Wednesday, October 28, 2009

Oy! kaw ha...

The Lord does not look at the things man looks at. Man looks at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.

Related ito sa nakaraan kong post (yong nasa ibaba). Aaminin ko, kahit ako man, ay ang physical appearance ang unang tinitingnan sa isang tao bago ang ugali. Dahil nga syempre parang ang sarap kapag may kasama kang maganda o kaayaaya ang panlabas na anyo. Hehehe!

Pero, mali pala talaga iyon… sabi nga nila, tanggapin natin kung anong meron ang isang tao at kung ano siya. Katulad na lang sa pangungusap na nababasa natin sa itaas. Dapat hindi ang panlabas na anyo ang tinitignan natin kundi ang kagandahang ng kanyang pag-uugali kasi doon makikita ang kagandahang ng isang tao.

Sabi nga sa nabasa kong libro ni Doug Herman; Pretty isn’t always beautiful but beauty is always pretty. Ang lalim ng kahulugan kahit ako nahihirapang intindihin. Kayo na lang ang umiintindi. Hehehe!

Wednesday, October 21, 2009

Opps!

What is most important to you? To value someone who is physically attractive yet whose character is shriveled and diseased? Or to value someone whose personality and character are so beautiful that you truly don’t care if she/he is horribly burned from a fire or if she/he is 250 pounds overweight? – From the book of TIME FOR A PURE REVOLUTION

Madalas ang tinitingnan sa isang tao ay ang panlabas na anyo. Madalas ang unang tinitingnan sa isang tao ay ang ganda ng panlabas. Ngunit minsan ang panlabas na anyo ng isang tao ay mapaglinlang. Sa anyo niyang mala-anghel na mukha ay may nakatagong hindi kagandahang-asal at minsan pangit ang pag-uugali. At doon mo ito malalaman kapag kasama mo na siya o kung makilala mo na siya nang lubusan.

Pero may nagsasabihing, ang pag-uugali ay pwedeng baguhin hindi tulad nang sa panlabas na anyo. Tama yon, maaaring mabago ang pag-uugali. Pero paano kung likas na talagang masama ang pag-uugali niya?

Opinyon lang po… :)

Kung ikaw, sino ang mas pipiliin mo ayon sa sinasabi sa unang pangungusap?

Wednesday, October 14, 2009

Random Thoughts

When we meet people
We never expect that we sometimes fall
We may insist ourselves to keep them away in our mind
We may suppress what we really feel for them
But still we silently love them.
Though, sometimes also we maybe get hurt
Of loving this or that person
Still we cannot lie ourselves.
But to continue what we have inside our heart.
Most of the time we may take the risk
In loving this person
Because we follow the beat of our hearts
Sometimes we really get hurt of loving someone.
We get hurt because we feel the love…and that’s normal!
A lot of trouble and problem we may encounter
But as long as there’s collaboration between two people involve
Just fight for the love.
Be brave.
Don’t afraid.
Trust each other.
And have faith.
After that, relationship will be successful one!

Wednesday, October 7, 2009

Monday, October 5, 2009

Salamat

Panginoon, salamat sa walang sawang pakikinig mo sa aming dasal.
Gabayan Niyo po kami palagi.
Maraming Salamat sayo Mahal naming Panginoon!

Friday, October 2, 2009

Panalangin



Panginoon, iiwas niyo po kami sa masasama.

Kailangan po namin ang iyong gabay sa aming paglalakbay.

H'wag N'yo po kaming pababayaan lalo na ang aming bansa,

Na sa kasalukuyang naghahanda sa bagyong darating.

Sana po ay hindi na tutumbukin ng hagupit at mabagsik na bagyong ito.

Panginoon, bantayan niyo po kami at ang aming bansa.

Amen!