Showing posts with label Wawa Dam. Show all posts
Showing posts with label Wawa Dam. Show all posts

Wednesday, March 27, 2013

30km Trekking from Wawa Dam to Camp Sinai

Hi Fans! Kamusta naman ang buhay buhay? Buhay pa ba? The day after the IMS outreach ininvite naman ako na magtrekking sa Montalban to San Mateo. Since hindi pa ako nakakaakyat ulit ng bundok simula noong pumasok ang 2013. Kaya, grab ko na ang pagkakataon.

First time kong magpunta ng Montalban, walang idea kung san ang sakayan at san ang babaan. Buti na lang masunurin ako sa instruction at na-gets ko naman kaya hindi naligaw at higit sa lahat hindi na-LATE! Lol! 

Nagkita-kita kami sa Montalban pagkatapos derecho na sa Wawa dam, it was already 10am kaya medyo mataas na ang araw. Na-amazed na naman ako sa Wawa dam, parang ang sarap maligo dito. Sabi ng mga locals, maraming dumadayo dito lalo na sa darating na Holy week, punong-puno daw ito ng tao. Parang hindi maganda magpunta dito ng holy week, maraming tao e. 

Maraming cottage at ang ibang local ay nagtatayo pa ng iba pang cottage bilang paghahanda sa darating na long long weekend. Nag-stay muna kami ng ilang minuto dito....
 more cottages...
....bilang first timer....syempre kailangan magpa-picture. sabi ko kay photographer, dapat na nasa gitna ako! hmp! :D

Pagkatapos, magpapogi este magpapicture.....trek na kami! Ang ganda lang dito dahil may plantation ng eggplant at sabi ni Jeff, pwede raw bumili dito at ikaw mismo ang mamimitas. Hindi lang pala eggplant, pati sitaw at kamati at may okra pa pala.
 Bago magsimula ang sakrispisyo (sakripisyo talaga e no?). Kailangan muna naming tumawid ng apat ng sapa para marating ang boundary ng Pingtong Bucawe (San Mateo).
 Mga 11:30am narating namin ang boundary ng San Mateo. May maliit na tindahan doon na pwede pahingaan. Nag-rest muna and we ate our snacks. I bought 6pcs of bananacue. Ang sarap! At si Manong local nilibre kami ng halohalo. Ang bait! Babayaran sana namin pero nagpupumilit siyang libre na raw yon.

Maraming bikers din pala dito lalo na kapag weekends. At nainggit naman ako gusto ko din bumili ng mountain bike. Hahaha!

Tanong ng mga locals doon, "bikers din po ba kayo mga sir?", "walkers lang po kami..." :)

Start na ulit ng trekking.....paakyat....ng paakyat...paakyat....akyat pa....more akyat.....and more more more akyat.....labanan ang sikat ng araw....more akyat...walang katapusang trekking ito. Nakaka-uhaw. 
Past 1pm na yata kami nakarating sa Camp Sinai at nagsara na ang mini karendirya kaya ito na lang ang lunch namin. Mango Pie worth 45pesos plus mineral water. Buko pie naman kina Jeff, Thomas at Roy.
Dahil wala naman kaming ibang kasama kaya ito ang kuha ni Laloy samin.... LOL! Husay mo Laloy! Hahaha!
Ang sarap siguro kapag may ganito kang rest house. Maliit pero gusto ko may puno sa paligid para presko.
Wot! Wot! Nakakawala ng stress! 
Back to Wawa Dam na.....almost 6pm. 
Happy long long weekend, folks! Sana ay makapagmuni-muni kayong maigi. God bless! Tsup!

Ang itim ko na!!!!! Hahaha!

Excited for my next trip........

Ciao!