Sunday, January 16, 2011

Ayaw Magsindi

Kahapon, bago umuwi ng kubo ay dumaan muna ako sa hypermart para mamili ng kakainin kinabukasan. Kapag weekend kasi hindi ako lumalabas ng kubo maliban na lang kung may date at mga unexpected invitation. Hehe! Planado na ang mga dapat gagawin sa araw na ito; mag jogging sa umaga, maglinis ng kubo, magsulat/magblog, manood ng movie online o kaya xrated (hahaha!).


Habang nasa grocery, hindi ko alam kung anu kakainin ko o lulutuin. Balak ko kasi magluto para naman mabawasan ang gas ko. Isang taon na itong gas ko, ang tagal maubos! Haha!


Balak ko sanang mag-carbonara at magpaturo kay Patskie kung paano gawin kaso lang nagbago na isip ko since mag-isa lang naman ako at baka maparami ang luto ko, masayang lang. E wala pa akong ref! Haha!


Mga nabili: Apol, tinapay, de latang pagkain (nakakasawa rin pala to!), milo, (laking...) bear brand (...ako!), chocolates at naisipan kong magluto ng gulay.


Kaya, heto.......nag-expirement ng ulam ang inyong lingkod.


Sinigang baguio beans. <<-- Mali! Ginisang Baguio Beans pala. Lol!


Hinaluan ng corned beef (na sa tingin ko ay dapat giniling na karne!).


Nilagyan ng magic sarap.


Ayos na!


Bago ko naluto ito, akala ko wala na akong gas dahil hindi nagsindi ang kalan. Nakailang sindi ako, ayaw talaga magsindi. Tsk!


"Ganun talaga kapag hindi mo ginagamit yan. Kaya minsan magluto ka naman!"

Resulta:

Anggggg saarrraaaappppppp!!!!! Syempre, ako nagluto e. Haha! Pang-isahan lang ang serving dahil gaya ng nabanggit ko sa itaas mag-isa lang naman ako sa kubo ko. Kaya, ayon... kain guys! :)


Enjoy the rest of your day! GOD bless. :)

43 comments:

  1. ai parang masarap nga! =D

    ReplyDelete
  2. @ RAIN: di lang parang no... masarap na masarap talaga. haha

    ReplyDelete
  3. pag ayaw magsindi alugin daw ng kaunti yung tangke. Uy mukha ngang masarap.

    ReplyDelete
  4. preferred ko pang kainin yan kesa mga mamantikang ulam...nauumay n ako dun...gusto ko nmn gulay...

    ReplyDelete
  5. anuver?? ang text mo ginisang baguio beans.. tas tong post mo sinigang na baguio beans.. lol..
    confusingggggggggg! hahahaha

    anu nigawa mo? pano mo napasindi?

    tae sa gas na isang taon na.. lol

    ReplyDelete
  6. baka ginisa muna bago sinigang ung baguio beans? nalito ako. hehehehee

    ReplyDelete
  7. naks nemen!... tamang tama i'm lookin' for a chef... will u be mah chef?... lolz.. ingatz lagi... Godbless! -di


    -tinatamad mag-sign-in... lolz
    dhi =)

    ReplyDelete
  8. parang gusto ko yan,.,, kaso bawal ako sa spicy :(

    ReplyDelete
  9. nagutom naman ako parekoy.. minsan hindi natin alam, sa kasusubok may magandang kahihinatnan..

    sarap talaga nyan.. (takam)

    ReplyDelete
  10. ayun.. empi, try mo pagluto ang mga bloggers.. hehehe.. pakain ka naman :)

    ReplyDelete
  11. paturo na lang magluto T_T kelangan ko na talagang matuto para sa future family ko.ahw..chos haha

    ReplyDelete
  12. HAHAHAHA good job. Looks weird pero tatry ko sir. :))

    ReplyDelete
  13. Sarapppppppppp...rice na lang ang kulang hahaha. Ano ulit yan? Baguio beans in corned beef?

    Anyway, ganda ng music mo bro...

    ReplyDelete
  14. @ TSINA: Oo... salamat sa magic sarap. Haha!

    ReplyDelete
  15. @ SEAN: Nice tip! Magawa nga yan pag di magsindi. :D

    ReplyDelete
  16. @ JAG: Masama ang madaming mantika. Nakakaapekto sa kalusugan natin. Doctor me? Lol!

    ReplyDelete
  17. @ YANAH: Pwede namang magkamali sa pagtype di ba? Kinorek ko na po, Ma'am!

    Pwede mag sorry? Ok, sorry! Lol!

    ReplyDelete
  18. @ BINO: Isa ka pa. haha! Please read my comment to Yanah! Ok? Lol

    ReplyDelete
  19. @ DHI: Naku wag mo ng pangarapin. Baka maumay ka! Haha!

    ReplyDelete
  20. @ AXL: Wala naman akong nabanggit na may sili ah.

    ReplyDelete
  21. @ ISTAMBAY: Tama ka dyan, parekoy! :)

    ReplyDelete
  22. @ MD: Hahaha! Parang laitin niyo pa parekoy. Di bale na.. Lol!

    ReplyDelete
  23. @ SENDO: Kaya mo yan, sendo! :D

    ReplyDelete
  24. @ CC: Hehehe.. try niyo nang malaman mo. hehe!

    ReplyDelete
  25. @ TOM: Salamat sa pagbisita. Yes, Baguio Beans in corned beef. :D

    ReplyDelete
  26. Ti-nurn down akoh... Ouch... Lolz =P

    -dhi

    ReplyDelete
  27. naks, next career nb yan? nagpapraktis kn maging chef :)

    Have a great day!

    ReplyDelete
  28. Ang galing naman! Marunong kang mag-eksperimento. Kung ako yan, binuksan ko lang ang lata ng corned beef. Kain na. =)

    ReplyDelete
  29. in fairness kahit imbento lang mukhang masarap papakin

    ReplyDelete
  30. luto luto weekend! simple yet fun! ^_^
    sino pinatikim mo nyan?

    ReplyDelete
  31. natawa ako dun sa isang taon na ang gas mo empi! hahaha

    mukhang masarap nga! :D

    penge!

    ReplyDelete
  32. yown! nagamit mo na rin ang gas! hehehe peram naman ng mga gamit mo sa kubo na hindi mo naman ginagamit. hehehe

    ReplyDelete
  33. ang dami-dami naman nyan! lolzz

    ReplyDelete
  34. ang sarap.....




    ...ng buhay... ahehehe...:)

    ReplyDelete
  35. @ DHI: :p

    @ BHING: Oo te... hahaha!

    @ SALBE: Hahaha! Sabi mo nga e... :D

    ReplyDelete
  36. @ GLENTOT: Salamat sa magic sarap! LOL!

    @ CHYNG: Wala. Ako lang tumikim. Kahiya naman.. hehe!

    @ MR. CHAN: Isang taon na nga yon... hehehe!

    @ ZYRA: Hahaha... at pahiram din ng gamit niyo ha. Lol!

    @ CM: Sobra... di ko nga maubos e.. Hahaha!

    @ Super G: Bwahaha! Adik!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D