Salamat sa aking tuhod na hindi totally bumigay sa takbong ito. 3K to 4K nararamdaman ko na ang tuhod ko na medyo sumasakit kaya kontrolado na ang bawat hakbang ng pagtakbo ko. Lakad-takbo, takbo-lakad ang ginawa ng inyong lingkod para lamang makaabot sa finish line.
Pagdating sa 8k, 9k, 10k....ayon tuloy tuloy na ang takbo ko hanggang sa umabot sa finish line. SUCCESS! I survived! Haha!
Sa umpisa pa lang ng takbo, kabado na ako dahil (una) inaalala ko ang tuhod ko at (pangalawa), kailangan bago ka tumakbo marami kang tubig na nainum pero feeling ko hindi enough ang tubig na nainom noong gabing iyon. Naghahanap ako ng tubig sa site pero wala pang libre o nagbebenta ng tubig. Good for the organizer...bawat 1.5K may water station kaya nakapag-gasolina ang inyong lingkod (LOL! Gasolina talaga e no)
Very organized ang event na ito. I like it! Hindi magulo! Maganda ang mga freebies.
Estimated time: 1hr 30mins
Status: Masakit ang tuhod...kailangan ng magpatingin. Plano pa namang tumakbo ng 16K. Tsk! Tsk!
Ayon lang. Have a great day to all! :)
Status: Masakit ang tuhod...kailangan ng magpatingin. Plano pa namang tumakbo ng 16K. Tsk! Tsk!
Ayon lang. Have a great day to all! :)