Saturday, October 15, 2011

Bagong Pamilya, Bagong Simula


Mahirap mamuhay nang nag-iisa ka lang, walang mag-aalaga sa t’wing ika’y magkasakit. Walang mag-asikaso.  Walang makaka-usap kapag ika’y nalulumbay. Hay! Na-miss ko na ang asawa’t mga anak ko. Kamusta na kaya sila? Matagal ko na silang hindi nakikita. Malamang malalaki na mga anak ko, siguro nakakapag-asawa na rin. Siguro, successful na ang mga anak ko. Pero ang problema ko, hindi ko alam kung tatanggapin nila akong muli.

Ako si Rey Gabriel,  isang OFW, 45 years old, may asawa’t dalawang anak,  isang lalaki at isang babae,  at ako ay nangaliwa. Sa t’wing ako’y babalik ng Pilipinas, ibang pamilya ang binalikan ko. Pero ngayon, namumuhay nang mag-isa dahil iniwan na rin ako. Pinagsisihan ko ang paglayo sa una kong pamilya. Ito ako ngayon, walang trabaho, walang kasama, at malungkot.

Naghahanap ako ng trabaho ngayon pero wala nang tumatanggap sa akin. Hindi ko alam, marami naman akong karanasan sa trabaho, masipag naman ako. Pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Mahirap na nga talaga makipagsabayan sa panahon ngayon. Mangibang-bansa na lang siguro ako ulit, siguro may tatanggap pa sakin.
….
Kinamumuhian ko ang aking ama, kinalimutan ko ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Iniiwasan ko ang mga dating nakagawian ko ng gawin, dahil sa t’wing  naalala ko ito puot at galit ang namumutawi sa aking puso at isipan.

Masayang pamilya ang pinangarap ko, pero simula noong iniwan kami ng tatay ko. Nawalan ng saysay ang isang pamilyang pinangarap ko.  Mga alaala na pinipilit kong iwaglit sa aking isipan. Nais kong mamuhay ng walang galit pero hindi ko ito maiiwasan.

Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana. Galit at hinanakit ang nadadarama ko.

Tawagin mo akong si John, isang anak na may puot at galit sa isang ama, na sumira sa aming mga pangarap. Nag-iwan ng sugat sa aming mga puso.

….
Ako si Grace, kapatid ni John.

Namatay si Nanay dahil sa sakit sa puso, hindi nakayanang mag-isa na wala ang aking ama. Hirap at pait ang sinapit naming magkakapatid noong iniwan kami ni Tatay. Gusto kong magalit sa mundo, kamuhian ang lahat ng ama. Pero wala akong magagawa siguro ito ang tadhana para sa aming pamilya.

Subalit kung puro galit, puot at hinanakit ang paiiralin ko walang mangyayari sa aming lahat. Lumabas ako ng bansa upang hanapin ang aking Tatay. Para ituwid ang lahat ng mga baluktot na daang aming tinahak. Nais kong ibalik ang saya at ngiti sa aming mga labi.

Nangibang-bansa para maiahon ang natitirang mahalagang tao sa aking buhay. Nagbakasakaling matagpuan ko ang matagal nang hinahanap…ang aking Tatay. Alam kong nagkasala siya pero hindi ako Panginoon para parusahan siya. Nais kong maging buo ulit kaming pamilya kahit wala na si Nanay. Kung mangyayari man iyon, siguro maging masaya ang Nanay.

Lumipas ang apat na taon, hindi nabigong matagpuan ang lalaking mahalaga sa akin. Ang taong naging haligi ng tahanan at bumuo sa aming pagkatao. Sa pagbalik ko, baon ko ang pag-asang mabuo ang pamilyang inaasam asam ko. Pag-asang maayos ang gusot ng pamilya. At sa pagbabalik ko, dala ko ang taong mahalaga sa aming magkakapatid. Ang taong magdadala ng ngiti sa aming mga labi. Ang taong pupuno ng kasiyahan sa aming mga pusong nalulumbay.

….
Ang pagtatagpo…

Si John ang sumundo sa akin sa airport. Lingid sa kanyang kaalaman kasama ko ang taong kinamumuhian niya. Hindi ko alam kung masisiyahan siya sa makikita pero lubos akong nananalangin na “Lord, tulungan niyo po kaming ayusin ang lahat!”

“Ate! Ate!” sabay yakap sa akin ang kapatid ko. Sabik na sabik!

“Kamusta ka na? Nagpakabait ka ba?” tapik sa kanyan likod.

“Opo! Ate, wag ka ng umalis ha. Miss na miss kita.”

“May surpresa ako sayo, John,”  tinawag ko si Tatay “ Tay ……..si John”

Sabay lingon sa kaliwa si John, nanlaki ang mata, nakasimangot, kitang kita ang galit sa mukha.
 “John…anak ko… ang laki mo na bunso ko,” wika ni tatay “Anak, patawad sa paglayo ko sa inyong magkakapatid. Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. Sana mapatawad ninyo ako.”

