Showing posts with label Batangas. Show all posts
Showing posts with label Batangas. Show all posts

Sunday, March 10, 2013

The Secret of Caleruega

Hello followers and readers! Sana ay naging mabuti at makabuluhan ang inyong weekend. Para sa akin, ang weekend ang napaka-importanteng araw lalo na sa mga taong stress dahil pwede mong gawin ang mga bagay na gusto mong gawin at pwede mong puntahan ang mga lugar na gusto mong puntahan! Ito din ay isang paraan para mag-unwind at mag-destress. 

Patalastas: may bago akong nadiskubre na inumin, sanmig beer + coffee + cobra = empi's badtrip, Hahahaha!

Tamang tama si June nag-aya ng weekend getaway, good thing ay wala akong lakad, and i suggested Tagaytay o kaya Caleruega. Pina-search ko sa kanya ang lugar sa net para makita niya ito at kung trip niya. Gusto nya raw mag-reflect. Talaga?

Matagal ko na rin gustong pumunta dito at nadadaanan ko lang ito kapag may akyat kami sa Mt. Batulao. 


So, saturday afternoon, pinuntahan namin ang Caleruega kasama si Super Mario. Kinita sa KFC - Metropoint which according to Mar, nauna raw siya doon! Weh? Lol! Mas nauna kaya ako. At itong nag invite ng gala ang late! Hahaha! At hindi daw sya late, mas maaga lang kami. Ganun? LOL!

Mga around 1pm kami nakaalis lulan ng bus papuntang Nasugbu, Batangas. Dahil tour bus ang nasakyan namin sobrang nag enjoy kami, sobra! Tapos dagdagan pa ang trapik. Wot! Wot! Ang saya! Hahaha! Nakarating sa Evercrest mga around 3:30PM, we had our late lunch sa isang karendirya. Then, hired tricycle papuntang Caleruega.

Entrance fee is 30 pesos per person, at bibigyan ka ng brochure. Then, start discovering the place.....

Maraming bulaklak, halaman at mga puno.
 More trees, may fishpond, and trees, sarap!
chapel na kung saan pwedeng pwede kang mag-reflect, mag-emo, at muni-muni
maliit na simbahan pero super nice at peaceful. maganda nga ito for wedding
tinatimingan nga lang ang pagkuha ng larawan dahil madalas tumatambay ang mga visitors sa entrance at magpapapicture.
Pagkatapos ikutin ang lugar, nagpahinga ng konti sa Garden Cafe at nagkape si Mar. Kahit sobrang pawisan, nagkape pa rin. Akalain mo yon! LOL!

Sidetrip:
Natapos ang tour sa Caleruega mga quarter to 6pm. Nagpunta ng Tagaytay at doon nag-dinner. Also, we went to the newest attraction of the City - ang Sky Fun Amusement Park. 
Pictures with my new lakwatsero buddies.
Thanks Mar sa photo nating tatlo. anong name ng cam? Haha
Of course, remember Meng? First time nyang gumala. 

Salamat sa bonding Mar and Jun! Until next time....:)

Bakit secret? Well, puntahan mo na lang ang lugar para malaman mo. Haha!

How to get there:
  • Sa Bus Terminal, malapit sa EDSA - MRT, hanapin lamang ang bus na papuntang Nasugbu.
  • Drop off point, sa Evercrest Resort and Golf Course, sabihan mo na lang ang kontukdor konduktor na ibaba kayo sa evercrest, 160php.
  • Pagkababa mo sa drop off point, may mga nakaabang na mga tricycle doon, sabihan mo na lang si Manong Driver na ihatid ka sa Caleruega, 50php.
  • Reminder: pwede mong kuhanin ang number ni Manong driver para magpasundo ka dahil kung hindi.....maglalakad ka mula Caleruega hanggang Evercrest, tantya ko nasa 5km. Hahaha!