Thursday, July 28, 2011

Luha Ng Aking Mahal

larawan hiram mula kay tito gugel

Luha mo’y pinagmasdan ko,
Bigat ng nararamdaman ang dala dala mo,
Wala akong ideya anong hinanakit mo,
Pero andito lamang ako sa tabi mo.

Hayaan mo akong ika’y samahan,
Luha mo’y aking punasan,
Yakapin at ika’y hagkan,
Hanggang ika’y tumahan,

Oh, aking sinta, h’wag ka ng lumuha pa,
Sapagkat ako’y nandito na,
Paliligayahin kita, kalimutan at iwan mo na siya,
Pupunuin ko ang pagkukulang niya,

Mahal kita, aking sinta,
Hindi ka luluha sa sakit, luluha ka sa saya!
Ayoko nang makitang lumuha ka,
Dahil ngayon ay akin ka na!


***Ito po ay kalahok sa pakontes ni iya_khin ng when she cries...she writes na pinamagatang "LUHA MO SA PAKONTES KO"

25 comments:

  1. tingin ko ndi lang para sa paglahok kay iya ang tula na ito...

    tula mo din ito sa sinisinta mo di ga?hahaha

    akala mo ha..lol

    ReplyDelete
  2. naks!ang ganda din itong sau..

    ReplyDelete
  3. Hanep! Tula para sa taong minamahal na pilit na iwanan nag taong nakasakit sa kanya.

    Dami na natin pre. Gudluck sa ating mga kalahok!

    ReplyDelete
  4. salamat sa pagsali! bumabanat sa huling linya ah! iba tuloy naisip ko! lels! magaling magaling!

    ReplyDelete
  5. kayo na... nawalan ako ng ganang sumali.. ahahaha

    ReplyDelete
  6. isang tulang may pinaghuhugutan. hindi kasing lalim ng mga salitang ginamit ng iba, subalit may sariling istilo sa pagbitaw at pagbanat ng mga salita. ikaw na empi!

    ReplyDelete
  7. gus2 k0ng sumali kaso nde naman ako blogger... huhuuhuh


    ---batang-makulet here---

    ReplyDelete
  8. may pinaghuhugutan naman ang tula hehehehe. true to life? lol

    ReplyDelete
  9. love poem ito tungkol sa luha..ayos..sumali din ako..

    ReplyDelete
  10. naks. ikaw na. :p.

    buti pa kayo may entry na!

    ReplyDelete
  11. uso na talaga ang emo post ba. eheheh

    ReplyDelete
  12. ikaw na ang may love life! :)

    wag mo ng mahalin kung meron ng iba! LOL

    ReplyDelete
  13. Lumuluha dahil maligaya
    Lumuluha dahil nakuha mo na siya
    Lumuluha dahil nagmamahal ka. Wala nang paliwanagan.

    ReplyDelete
  14. Luha ng kaligayahan. Magaling. Dami na kasali sa pakulo ni Iya. :D

    ReplyDelete
  15. @ JAY: Ano daw? Lol!

    @ TRAVELISTA: Gawan mo ng notes parang magiging kanta na sya. hehehe

    ReplyDelete
  16. @ Mommy: Salamat po. :)

    @ DR: Salamat, sir! :D

    ReplyDelete
  17. @ MOKS: Oo nga parekoy! Good luck sa ating lahat. :D

    @ IYA: Hahaha! Ano naiisip mo? hmmm... Lol! Salamat iya!

    ReplyDelete
  18. @ RAP: Haha! Sus! Sali ka... katuwaan lang ito! Hehe

    @ MD: Ikaw na rin! Hahaha!

    ReplyDelete
  19. @ MAKULET: Uy! May blog ka na... ehehe... salamat sa pagdalaw.

    @ BINO: Bwahahaha. Nangyayari naman talaga yan. :D

    ReplyDelete
  20. @ ARVIN: Ayos! Good luck sa ating lahat!

    @ KHANTS: Di ka pa nakagawa? Gumawa ka na!

    ReplyDelete
  21. ok na sana e... biglang naging possessive sa dulo. hahah! nice one marc! ikaw na makata!

    ReplyDelete
  22. @ NIECO: Hmmm maulan daw kasi. hahaha!

    @ MRCHAN: Haha. Tama ka dyan! Wag na talagang mahalin..sasakit lang puson mo este puso mo. Lol!

    ReplyDelete
  23. @ JK: Ano yan, sir? Karugtong? hehehe. Salamat sa pagdalaw.

    @ TAGA-B: Sumali ka na rin. :)

    @ KURA: Hahaha! Nagiging possessive nga pala no. Tsk! Haha

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D