Monday, December 12, 2011

IT’S YOUR CHOICE

Sa buhay natin, may pagpipilian.... ang maging malungkot o ang maging masaya.

Bakit ka maging malungkot?
Kung ang buhay ay punong-puno ng excitement.
Masaya ang buhay kung tutuusin.
Nasa iyo lamang kung paano mo ito lagyan ng spices.


Nasa iyo lamang kung paano mo ito i-handle.
Hindi porket, di mo nakuha ang gusto mo e, susuko ka na agad?
MALI yan! Ito lamang ay test o pagsubok para ikaw ay magpursige.
Ang pagsuko ay isang katangian ng pagiging duwag. 
Fight lang kung fight. Papasaan pa't makukuha mo din ang mga yan.


Sabi nga nila, kailangan mo muna dumaan sa mga butas ng karayom
Para makuha mo ang gusto mo.
Pero isipin mo din na hindi lahat ng gusto mo ay para sa iyo,
Sadya meron lang nakalaan para sa iyo.
And you have to be contented with what you have.
Hindi ka kasi maging masaya kung hindi ka kontento sa isang bagay.
Dapat lahat ng bagay na mapapasa iyo, konti man o mala-higanti,
Magpasalamat at maging kontento!

Nalulungkot ka kasi hindi napasaiyo ang gusto mo,
Pero mas Blessed ka kasi kahit paano ay meron ka,
Tumingin ka sa paligid mo, pansinin mo ang mga batang lansangan,
Isang tinapay lamang ay masaya na sila.
Mas swerte ka pa rin!

Maging masaya sa mga bagay na nakukuha mo,
Maging kontento,
And of course, share your blessings!

Maging malungkot o maging masaya?

It's your choice!

16 comments:

  1. check check check. tumpak ang nasaad sa iyong post. :D

    ReplyDelete
  2. isang malaking tumpak, nagiging positie n. like this

    ReplyDelete
  3. TAMA, dapat Good vibes lagi para laging masaya..

    ReplyDelete
  4. tama tayo pa din mamimili kung anong landas ang tatahakin natin at matuto tayo makuntento kung anong meron tayo at higit sa lahat wag maging atat dahil may mga nakalaan para sa atin. Nice post.

    ReplyDelete
  5. nice post empi! made me realize some things.. thanks!

    an_indecent_mind

    ReplyDelete
  6. Definitely agree sayo. Good vibes lang talaga!

    ReplyDelete
  7. Isang post na naliligo ng aral...

    ReplyDelete
  8. It's always your choice! Agree! :)

    ReplyDelete
  9. sabi nga nila... ang buhay ay puno ng pagpipilian, depende na lamang sau kung saan ka lulugar....
    at ika nga nila may freewill tayo para gamitin ito..
    its your choice - CHECK!!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D