“Pagtibayin ang Pamilyang OFW : Matibay na Tahanan Para Sa Matibay Na Bansa”
Overseas Filipino Workers o kilala sa tawag na OFW - tinaguriang bagong mga bayani sa bagong henerasyon. Mga Pinoy na matatagpuan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Paano nga ba sila napadpad sa ilang libong milyang layo mula sa kanilang lupang kinalakihan? Hindi mo lubos maisip na napakarami nang mga Pinoy ang nasa iba’t ibang bansa ngayon. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang pangibang-bansa?
Maraming mga Pinoy ang nangibang-bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap man tanggapin sa karamihan na mahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay subalit ito lamang ang tanging paraan para maiahon ang pamilyang nalulunod sa kahirapan ng buhay. Lakas loob nilang itong talikuran upang mabigyan lamang ng kasaganaan sa buhay ang kanilang pamilya. Mahirap makita ang iyong minamahal na iiwan kayo para lamang sa ikakabuti ng bawat isa.
Iba’t ibang dahilan ang pangingibang-bansa ng mga Pinoy pero iisa ang layunin ng bawat isa sa kanila, ang tulungan ang kanilang pamilya. Hindi sapat ang kinikita kaya naisipang lumayo na lamang para maibigay ang pangangailangan nila. Kaysa mananatili sa sariling bansa at makikitang nagugutom ang kanilang pamilya. Mas mahirap naman kung makikita mo silang naghihirap.
Malaking sakripisyo sa bawat OFW na iiwan ang kani-kanilang mahal sa buhay at harapin ang hirap ng buhay sa ibang bayan na hindi kapiling ang pamilya, ang anak, at ang mahal sa buhay lalo na sa mga mahahalagang okasyon tulad ng Pasko, Valentine’s day, graduation ng kapatid o anak, at kaarawan.
Kapag malayo ka sa pamilya, unang makakalaban mo ay ang pangungulila. Pangungulila rin ang dahilan kung bakit nagkakasakit ang ibang kababayan natin sa ibang bansa, siguro dahil hindi sanay na mawalay sa kanilang pamilya.
Mahirap mawalay sa pamilya sapagkat hindi naman ito isang sakay o ilang minuto na kapag gusto mo silang makita ay makikita mo. Ilang taon din ang hihintayin para makapiling silang muli. Pero para sa kabutihan ng pamilya ay handang magsakripisyo at handang magtiis para sa kanila. Kailangang gawin para sa ikakaunlad at para sa ikakabuti ng lahat .
Masaya dahil makikita mong nakaahon na sa pagkalunod ang iyong pamilya. Masaya dahil makikita mo silang nakakakain tatlong beses sa isang araw, nakakasuot ng magandang damit, nakapag-aral at napagtapos ang kapatid o anak sa unibersidad, napaganda ang buhay at iba pa. Masarap sa pakiramdam ang makikita mong nakangiti ng walang sakit na nararamdaman ang iyong pamilya.
Malayo man pero nanatiling matatag ang bawat membro ng pamilyang OFW. Nagkakaisang harapin ang hamon ng buhay, ‘yang ang tunay ng pamilyang OFW.
Paano nga ba mananatiling matatag?
Maraming paraan para lamang magiging malapit ang mga OFW sa kanilang pamilya. Pinaka-popular ay ang internet communication - maraming gumagamit nito at ito ang modernong pamamaraan upang makita at makausap ang pamilya sa iba't ibang sulok ng mundo. Maaaring gamiting ang webcam na kung saan ay makikita ang mga mahal sa buhay na parang katabi mo lang. Maaari ring gamitin ito upang ipagdiriwang ang kaarawan o anibersaryo at iba pa, na parang kasama mo na rin sila. Maaring sumulat o email para maipahayag o maikwento ang mga bagay bagay.
Tawag o text - andyan ang cellphone na maaaring kontakin ang mga mahal sa buhay at i-update sila sa mga bagay bagay. Sa paraang ito, nakakatulong ng malaki para sa mga kababayan natin nagtatrabaho sa ibang bansa at maiparamdam sa kanila na hindi sila malayo sa inyo.
Bakasyon - may nakalaang bakasyon ang bawat OFW upang makasama ang pamilya at ang mga mahal sa buhay. Maaaring igugol ang oras sa pamilya at iparamdam sa kanila na mahalaga sila at kung gaano mo sila kamahal.
Ito ang magandang pamamaraan para ipakita sa ating mga kababayan na nagsumikap na magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya at sa kanilang mahal sa buhay. Sa pamamagitan nito, mananatiling matatag ang bawat membro ng pamilya.

Ako po ay lubos na sumasaludo sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya, na lakas loob na harapin ang hamon, iiwan ang kinalakihan pook para lang sa ikakabuti ng kanilang pamilya. Kayo po ay hindi lamang bayani kung ituring ng buong mundo kundi para sa akin ay isang bayani ng bawat pamilya.
Naks! May entry na siya! Nice!
ReplyDeleteutol ko OFW, seaman siya kaya kaya panalo sa akin tong entry na'to
ReplyDeletesalamat sa pagshare nito. sana marami sa atin ganito.
ReplyDeleteThanks, Jag!
ReplyDelete@ BULAKENYO: thank you!
ReplyDelete@ CARNATION: salamat din sa pagbisita... :D
ReplyDeletei het you marcow lols
ReplyDeleteParekoy Amor, naunahan ka na ni Marco, bagal mo kasi eh lolzz
ReplyDeleteBilisan mo gumawa ng entry :D
@ AMOR: Hahaha... gawa ka na!
ReplyDelete@ CM: Thanks pare!
naks astig!
ReplyDeleteGood Luck and God Bless, If only I can vote, but don't worry brother I will endorse your entry!
ReplyDeleteKuya Kiko
Thanks super and kiko! :)
ReplyDeleteahhh! haha.. entry pla to..
ReplyDeletekulang ata ung salitang bayani para sa mga ofw... uhmmm... dapat bayaning bayaning bayani.. hehe.. walang maicomment na matino.. pero sa lahat ng kapatid nating nagsasakripisyo sa ibang bansa, kayo ang totoong filipino pride. hands up and down head..
Well said Marco. Dati rin akong isang OFW at sadyang napakahirap mawalay sa pamilya para lang maibigay lang ang mga pngangailangan nila. Sana dumating ang panahon na di na kailangan umalis ang ating mga kababayan sa halip ay dito nalamang mag trabaho sa Pinas na sanay maging sapat din ang suweldo. Good work..
ReplyDeleteSyanga pala si bryeunade ito..
ReplyDeletegudluck Marco!
ReplyDelete"Mahirap mawalay sa pamilya sapagkat hindi naman ito isang sakay o ilang minuto na kapag gusto mo silang makita ay makikita mo. Ilang taon din ang hihintayin para makapiling silang muli"
... wla ng hihigit sa pangungulilang nararamdam ng isang OFW. buong pagkatao saklaw nito. mabuhay ang mga OFW :))
good luck sa PEBA entry mo! nice post btw! mabuhay ang mga bayaning OFWs
ReplyDeleteHi dropping by reading your entry... been nominated too. oo nga ano... talagang mabuhay ang OFW.....
ReplyDeleteIf you’re interested you can read my entry HERE