Monday, November 8, 2010

Eksena 104 (Feat. Manong TD)

Kahapon, nagpunta ako ng Trinoma at namili pandagdag sa mga regalo ko, kulang pa nga e. Sigh! Sabi ko kasi, unti-unti na akong mamimili para hindi mabigat sa bulsa - yon ang tip ko para di gaano magastos pag dating ng December. Dalawang damit para sa mga kids ang nabili ko at isang polo para sa akin. :)

Nag-taxi na ako pauwi ang haba kasi ng pila papuntang UP Campus. Grrr... Sa loob ng taxi si Manong Taxi Driver... Umeksena....

Manong TD: Pogi, saan tayo?

empi: Philcoa po, Manong!

Makalipas ang 10 minutes....

Manong TD: Ang lalim ng iniisip mo pogi ah...alam mo pogi, ang pag-ibig parang trapik lang yan.

empi: Ha?

Manong TD: Sa trapik kasi, kailangan mo lang ng konting pasensya at makakausad ka rin. Pag mag overtake ka dahil nagmamadali ka maaari kang madisgrasya. Tulad ng sa pag-ibig, pag masyado mong minamadali... posibleng magkamali ka at masasaktan ka lang. Kaya dahan dahan lang.

empi: Ganoon ba yon Manong?

Manong TD: Oo. Nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka, malalim ang iniisip.

empi: Anong konek doon sa sinasabi mo at sa akin?

Manong TD: Nakikita ko lang sa mga mata mo...(sabay tingin niya sa kin sa may salamin)

empi: Pagod lang yan Manong, wag kang OA.

Manong TD: Hindi e (ngiting nakakaloko). Wag masyadong mag-isip pogi. Pasasaan pa't magiging ok din yan. Isipin mo na lang na nasa kalsada ka at matrapik.

*tahimik*

Manong TD: Papasok pa ba tayo, pogi?

empi: Wag na po. Dyan na lang sa may Jollibee.

Manong TD: Ok.

empi: Manong oh (sabay abot ng pamasahe). Bigyan mo na lang ako ng bente.

Manong TD: Ito, pogi oh. Magiging ok din yan pogi. Nasa tamang pagkakataon lang yan.

empi: Salamat po. (sabay sara ng pintuan)

Nakakaloko si Manong TD umeeksena ng ganon. Tsk!

Naishare ko lang din... Back to work na.

Good day, guys!

26 comments:

  1. baka si manong si dr. love...(dr. love calling doctor love.... fade)

    o kaya si xerex. gusto lang ni manong ng tip

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy ung taxi driver sa movie ni jennifer love na "if only"
    infairview, may isang malaking check si manong sa sinabi.. yun nga yung malimit nating pag usapan diba? ahehehehe
    sigurado ka bang kasya sa mga daga ko ung binili mo? tnt

    wag ka daw masyadong mag-isip.. baka mamaya nyan kausapin mo na naman sarili mo. iskeyriiii na yan ha tnt much

    ReplyDelete
  3. baka naman mabobore lang si manong at gusto ng kausap...ito naman di pa pinagbigyan...hehehe sana naginuman kayo sa loob ng taxi at nagkwentuhan...haha

    ReplyDelete
  4. @ mots: sir mots, drawing mo ko... lol!

    hahaha sa xerex mahilig ka no? lol apir.

    nagbigay na nga ng tip e. LOl

    ReplyDelete
  5. @ YANAH: Te, napanood ko yan. lol!

    pota... bahala na kung magkasya yon sa mga kids mo. kung di ibalik mo na lang. lol

    ReplyDelete
  6. @ MOKS: Sayang! Di ko naisip yon... niyaya ko na lang sana mag inuman si manong TD. lol

    ReplyDelete
  7. Haha...tapos sa kin nilalabas ang emosyon ni manong td. tsk!

    ReplyDelete
  8. haha kakatuwa naman si manong echusero ang arrive hahaha...

    ReplyDelete
  9. kalerki si manong driver... nakikiluvlife... malufet! haha... abah me advice pah... hangcool ni manong... teka si manong driver atah ang inluv eh... lol... luv d' post... kaaliw lang... sige back to work nah U... oo nga naman hwag ganong isipin na-traffic lang un... luvs ka non sino man un... ingatz dude! Godbless!

    ReplyDelete
  10. ang daming alam ni manong TD.

    pero alam mo hansam ah, siguro bading si manong. pogi ng pogi sayo e. type ka? LOLZ! =P joke lang.

    pero tama ang pagkaka-compare nya sa love at traffic ah, infairness, tama yung pa umovertake maaaring madisgrasya! saka tama din yung, maghintay at uusad din yan, makakarating ka rin don sa pupuntahan mo.

    ang tanong ko lang kay manong TD, pano kung, late ka na pala sa pupuntahan mo? kakayanin mo parin bang wag umovertake sa ibang mga sasakyan? kakayanin mo pa kaya ang pressure ng traffic?

    ReplyDelete
  11. Aba, kagaling naman ni Manong sa love. hahaha. malay mo sya pala yung may gusto sau. hehe

    ReplyDelete
  12. hahaha.. ang kulit ni manong...

    Aaminin ko na sayo MP.. ako yung Driver na yun. chos

    ReplyDelete
  13. naka-relate naman ako dun sa analogy nya ng LOVE at TRAFFIC... hehehe!!! nice yun ah! thanks for sharing... =D

    ReplyDelete
  14. @ JAG: Oo nga e. Katuwa si manong...sana masakyan ko ulit yon at makipagkwentuhan at hihingi ng advice. :)

    ReplyDelete
  15. @ DEE: Nalerki ka talaga? weh? di nga? lol

    baka inlove nga si manong. :)

    ReplyDelete
  16. @ RAINBOW: Ate, ako type ni Manong? lol!

    daming nagkakagusto kay hansam ate ah. lol!

    itatanong ko yan te pag nasakyan ko ulit si manong. :)

    ReplyDelete
  17. Hi Will,

    Thanks sa pagbisita. :)

    Haha si manong td pala nagpaparamdam sakin. lol

    ReplyDelete
  18. @ MD: Langya! Ikaw pala yon?! Dapat nagpakilala ka't niyaya na kitang mag inuman. lol

    ReplyDelete
  19. matindi ang tama ni manong ah. Sapul na sapul ang pagiging Dr Love ahahaha

    ReplyDelete
  20. May pinaghuhugutan siguro si manong. :)

    ReplyDelete
  21. yung totoo?!? Dyan ba sa manila lahat ng mga TD nagbibigay ng mga ganyang advice?? O cge na manong TD ikaw na magaling mag advice. Nyahahaha :D

    ReplyDelete
  22. Zeb, di ko alam e first time kong maka-encounter ng ganong driver. :D

    ReplyDelete
  23. Ikaw ba yong pasahero ko? Di ka kasi nagpakilala. Lol

    ReplyDelete
  24. Ikaw pala yon? bakit mo sinabi? lol

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D