Oo! Sobrang late na ito. Hehe! Ngayon lang nagkaroon ng oras para i-post 'to. Pasensya naman! Bagong magpasukan ay nagpunta kuno me sa EK. Pero syempre libre lang ito kaya sumama ako. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong beses ko na ang pagpunta sa Enchanted Kingdom.
Una, grumadwet (natawa ako sa spelling. lol) ako noong high school kasama ang family.
Pangalawa, two years ago lang... libre lang din yon... summer outing ng pinsan ko sa company nila kaya nahatak ako . Pero ang panget kasi di ko naikot, kasi naman... kung pupunta sa mga ganitong lugar... una sa lahat BAWAL magdala ng bata na hindi pa ma-appreciate ang mga ganitong lugar. Kaya ayon, umuwi ng wala sa oras kasi nagwawala ang bata. Umiiyak. Ang ingay! Nakakairita!
At nitong huli naman, company outing. Kaya ayon, medyo naikot ko ang buong lugar.
Kaya heto po ang mga evidences! Lol!
Unahin muna natin ang mga souvenir items...
| mga wizzards kaya humanda ka sa spell nila |
| ang cute nila noh? hehe |
Victoria Park
| Grand Carousel dito nagpeperform ang mga dancers... etc etc |
Midway Boardwalk
| Ekstreme Tower Ride nakakasukang ride ito... bwahaha |
Jungle Outpost
![]() |
| hindi ko ito kuha...hehe ito ay galing sa website ng EK -dapat pwede nakahubad na lang kapag sumakay nito para di mabasa ang damit. lol! |
Spaceport
| Space Shuttle wag kang maglakas ng loob na sumakay nito kung ikaw ay may sakit sa nguso este sa puso pero kung gusto mo magpakamats... pwede na rin! joke lang! |
Brooklyn Place
| Rialto Naalala ko si Nanay ko nito, noong nanood kami nito 8 years ago... bulong niya sakin, bakit gumagalaw ang upuan natin. joke joke ba ito empi? Natawa na lang ako. |
Portabello
| hindi ko alam kung ano meron sa loob... sarado e. Lol! |
| Flying Fiesta buong akala ko ito ay octopus, hindi pala... haha. ang tanga ko! |
