Showing posts with label random. Show all posts
Showing posts with label random. Show all posts

Sunday, October 21, 2012

Keep Smiling, Keep Shining

Sinipag ako ngayon mag post. Ganun talaga kapag walang magawa. Busy kasi nitong mga nagdaang linggo, mall tour dito, mall tour doon. Ganun! Anong pinagkakaabalahan ko? Hmmm...bukod sa bantay sarado ako sa mga bagong bossing ko. Di ako makapag net. Haha. Dati halos araw araw akong nakapagbukas ng email, blog, fb and twitter. Ngayon, weekly na. Minsan, di pa nga kasi nga busy ako sa mall tour ko. Hahaha! Saka, business, may small business ako ngayon. Konting puhunan lang. Malay mo, matalbugan ko ang pabango ni Haydeen Kho. Joke! Hahaha!

Ano nga ba ang pag-uusapan natin ngayon? Life? Lovelife? sexlife? at lahat ng may life? LOL! Nako! Sikreto daw walang clue. 

Narito ang mga pinagkakaabalahan ko nitong mga nagdaan araw, linggo, at buwan.

Umakyat ako ng bundok. Yes! Inakyat ko ang Mt. Tagapo sa Binangonan, Rizal. Hindi siya masyadong matarik at easy lang akyatin pero ang lakas din makahingal. Grabe!


Inakyat ko din ang Mt. Batulao. Kung sobrang easy lang ang pag-akyat ko sa Mt. Tagapo. Dito naman, sobrang nahirapan ako. Grabe! Lakas makanginig ng tuhod. To think na takot ako sa matataas pero thankful ako dahil naka-survived ako dito.

Gapang kung gapang ang ginawa ko para lang makarating sa tuktok. Pero noong narating ko ang tuktok...mapapa haaaayyyyy....at mapapapa woooowwwwww! ang sarap ng feeling!

Alam mo bang hindi ako makatingin sa baba kapag sinakyan ko to? Ewan ko ba, parang may tumutulak sakin kapag tumitingin ako sa baba. Hahaha. Nginig din tuhod ko dito. 

Hindi ko kayang sakyan to! Kahit ilibre mo pa akong pagkain sa loob ng isang buwan. Di bale ng magutom ako. Wag ko lang masakyan to. Baka mamatay ako pagkatapos kung masakyan ito. OA? LOL!

Nagjogging ako. Jogging with the sunset. Napaka-romantic ng dating talaga kapag sunset. Favorite subject ko talaga ito sa photography. Napaka-peaceful kasi para sakin. Lakas ng dating. Nakaka-inlab. Hahaha!

Sunset with the namingwiter/s

hinihintay ang paglubog ng araw....walk...jog...run...stalking... LOL

at ang pinakahinihintay...haaayyyyy! LOVE IT!!!!

Na-LSS ako sa kantang ito. Grabe! Na-realized ko, may iba ibang katergorya pala ang isang kaibigan. Para sakin lang naman ito. Kasi, naisip ko lang...may kaibigan ka sa galaan, may kaibigan ka na kasundo mo sa paglamon (lamon talaga? hahaha), may kaibigan ka rin na kasundo mo sa lahat ng kalukuhan mo, may kaibigan ka rin na mapagsasabihan mo ng mga problema/sikreto/mga kalukuhan, may kaibigan ka rin na parang wala lang. Basta ako, kahit sabihin nilang manhid ako, di matinong kausap, hindi seryoso, walang kwenta....pero akala mo lang iyon. Wala lang siguro sa mukha ko pero nabibilang ko lang sa daliri ko ang kaibigan ko na they trusted me, they shared problems and asked for advises/opinion. Na-appreciate ko yon!

Basta, katulad ng lyrics ng kantang ito....

Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
In good times, in bad times
I’ll be on your side forever more
Oh, that’s what friends are for


iyon ay kung tinuring mo talaga akong kaibigan. madali lang akong kausap, malakas instinct ko kapag ayaw sakin ang isang tao. 

videokeman mp3
That’s What Friends Are for – Dionne Warwick Song Lyrics

Saturday, October 20, 2012

Sana naging aso na lang ako...

....ha? Bakit?

............e kasi.......para alagaan mo din ako. 

BOOOMMM!!! Hahaha!

Hey guys! Kamusta?


A friend told me, "Don't close your door in any possibilities but be guarded."

A friend also told me, "Ang pride mo ha...ang pride mo!"


Na-LSS ako sa mashup na ito. Ewan ko ba! 

Thursday, July 5, 2012

Hey, I just met you

Hey, I just met you,
And this is crazy,
But where's your number,
and kol me empi.

