Monday, May 17, 2010

Halo2x

Thurday:
Habang nagtatrabaho, nagtext sa akin ang kaibigan ko at sabi luluwas daw siya dito sa Manila. Nagpapasundo ng alas una o alas dos ng madaling araw. Hmmm... medyo nakatulog ako noon at buti na lang noong oras na iyon ay paalis din ang aking mga kamag-anak uuwi ng probinsya at kinatok ako sa kubo ko kaya ayon nagising ako.

Maya-maya nagtext na si kaibigan ko na nasa Cubao na raw sila... sabi ko sa Philcoa ko na sila sunduin. Kaya ayon, sinundo ko sila doon, kasama niya pala ang anak niya.... sa una, medyo nahihiya pa ang bata pero noong nasa kubo na.... naku, umpisa nang dumaldal at nangungulit. Daldal nang daldal at tanong nang tanong... Akalain mo yong natulog mga bandang alas kwarto na siguro yon. Pero ok lang happy naman ako at naka-bonding ko yong bata. hehehe!

Friday:
Sabay kaming lumabas ng kubo dahil ako ay papasok sa aking trabaho at sila naman ay may pupuntahan. Same way lang naman kami kaya magkasabay na rin kami sa bus.

Bandang alas singko ng hapon... nagtext si kaibigan at sabi *tuliro* raw sya.... sabi ko, bakit?

"palagay ko nahulog yong wallet ko sa taxi!" sabi niya.

"ha? bakit? anong nangyari?"

Tapos ayon kwento na niya kung anong nangyari. Yong iba naming kaibigan tini-text ako na puntahan ko raw. Pinuntahan ko sila sa may terminal ng bus sa may Pasay, at binilhan ng pagkain dahil for sure gutom na sila. Medyo natagalan ako noon dahil may inaayos pa ako sa kubo.

Nakiusap raw siya sa dispatcher ng bus kung pwede silang sumakay at doon na sila magbayad pagkauwi nila. Medyo mahigpit ang kalakaran ng kompanya ng bus kaya nag-decided kaming pumunta ng Cubao at sa ibang bus company makiusap. Sa awa ng Diyos, pumayag naman kaya nakauwi sila.

Pagka-uwi ko ng kubo, naligo muna ako at ang lagkit lagkit ko na... pagkatapos nanood muna ng dvd dahil medyo hindi na makatulog.

Saturday:
Tinagpo ko naman ang isa kong kaibigan sa may Pasay. Halos magkasabay lang kaming dumating sa meeting place namin. Nag-text-text pa nga kung saan na kami... natawa ako sa text namin...

"san ka na?"
"Heritage!" sagot ko.
"Ako rin. tnt"

"Toyota now!" sabi niya.
"Hahahaha! Ako rin.

Akalain mo yon parang magkasunod lang yata ang bus na sinasakyan ko at jeep na sinasakyan niya. Hahaha! Anyway, pagdating doon sa meeting place namin. Umikot muna kami sa Mall. Konti kwentuhan. Tapos nagpapasama na rin akong tumingin ng camera.

Tapos, tumambay muna saglit at nagkwentuhan na. Lumipas ng ilang oras nagyaya siyang magmeryienda. At pagkatapos ng meryienda, umuwi na kami.

Thanks dude for your time!

Sunday:
Mag-alas onse ng umaga. Nanood ako noon ng dvd, "Obsessed" at biglang may kumatok sa kubo ko... nagulat ako... sumigaw! "Marco! Marco! Marco! May sunog!"

"sh****t!"

Lumabas ako para tignan.... "OMG! malapit sa kubo ko.... waaaahhhh!"

Sobrang kinabahan ako! Nanginginig sa sobrang kaba ng dibdib ko. Madaming tao. 'Yong may-ari ng kubo na inupahan ko, nag-hysterical na!

Nanginginig ako habang nag-text sa mga kaibigan ko. Bumalik ako sa kubo, at naghanda baka kung sakaling kumalat ang apoy.... nag-impake ng mga gamit. Inuna ko muna mga dapat unahin.

Tapos, lumabas ulet ng kubo para maki-balita. Hays! Tanaw na tanaw ko ang maitim na usok... waaahhh... kakatakot! Mabuti na lang sa lugar namin alerto ang mga tao.... maraming dumating ng boumbero at naagapan agad ang sunog.

Thanks God!


Dahil kampante na lahat ng mga tao doon... nag-uwian na rin ang mga volunteer. Kaya, balik kubo ulit ako at umidlip saglit.

Alas tres ng hapon, umalis ako ng kubo at tagpuin ang isa kong officemate sa may North Edsa. Umikot muna kami at kumain kunting kwentuhan na rin.

Mga alas sais ng gabi, nagpunta na kami sa Timog Ave. at manonood ng play sa center for arts. Umabot din siguro ng dalawang oras ang play. Iba't iba ang story.... mula pambata gang sa pang-matanda. Ok naman ang mga workshoppers... magaling naman mag-act.

After ng play, nag kanya kanya ng umuwi.

8 comments:

  1. halo halo tlagah noh... pakilagyan na ren nang ice cream nd leche plan on top... lolz... ei im glad ur ok though... sige... ingatz na lang lagi... Godbless!

    ReplyDelete
  2. hi akesh... wats up! hehehe!

    yeah... im ok. :D

    tc also.

    ReplyDelete
  3. soo busy ng life naman..well sarap talaga ng halo2x noh??

    ReplyDelete
  4. yun oh, nagMoA nung saturday.

    di kna daw single, is it true? Ü

    ReplyDelete
  5. madami talagang sunog ngayon. nag-ooverheat ang mga appliance lalo na erkon/electricpan. heniwei buti naman di umabot yung apoy sa'yo :D

    ReplyDelete
  6. @ MELODY: tama! busy nga masyado... pero ok lang happy... inaaliw lang ang sarili para di masyadong ma-stress..... hehehe!

    @ CHYNG: Hahaha! Chyng, may amnesia na ako... nakakalimutan kitang itext... tsk tsk tsk

    di na ako single kasi double na ako ngayon... lumalapad na e.. hehehe!

    @ FERBERT: oo nga dude!

    ReplyDelete
  7. hehehe :D mahilig ka palang makipagtagpo ah! at kung kani kanino pa lolzz

    masyadong busy ang life, sana ganyan din ako :D

    ReplyDelete
  8. @ CM: ganon talaga parekoy.... ang susunod naman nyan ay magmukmok sa kubo... hehehe!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D