos.. ayun hiwalay nalang kesa sa lokohan nman..

    ahhhh nawili din ako sa dalwang koreanovela nun.. yung unang endlesslab.. at yung jang geum.. anu na nga ba title nun, pero maganda...baka alam mo yun.. gawan mo nga ng mala-post na sagot tong komento ko.. hehehehe peace!!!

    ReplyDelete
  18. TO:
    RIO:
    Di ko rin masyadong napanood kagabi... sigh!!! Inaabangan ko pa naman... :(

    Ang alam ko, parang di ata sila nagka-balikan... huli kong nasilayan kagabi ay yong nag-date silang dalawa.

    KOSA:
    Di ko nasubaybayan ang Jang Geum... ni hindi ko rin alam kung tama ang title.. hahaha

    ReplyDelete
  19. taena, di mu nasubaybayan yun? taena... walang kwenta yung pinapanood mo dun sa jang geum na yun.. whahahaha peace.. hindi pareko maganda talaga yun... hindi lang labing labing ang meron din... hahahaha

    peace out
    tae break

    ReplyDelete
  20. hahaha... ahh yon ba yong bakbakan... lolz

    ReplyDelete
  21. sa tingin ko pag paulit ulit na, ibang usapan na yun. sakit na yun. kailangan n ng professional help---keke

    ReplyDelete
  22. para kasing nangyayari rin yan sa totoong buhay eh..tsk tsk tsk...ang saklap

    ReplyDelete
  23. FAFA M, bakt mo lage snasabi na nambobola akow,wakakka, eh na miss kta eh,pakialam mo,hahaha ,taray,lol..hakhak sheet ang ganda na nang my hsbands churva, "perpektong asawa si churva, pero si chenes ang mahal ko"wakaka,, eto ang aking nsaksihan na sagutan dun sa koreanobela na yun,wakkaka...

    ReplyDelete
  24. lalim nang emosyon na hinugotan mo ah..nway, mukhang napakaromantic mo since nakagawa ka ng ganitong piece..it seems na u wud want a serious relationship that will last for long..aja aja! nice blog! wishing for amore blogs for you..

    ReplyDelete
  25. ehmm..mali..wishing pla lot more blogs from you..exag noh? i'll check it out..promise..

    ReplyDelete
  26. emotero ka din pla marco...hehehe..

    well, marami ngang sumusubaybay dyan sa "my Husband Woman".. hay!naku..magbesfren pa naman kc cla bat nman asawa pa ng besfren nya ngustuhan nya dba?...nakakainis dba?sarap pumatay ng tao pag gnyan..hehehe..

    Masakit ang maloko.. kaya ako? yaw ko yung niloloko ako!..

    hmmmp! minsan kc mga boys d kontento sa isang girl..(oooops! d nman po lhat ng boys)...hehehe..peace!

    *may new entry ako kaibigan...

    ReplyDelete
  27. TO:
    PUSANG-gala:
    Ganon ba yon? Hehehe

    SHIRGIE:
    Yup!!! Nangyayari talaga sa totoong buhay yan… in fact, may mga kakilala ako na halos katulad sa koreanobela na yan. J

    AMOR:
    PEACE out Mare!!! Bawal magalit magpapasko na… baka papangit… hahaha

    MARYAH:
    Thanks Maryah for visiting my page… and for the comments as well. Meri Xmas!!! Hhehe

    Mayyang:
    Sige I’ll check your new post. Thanks!

    ReplyDelete
  28. napanood ko rin to. im so happy na hindi na nagkabalikan yung original na mag-asawa. good lesson talaga ang story dito. Natatawa lang ako pag pinapatugtog na ako "making love out of nothing at all" na theme song nila.

    ReplyDelete
  29. KCATWOMAN:
    Salamat sa pagdaan mo sa aking site... :) Meri Xmas!

    ReplyDelete
  30. ayos dre......malulunod na naman ako neto...lolz....

    abangan ko ang istorya mo..di kasi ako nanood neto..lolz...

    ReplyDelete
  31. maganda talaga ang koreanovela. lalo na yung jang-geum. May pic kami niyan ni Jang geum kiss ko nga siya eh. kaya lang yung pic ni jang-geum na kiniss ko, eh yung pic niya na display sa buong van dito sa kumpanyang nang-aalila sa akin, hahaha

    ReplyDelete
  32. PAJAY:
    Nalulunod ka ba dre? hahaha... anyway, tapos na ata yon e... ang problema di ko napanood ang ending nila.

    may bagong aabangan na naman... ang MONEY WAR! hahaha

    ONATDONUTS:
    hahaha may ganon ba dre?

    ReplyDelete
  33. yes, alam mo b4 napaka sakit na ginawan ka na ng kalokohan, nanahimik ka, tinanggap mo xa uli, nagbingi bingihan ka,nag bulagbulagan..tas inulit uli sau, shocks grabeh na toh..ang sakit...

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D