Friday, August 7, 2009

Kahapon

Libu-libo sa ating mga kababayan ang nakiramay sa pagkamatay ni Tita Cory. At sa kanyang huling hantungan ay libu-libo din sa mga kababayan natin ang naghatid. Hindi ko man siya lubos na kilala pero batid ko ang kanyang paggiging mabuting Ina sa kanyang mga anak, mabuting mamamayan, at isang mabuting lider para sa sambayanang Pilipino.

Kahapon, ay ginawang special non-working holiday at para sa akin nararapat lamang na siyang bigyan ng pagpapahalaga at respeto sa lahat ng kontribusyon para sa ating lahat. Siya ang tinaguriang “Ina ng Demokrasya” at isang icon.

Sa panonood ko ng telebisyon kahapon para masaksihan ko ang, para sa akin, isang malaking pagtitipon ng mga ordinaryo at nasa taas na antas ng lipunan. Pinagkaisa na naman niya ang mamamayang Pilipino. At doon ko nararamdaman ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng mga supporta ng ating kababayan. Ang bawat awit na inawit ng tanyag ng mang-aawit sa ating bansa ay nagpapakilabot sa akin. Mga awitin na nakatatak na sa mga puso ng Pilipino at sa kanyang pakikipaglaban.

Doon ko naramdaman ang spirit noong mga 80’s kahit pa'y wala pa akong alam sa mga panahong iyon… pero ito ay nagpaantig sa aking puso ang bawat linya ng mga awiting iyon.

“How I wish nasaksihan ko ang pagiging Pangulo niya noong mga panahong yon. She’s great!”

Sa iyo Tita Cory, maraming salamat sa pamana na iniwan mo aming lahat. Hindi man kita lubusang kilala sa iyong pamumuno pero sa pinakita ng sambayanang Pilipino ay batid ko ang kabutihan ng iyong puso. Maraming Salamat po!

16 comments:

  1. binsa ko sya kaya mag kokoment ako gaya ng notice mo :-D

    At mag iismile narin :-D

    Mabuhay ang Noypi!

    ReplyDelete
  2. Nakakatuwang isiping ang isang blogger na tulad mong napakabata pa noong mga panahong namumuno si Pres. Aquino ay nakapagsulat ng ganito.

    Wala na akong maidadagdag pa, nasabi mo nang lahat sa final paragraph mo.

    ReplyDelete
  3. pareho tayo.. sana nga nasaksihan natin yung panahong namuno siya sa bansa...

    ReplyDelete
  4. TO:

    RJ:
    Salamat, Doc RJ!

    FJORDAN ALLEGO:
    Oo nga parekoy e!

    ReplyDelete
  5. tama Marco, maraming salamat sa kanya at tinatamasa natin ngayon ang demokrasya:D

    ReplyDelete
  6. ang naaalala ko... noong huling taon niya bilang pangulo... palaging brown out...

    ReplyDelete
  7. it'll be great kung naging part talaga ko ng crowd. something na pwede ipagmalaki in the future.

    ReplyDelete
  8. not being among the crowd made me feel bad. kulang yung buong araw ko na panonood kahapon.

    ReplyDelete
  9. Hindi ko mapigilan yung luha ko habang nanonood ako. Kahit sa huli hulihan she still has the power to unite us. We will miss her.

    ReplyDelete
  10. may ganun? how you wish nasaksihan mo ang pagiging pangulo niya?

    paduda...meaning bata ka pa? hahaha

    ReplyDelete
  11. Aysus!!!Magkasing edad lang tayo eh lolzz

    Ako rin di ko nasaksihan pagkapangulo nya eh hehehe


    Seryoso...Salamat sayo Tita Cory, sana di na madagdagan pa ung tulad mo na mawala sa mundo, kaw ang kelangan ng Pinas at hindi ung mga nasa posisyon ngayon..Gabayan mo na lang sila..

    ReplyDelete
  12. Mapalad kayong pinanganak sa panahon ng pagka-Pangulo ni Tita Cory, hindi ninyo naranasan ang Diktaturang sumikil sa ating mga karapatan nuong panahon ng Rehimeng Marcos.

    Salamat sa pakikiisa sa pagpupugay sa huling sulyap sa Ina ng Demokrasya.

    Purihin ka kaibigan.

    ReplyDelete
  13. tama sila,..malaki ang iniwang inspirasyon at aral ni tita cory, sa mga kabataan noon @ ngayon!..

    keep up the good thoughts flowing, bro.:)

    ReplyDelete
  14. TO:

    GILLBOARD, CHYNG, JERICK, RON, MULONG, CM, THE POPE, and AJ:

    Thank you!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D