Wednesday, October 13, 2010

Relieved

"Writing is just a way of expressing your thoughts and concern. "

Lahat ng bagay sa mundo ay hindi natin pag-aari. Lahat ng iyon ay hindi mo alam kung mapapa sa iyo. At higit sa lahat, ito ay panandalian lamang. Walang kasiguraduhan kung ito ay tatagal sayo.

Kagaya nga ng sabi nila, lahat ng tao sa paligid mo ay come and go hindi mo alam kung tatagal sa buhay mo o mananatili, tulad na lamang ng isang kaibigan. Hindi mo alam kung tatagal o hanggang kailan tatagal ang friendship na nabuo ninyong dalawa. Hindi mo alam kung totoo o tunay mong kaibigan. Yong iba pa nga e gagamitin ka lang!

May mga taong sadyang judgmental pero hindi mo maiaalis yan talaga.... sabi nga, tao lamang tayo at nagkakamali. Syempre kailangan mo lang tatagan ang loob mo para harapin kung ano man ang binabato sa iyo. Maganda man ito o nakakasama ng loob. E ganun ang tao e. Wala ka nang magagawa doon.

Hindi mo kailangang i-please ang lahat ng tao para lang magugustuhan ka o kakaibiganin ka. H'wag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi ka tanggap kung ano ka at kung anong meron ka. Palagay ko, ang tao ay may kanya-kanyang kategorya para sa mga magiging kaibigan nila. Ang tao ay may kanya-kanyang gusto. Ang tao ay may kanya-kanyang opinyon, nakakasakit man ito o nakakagaan ng loob. Kailangan mo tanggapin ito dahil wala kang magagawa kung ano ang sasabihin nila tungkol sayo.

Sabi nga ng kausap ko; hayaan mong ipakita kung ano ka!

Pero syempre, tao nga lang tayo..... pero di natin maiiwasang nakakasakit na pala tayo ng kapwa. Dapat lang siguro na magiging aware tayo bago gawin o sabihin ang isang bagay.

At tao lang din naman tayo para makaramdam ng hinanakit...

Tsk! Tsk! Tsk! hindi tuloy ako naka-quota sa part time ko. Grrrr!

God bless blogworld!


Thanks,

empi

25 comments:

  1. May mga taong sobrang sensitive at insensitive, mahirap magbitaw ng salita sa kanila lalo na kung hindi ka nila maintindihan. Minsan nga biro lang personal sa kanila.

    ReplyDelete
  2. sa abroad ang pakikisama ang una mong matototunan.Dito mo rin makikilalala ang mga totoong tao.kasi malayo kayo sa mga mahal niyo sa buhay. meron ding mga pasaway na magdadagdag ng pahirap sayo. ganon talaga ang buhay.Kailangan sakyan lang.

    ReplyDelete
  3. hindi mo kailangan ang lahat ng tao, all you need are the ones who will accept you for who you are.

    "be who are and say what you feel because those who mind don't matter and those who matters don't mind."

    hope ur fine! =)

    ReplyDelete
  4. hi fans, hahaha, anong drama to ha?lols namishu kita fafa mski at ung blogness mo!!!bumalik na si mareng dhi ur ka labteam!!ako bumalik lang sandali sa panguukray, hahah, leche at may drama ka pang come and go ano akaka mow kabuti lols..wahahha!!!

    ReplyDelete
  5. siguro makikilala mo lang talaga ang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan...jan mo sila masusubok

    ReplyDelete
  6. @ MOKONG: Isa na ako dyan pare... may bagay na sensitibo ako, meron din nasasakyan ko.

    Salamat,

    Marco

    ReplyDelete
  7. @ DIAMOND R: Tama ka! Pakikisama talaga ang dapat.... Thanks!

    ReplyDelete
  8. @ RAINBOW: Yeah! That's life.... I'm fine! Thanks. :)

    ReplyDelete
  9. @ AMOR: Nabuhay ka!

    Kainis ka... namimiss na kita... LOLS!

    Namiss ka rin ni babae at lalake... alam mo na yon kung sino sila.

    Kung hindi mo alam... problema mo na yon... LOL!

    PM mo ko pag online ka.... masyado kang bz.... di mo na ako pinapansin...tadyakan kita e! LOL! :D

    ReplyDelete
  10. yun oh.. nakarelate ako masyado yun ha... tama ... :D
    its better to show who you are :D

    ReplyDelete
  11. hangswit nyo nemen ni MARENG AMOR... may tadyakan pah... inggit akoh.. haha... hangkuletz... ba't pag akoh online nde moh ako piniPM... =( lol... teka nga... makireply... eh... hwag na nga.. nde ako makareply nang ayos... nalerki akoh sa inyo ni mareng amor eh... hangkuletz lang mag-usap... i'm just glad ayos na U.. ingatz dude.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  12. @ DEE: LOL! Gusto mo rin pala magtadyak? sige... madali akong kausap dee. hahaha!

    Ingat dee... ganyan lang kami ni Amor. Ate ko yan e.

    ReplyDelete
  13. ayan eh di iaactivate mo na ang fb mo niyan. hehe. paano ba maglagay ng picture sa header...hindi ko alam... hehe... :)

    ReplyDelete
  14. hay may naalala ako dito sa post mo.

    we cannot please everyone, anyway.

    ReplyDelete
  15. @ BEA: Hehehe! Ikaw talaga Bea!

    Sa design lang po yon. :D

    ReplyDelete
  16. nagetching ko na.... hehehe. ang saya magblog! heheheheeh! pahingi naman ng fans jan! harhar!

    ReplyDelete
  17. leche ka marco bat mko sisipain, bat di mko halikan?hahahah....

    @bea,...breatrce kaw ba yan lols

    ReplyDelete
  18. @dhi ...gusto ni marco akong maging ate, ginawa pa akong mudraz, in short sugar babe hahaha

    ReplyDelete
  19. @ BEA: Sige...

    @ AMOR: Hahah... ate naman talaga kita ah. lol!

    oo si bea yan... lol!

    ReplyDelete
  20. "Hindi mo kailangang i-please ang lahat ng tao para lang magugustuhan ka o kakaibiganin ka.">>>Ang isang taong mahilig mag-pease ng iba ay mapapagod lang sa kapi-please. Para sa akin, dalawa lang ang judge sa mga ginagawa ko: ako at ang nasa itaas :)

    ReplyDelete
  21. Tama ka! Thank you, Nortehanon!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D