Tuesday, November 24, 2009

quickie

mabilisang post lang po ito baka kasi amagin na naman tong pahinang ito teka lang baka kung ano na ang nasa isip mo sa pamagat ng post kong ito yon kasi ang unang pumasok sa isip ko since ito ay mabilisan lamang po mag-update lang ako sa buhay buhay Hehehe kung naalala mo pa ang post kong moving out finally natuloy na ito after how many months na paghihintay nagkaroon ng misunderstanding sa isang kakilala na hindi naman dapat hindi ko dapat iasa ang isang bagay dahil may kanya kanya nga naman tayong pinagkakaabalahan at problema na kinakaharap kaya para sayo kung nababasa mo man ito pasensya ka na sana ay nasa mabuting kalagayan ikaw ngayon back to the issue ayon nga nakalipat na ako at nagkaroon ng peace of mind kahit papaano sana nga lang ito na yong umpisa I mean unti unti ko nang magagawa ang mga plano ko sa buhay at ang pagbukod ang unang hakba ko para sa sinasabi kong things to do in my life may ganon pa e noh hmmm masarap sa pakiramdam ang magbukod una magagawa mo lahat ang gusto mo makakilos ka nang maayos pwede kang uuwi ng late na hindi nagpapaalam at hindi na kailangan magbigay ng rason kung bakit ka late uuwi at marami pang iba ito na siguro ang masasabi kong challenge na mangyayari sa buhay ko ang mamuhay nang mag-isa dahil sa akin lahat ang expenses at hindi ko na siguro matutunan ang pagbudget ng tama at maging responsible so far maayos naman ang kalagayan ko sa ngayon Hehehe oh sya ako'y magpapaalam na muna GOOD DAY TO ALL

Wednesday, November 18, 2009

Kung pwede lang sana e...

Hindi ito EMO... di na uso yon. Hehehe!
Na-realized ko lang marami pala akong na-missed sa buhay ko, marami din sana akong ginawa noon para mas magiging memorable ang pagiging bata ko. Marami akong natutuklasan ngayon at mga na-realized… kaya naman sabi ko, kung pwede lang sana…

Ngayon ko lang nabatid na…

1. Masarap pala kung lagi kang perfect sa exam. Dati kasi balewala lang sa akin ang lahat kung ma-perfect man o hindi.
2. Mas masarap pala sa pakiramdam kung makikita mo ang pangalan mo sa bulletin na kasama ang ibang topnotcher. Hmm... di naman sa pinagyayabang ko pero Thanks God kasama naman ako sa top 10, yon nga lang lagi lang nasa top 5 - 7. Hehehe! Pero ayos lang at least nahanay sa mga matatalino kahit hindi naman totoo. Hehehe!
3. Mas masarap pala kung natatalo mo ang kaklase mo na pumapangalawa o candidate for salutatorian. Pero hindi pa rin ako convince na natalo ko yon… parang tsamba lang ata yon. Hehehe! Yon ang kulang sa kin, ang magtiwala sa sarili. Tsk! Tsk! Tsk!
4. Marami pala nagkakagusto sa kin noon pero balewala lang sakin… Hehehe!
Sana mas nagiging memorable ang kabataan ko. Hindi ko kasi nagawa lahat ng pwedeng gawin ng isang bata. Kaya minsan parang gusto kong maglaro na tulad ng isang bata na may mga toys.
5. Maagang nag-matured.
6. Lumaki na walang gumagabay na isang kapatid. Kaya naman hindi close sa mga kapatid.

Ngayon ko lang talaga na-realized at nanghihinayang sa mga panahong lumipas. Sana pinagbutihan kong maigi at hindi binalewala ang lahat. At naging focus kung ano ang gusto at hindi yong nag-di-depend sa sinabi ng ibang tao. Hindi naman sa nagsisi ako nanghihinayang lang ako dahil maraming kulang at maraming nakaligtaang gawin. Kulang ang mga nagawa ko noon panahong yon at parang hindi masyadong memorable. Pero syempre wala na akong magagawa. Lumipas na yon… hanggang alaala na lang yon. Kaya ang masasabi ko lang… KUNG PWEDE KO LANG SANA balikan….. Kaya naman ngayon, kailangan pahalagahan ang bawat segundo ng buhay para hindi mamiss ang bawat yugto nito.

Friday, November 13, 2009

Ano kasi e...

  • Madalas nating sinasabi na “sana ganon din ako tulad niya…” (Referring to the ideal person), o kaya naman sana magaling din ako tulad ni Kuya/ate/tito…. Minsan kasi parang sinusukat natin ang kakayahan ng iba compare sa kakayahan natin. Kaya minsan parang frustration sa atin na hindi natin nakuha ‘yong gusto natin para sa sarili.
  • Ito pa, dapat pala hindi tayo masyadong umasa sa isang bagay dahil minsan nakakasama ng loob o nasasaktan tayo kapag ang bagay na iyon ay hindi para sa atin.
  • Sa relasyon naman, h’wag sukatin ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iyo kasi we have different ways of showing our love sa taong mamahalin natin. (nakalimutan ko na kung ano ang sasabihin ko…. Hehehe!)

‘Yan na lang muna nawala ang mga idea ko e… malamig kasi kaya parang na-frozen ang idea ko… Hehehe!

----------------------------------------------------------------------------------------------
It’s wonderful when the people believe in their leader; it’s more wonderful when the leader believes in the people.

John Maxwell
----------------------------------------------------------------------------------------------

Friday, November 6, 2009

Copy+Paste+Post

She wanted to share her love
Love that her heart’s longing for
Wishing he could hear what her heart says
Being in love really can’t explain the feelings.
The feeling that she needed someone
Someone that she needed more…
[ang tula ay makikita sa klik <- mo ito.]