Buon Giorno! Kamusta mga ka-empian? Ayos ba tayo dyan? SAGOOOOTTT!!!! Ayos gyud!!! Haha! Buti na lang umaraw na no. Nakakaasar ang ulan e. Kasi walang kayakap sa gabi. Puro na lang si unan, si unan, si unan, si unan at si unan. Nagsasawa na siya sa akin. Bulong nga niya sakin, ano ba yan, katawan mo na naman kayakap ko empi. Wala na bang iba? Hahaha! 

 Ang dami kong naka-pending na librong babasahin. Hay! Tulungan mo nga ako, tapos kwento mo na lang sakin pag tapos mo na. Haha! Currently reading THE RUNAWAY JURY. Tagal matapos. Tinatamad pa akong basahin. English kasi hirap intindihin. Hmp! Ang wento ay tungkol sa SMOKING cigarettes...hmmm parang sinisisi ang kumpanya ng pagawaan ng mga cigarettes. Tapos, gusto yata nila ipasara ang mga kumpanya dahil hindi nakakabuti raw which is totoo naman. Saka, ang cigar daw yata ay may halong nakakaadik. Ganyan! Basta! Ganun! 
 Anong kinalaman ang mga fish sa post? Wala! Nakita ko lang yan noong dumaan ako ng church sa may greenbelt. Nagagandahan ako sa church na yon. Wala lang. Parang kakaiba. Korteng turtle sya na pinalibutan ng tubig tapos yan nga may mga isda. Hehehe!
 Dagdag sa koleksyon ko ang tatlong keychains. Hehehe! Isa galing sa Vigan, yong isa naman sa Thailand at ang isa naman sa Boracay. May maisuggest ka bang pwedeng lagayan ng mga keychains ko? Suggest ka naman oh...:)
Ang cute ng KITKAT USB ko no? Kasing cute ko. Hahaha. Biro lang baka maniwala pa kayo. 1g lang yan. Kainis! Hehe! Saka, yang libro na yan parang ang ganda parang dini-discuss dyan kung paano mo i-enjoy ang buhay mo na hindi nai-stress sa trabaho. Di ko pa nasisimulan basahin. Ang daming babasahin. Tamad naman! Nakakainis! 

"Don't stress yourself with useless people who don't even deserve to be an issue in your life."

Have a nice day! :)

Friday, June 29, 2012

Ambot sa imo!

  • Gusto ko ng simple buhay. Natagpuan ko ito sa probinsya namin. Siguro, babalik ako at doon na manirahan kasama ang aking mamahalin. LOL!
  • Alam mo 'yong feeling na nakatunganga ka lang habang hinihintay mo ang oras ng uwian. Habang ang ibang kasama mo, sobrang abala! Kaasar lang. Nakaka-OP kaya! Haha!


  • Alam mo 'yong feeling na....paborito mong kulay at gusto mo ito ang nakikita mo sa isang lugar (o sa bahay at kwarto mo) at hindi ka na magdadalawang isip na kunin o bilhin ang isang bagay dahil nga paborito mo ang kulay. Ganyan ako....sa loob ng pugad ko, hindi mo makikita ang kulay blue. Naku! WALANG kulay blue sa loob! WALA! As in WALA!!! LOL



    • Alam mo 'yong feeling na umiidlip ka sa bus, tapos may tumabi sayo na sobrang daldal. O kaya may kausap sa celpon niya at kung makipag-usap naman e sobrang lakas, feeling niya nasa sala siya ng bahay nila. Asar! Sarap sapakin yang ganyan tao! 
    • Alam mo 'yong feeling na pagkagising mo, may hangover ka pero hindi ka naman uminom kagabi. Ang weird lang, di ba?
    • Alam mo 'yong feeling na, kaka alt+tab mo sa keyboard ng PC mo...e nahuhuli ka pa rin! Bwisit! LOL!
    • Alam mo 'yong feeling na, busy busy-han ka sa opisina, naka-headset ka pa, nakakalat ang mga papeles, pero ang totoo.....PETIKS ka lang naman talaga? Saya, di ba? Best in acting lang! Hehehe
    • Alam mo 'yong.......... pinaliit mo ang window ng internet browser mo para hindi halata na nag-ne-net ka? Haha
    • Alam mo 'yong feeling na sa sobrang pagmamadali mo, naiwan mo ang celpon at wallet mo. Tapos, sahod pa naman. Hahaha! Nangyari na sa 'kin 'to dati! LOL!
    • Alam mo 'yong feeling na........TAMA NA NGA! ANG DAMI MONG ALAM!!!! LOL
    Salamat nga pala kay MeCoy sa award na VERSATILE BLOGGER!!! Thanks! :)

    Happy flyday everyone!