Showing posts with label Sagada Adventure. Show all posts
Showing posts with label Sagada Adventure. Show all posts

Saturday, May 14, 2011

Reminisce

Nag-reminisce sa mga napuntahang lugar noong 2010. Madami akong gustong puntahan sa bansa natin kaso nga lang gahol sa oras at pagkakataon at budget. Lol! Di bale, mapupuntahan ko rin ang mga lugar na iyon! 

Okey, ito na.... 

Ang larawang ito ay noong umakyat kami ng Sagada kasama sina Ate at Kuya. First time namin ni Kuya J kaya sobrang excited kami. At pangalawang beses naman ni Ate Y.

Sagada Adventure, 2010

Habang nasa byahe kami ay hindi kami natutulog. Sayang kasi kung matutulog ka, kita mo naman ang view.... maaamazed ka sa ganda. Adventure talaga ito dahil may ibang daan doon na nasa gilid ng bangin. Nakakatakot pero ang saya!

Sagada Adventure, 2010

Mas exciting yong nasa Cave kami. Mapapa-WOoooowww ka talaga. Nakakapagod pero alam mo yong feeling ng fulfillment. Worth it ang pagod mo! Promise!

Sumaguing Cave, 2011

Ang susunod na mga larawan ay noong nasa Baguio City ako. Bago mag-Sagada ay nag-stay muna sa Baguio City, pangalawang beses ko na sa lugar na iyon noong nagpunta kami.

sa may Strawberry Farm, 2010

Ang sarap magbyahe! Explore ang mga lugar na hindi mo pa nararating. Accomplishment mo yon kapag napuntahan ang lugar ng gusto mo. Sarap ng feeling!

sa may PMA

Masarap mamasyal at ikutin ang mga lugar na bihira ka lang mapadpad. Pero kailangan mo ng camera para may memories kang babalik balikan.

sa may Botanical Garden

Sarap gumising sa lugar na pag gising mo ay magagandang tanawin ang makikita mo. At malalanghap mo ang preskong hangin. Sarap!
Sunrise, Baguio City 
Excited na akong bumalik doon.... yes!