 “Sobrang sakit ng mawala ka sa buhay namin. Alam mo ba…. yong ginagawa natin dati ay pinipilit kong kalimutan dahil sobrang sakit!” wika ni John habang tuloy tuloy ang daloy ng kanyang luha, “ang sakit sakit…namatay si Nanay dahil sa sama ng loob. Kagagawan mo ang lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay namin!”

Isang madamdaming tagpo ang naganap sa mga oras na iyon. Luha ng hinanakit, sakit, puot at galit ang naghari sa panahon ‘yon. Pagsisisi. Sumbat. Ito ang nangyari sa aming pagtatagpo nina John at Tatay.

“Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagkasala ako sa inyo mga anak pati sa Nanay niyo. Nandito ako ngayon sa inyong harapan para humingi ng tawad. Para ituwid ang pagkakamaling nagawa ko sa inyo. Sana ay tanggapin ninyo ang paghingi ko ng tawad. Patawad mga anak!”

“Noong umalis si ate. Sobrang lungkot ang nadarama ko. Madaming kulang sa buhay ko. Tatay, matagal ko na kayong pinatawad,” sabay yakap ni John kay Tatay “Tatay… wag mo na kaming iwan. Ikaw na lang ang nag-iisang taong kailangan namin ni Ate.”

Niyakap ko ang dalawang lalaking mahal na mahal ko, ang taong pupuno ng saya sa aking puso. “Salamat, Lord! Pinagbigyan mo kami!”

“Pangako mga anak! Ngayong tinanggap ninyo akong muli, magbabago sa buhay natin. Pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko sa inyo. Sa pagbabalik ko, asahan niyo ibabalik ko ang ngiti sa inyong mga labi. Mahal ko kayo John….Grace!”

“Oh sya, tama na tong drama natin! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Pang-Oscar Award ang eksena natin dito. Winner!” Sabay nagtawanan kaming tatlo habang papalabas ng airport.


Ito po ay lahok sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2011 - OFW Supporters

26 comments:

  1. ang galing..napaluha ako ng very mild sa story na to. buti happy ending naman kahit paano.

    ReplyDelete
  2. astig mo naman pala magkwento empiboy.

    ReplyDelete
  3. isa pang astig na entry!!! :D

    ReplyDelete
  4. okay ang entry mo. seems like true to life.

    ReplyDelete
  5. Wow.. isa pang entry sa PEBA. Sad story.. nakaantig ng puso.. pero in the end, happy ending din.

    Good luck!! :D

    ReplyDelete
  6. Ang ganda at galing ng kwento! Salamat sa pagsali sa PEBA Empi!

    ReplyDelete
  7. naks.... nung una akala ko ikaw ang bida .... tapos rey gabriel pala... akala ko... akala ko...ikaw ang bida sa wento hahahahah.

    good luck.

    ReplyDelete
  8. ayon..ganda,achieve na achieve hehehe//


    goodluck empi..

    ReplyDelete
  9. makabagbag damdamin!
    kaantig ng buong kasu-kasuan. :-)

    Goodluck sa PEBA!

    SignificantFiction

    ReplyDelete
  10. MP, good luck sa entry mong ito. Hindi man ako OFW pero parang merong something sa kwento mo na naka-relate ako :)

    ReplyDelete
  11. goleng goleng! gudluck empiboy! :D

    ReplyDelete
  12. @ ZAI: Thanks bro! :D

    @ AKONI: Naks! Maraming salamat! :)

    ReplyDelete
  13. @ BINO: Salamat, Bino! :D

    @ KASWAK: Thank you, sir!

    ReplyDelete
  14. @ LEAH: Good luck to me. hehe! Thanks, ate!

    @ ARVIN: Salamat!

    ReplyDelete
  15. @ KIKO: Sir, walang anuman po. Salamat din!

    @ KHANTS: Lol! Tnx tnx

    ReplyDelete
  16. @ JAY: Good luck din jay.. and the winner... bwahaha!

    @ SignificantFiction: Salamat po sa pagdaan!

    ReplyDelete
  17. @ Miss N: Maraming salamat po! :)

    @ TABIAN: Naks! Salamat! :D

    ReplyDelete
  18. pare pinaiyak mo ako.....

    ReplyDelete
  19. *punas luha* anobanamanyannasatrabahoakoperokailangankrayolamode?

    Hay naku...natatakot akong maging event na naman ang uwi ng tita ko kasi me cheverloo ang jusawa niya na iniwan niya sa pinas at ang mga anak nilang babae ay galit na galit sa tatay nila at sa babae nya...event...

    pero sana maayos din ang lahat.

    ReplyDelete
  20. Thanks sa lahat!

    @PINAYWRITER: Awww... kakalungkot naman yan. Sana nga maayos yan.

    ReplyDelete
  21. okay fine, ang galing, wala ako masabi, ikaw na drama writer! deserved naman pala ang trophy, lol

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D