Saturday, January 22, 2011

Yakap

nakita kita sa isang sulok
na parang ang lalim ng iniisip
nilapitan kita pero tila wala kang naramdaman
na may tao sa iyong tabi
hinawakan ko ang iyong mga kamay
at tinanong kita, "anong nangyari?"
nagulat ako dahil biglang buhos ng mga luha
mula sa iyong mga mata
hindi ko alam kung bakit at kung anong nangyari sa 'yo
tinanong kita ulit, "anong nangyari?"
ngunit hindi ko nakuha ang sagot mo
hinawakan ko na lamang ang kamay mo
at tinititigan ko ang mga mata mo
nakita ko sa mga mata mo ang takot at lungkot
sinubukan kong ika'y tanungin ulit
"anong nangyari?"
umiyak ka at nanlalanta
niyakap kita ng mahigpit
hindi na kita tatanungin ulit
sa halip, sa pamamagitan ng mga yakap ko
ay magsisilbing bubong ito na masasandalan mo
kung kailangan mo ako
yakap yakap kita noong gabing iyon
umiiyak ka pa rin pero hinayaan kitang
umiyak hanggang gumanda ang iyong pakiramdam
basta't ako'y nasa tabi mo
sa tingin ko'y sapat na iyon
kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari
niyakap kita ng mahigpit at binulong ko sayo
ang mga katagang sa tingin ko ay ikakapanatag ng iyong damdamin
"kung ano man yang nararamdaman mo ngayon, nandito lang ako kung kailangan mo.."
at niyakap mo ako ng mahigpit......
sabi mo, "natatakot ako para sa kanya..."




*****ang panaginip


40 comments:

  1. base! makabase lang kahit di pa binabasa....hahahaha

    ReplyDelete
  2. "anong nangyari?"
    umiyak ka at nanlalanta

    parang halaman lang....hahaha, kaya pala, isang panaginip lang pala...

    ingat

    ReplyDelete
  3. naks! panaginip lng ba yan or reality.
    ang swerte nmn niya kc may masasandalan na isang kagaya mo.
    keep rocking my friend!

    ReplyDelete
  4. naks!may pinatutungkulan?
    :))

    gudmorning mp!!!

    ReplyDelete
  5. meganon talaga? hahah! Ano ba kasi mga pinapanood mo bago matulog? tsk tsk tsk! Napaghahalataan. hahaha! =) joke!

    ReplyDelete
  6. nanaginip ang kumparekoy.. hehehe.. in reality, sapat na sa isang tao minsan ang magkaron ng karamay sa mga panahong takot at lungkot ang nadarama..

    ReplyDelete
  7. hanep si Empi Makata na rin? Bulakenyo k na ba? hehehe

    ReplyDelete
  8. sino kaya yung "natatakot ako para sa kanya?"

    ReplyDelete
  9. kuya gising, kuya gising

    galing ganda

    ReplyDelete
  10. bakit naging Makata ka, naging "Bulakenyo" ka na.. wahaha!

    ReplyDelete
  11. wow ang ganda naman first time ko dito anyway..masarap sa pakiramdama ang yalap lalo na kung nanghihina ka na at malungkot..

    ReplyDelete
  12. @ RHYCKZ: Halaman talaga. haha! ang adik lang!

    ReplyDelete
  13. @ ZYRA: Minsan lang yan. hehehe!

    ReplyDelete
  14. Pinatutungkulan talaga... hello, hagod! :D

    ReplyDelete
  15. Ngayon lang ako nakabisita dito. :-)

    Manunula pala si Empi. ^_^

    ReplyDelete
  16. @ KURA: Nasubrahan sa pag-iisip. hehehe!

    ReplyDelete
  17. Tama ka, ISTAMBAY! :) nakakagaan ng loob yan pag may isang tao na dadamay sayo. Ty

    ReplyDelete
  18. @ MOKS: Parekoy, natawa ako sa comment mo. Mindanao ako par. lolz

    ReplyDelete
  19. @ RAIN: Aalamin ko te pretty. :D

    ReplyDelete
  20. Kuya kiko, ako'y gising na! haha

    ReplyDelete
  21. @ JIN: Isa ka pa... mindanao nga ako. haha!

    ReplyDelete
  22. @ SUPERJAID: Salamat sa pagbisita. :)


    @ Ishmael: Salamat po... hehe!

    ReplyDelete
  23. gumaganun oh..:) napapatula sa panaginip..ayos!

    ReplyDelete
  24. Isa kana rin palang taga tula. magaling magaling.

    Happy weekend folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  25. Naks naman! Galing ng panaginip. Nakaka-udyok ng ideya sa pagtutula..haha

    ReplyDelete
  26. curious tuloy ako kung ano talaga nangyari :D

    ReplyDelete
  27. "umiyak ka at nanlalanta
    niyakap kita ng mahigpit
    hindi na kita tatanungin ulit
    sa halip, sa pamamagitan ng mga yakap ko
    ay magsisilbing bubong ito na masasandalan mo
    kung kailangan mo ako"
    gusto ko tong lines na to, it all means security. :)

    pero, nakyukyuryos ako sa dulong linya. parang may third persona pa. may malalim tong kwento. pakisalaysay muli sa susunod na blog post mo.

    nasisipat kong magaling kang magsulat. pagpatuloy mo lang yan. sulat lang nang sulat.

    salamat sa pagbisita.
    -mang poldo

    ReplyDelete
  28. martyr lang?! hehehe

    well, nice one. :)

    ReplyDelete
  29. inlab si marco... hihhheee... ingatz parekoy... Godbless! -di

    -dhi

    p.s. still tinatamad mag-sign in =P

    ReplyDelete
  30. natatawa ako sa comments nila.
    hahahaha
    sorry sa comments ako nagrereact.
    alam mo na
    ang kuleeet ni kuya jin! bwahahahahaha

    ReplyDelete
  31. @CHEENEE: Hehehe... ganun e. :D

    @ DENASE: Happy weekend. Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  32. @ KRIS: Oo nga e. Salamat sa pagbisita.

    @ BINO: hehehe... na curious talaga oh. :D

    ReplyDelete
  33. @ MANGPOLDO: Salamat din sa pagbisita. :)

    @ MR. CHAN: Ikaw na ang modelo. Hehehe!

    ReplyDelete
  34. @ DHI: Kelan ka pa tinatamad? :D

    @ YANAH: Hahaha... oo nga e.. kulit ni kuya jin! ang adik lang.

    ReplyDelete
  35. at parang di naman sya panaginip... napakagandang likha :)

    bulakenyo na din parang si......

    Ako? lol

    ReplyDelete
  36. Original mo ba ito? Hinde ngaaa???!!!! Anyare? tara sa bahay uli, iinom natin uli yan. :)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D