Saturday, May 12, 2012

Girlfriend

Maituturing kitang girlfriend ko habang buhay. Ikaw yong babae na laging andyan para sa akin. Ikaw yong babae na laging umiintindi sa aming magkakapatid. Sabi nila, pareho daw tayo ng katangian at sa pisikal naman nagmana raw ako kay Tatay. Hmmm. Mas gwapo ako doon! 

Hayaan mo na lang yong kapatid ko, buhay naman niya yan e saka matanda na yan kaya wag mo na masyadong intindihin. Sasakit lang ulo mo dyan. Okay?

Buti na lang...noong umuwi ako. Hindi niyo ako hinanapan ng apo siguro kasi madami na ang apo niyo kaya hindi niyo na ako kinulit ni Tatay. Haha! E, gaya naman ng sabi ko...saka ko na dadamihan ang lahi natin kapag madami na tayong naipon at natupad na natin yong mga pangarap natin. Di ba nga, bibili pa ako ng lupa at papatayuan ng mansyon na gusto mo. 

Oh, sya nga pala...yong sinabi mo na kapag nasa isang lugar ako...dapat marunong akong makisama, dapat hindi ako mag-iinarte para walang masabi ang tao sa akin. Sabi mo pa, wag mong pilitin ang tao kung hindi ka talaga gusto. Alam mo Nay, tama ka!

Di bale Nay, kapag naging okey ang lahat...travel tayong tatlo ni Tatay. Pangarap ko kasing makasama kayo sa paglalakbay ko. Basta....pray lang tayo. 

Happy mother's day!






8 comments:

  1. Hmm.. mukhang malayo ang puntahan mo.. Anyways, happy mother's day kay mama mo!

    ReplyDelete
  2. Happy mom's day sa mom mo. :)

    ReplyDelete
  3. im sure hindi ka i-bbreak ng girlfriend mong yan! :)

    happy mother's day to ur mom empoy! :)

    ReplyDelete
  4. happy mother's day sa iyong mama at sa lahat ng mga ina :)

    ReplyDelete
  5. para sa mama mo happy mothers day....

    ReplyDelete
  6. that's sweet....gf mo siya... sa ngayon..si nanay rin ang girlfriend ko..im gonna look someone like her somebody...because she's worth loving .... HAPPY MOTHERS DAY to your mom

    ReplyDelete
  7. ang sweet naman nito empi, napa emote ako sa bandang huli!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D