Thursday, October 23, 2008

Biro lang po

Usapan ng dalawang bata...
Junjun : Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean , siya ang humukay nun!
Pedrito : Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo ' yung Dead Sea ?
Junjun : Oo...
Pedrito : Siya ang pumatay nun!

***
Tatay: bagsak ka na naman! Bat di mo gayahin si Pedro? Palaging may honor!
Anak: unfair naman kung ikukumpara nyo ako kay Pedro!
Tatay: bakit naman?
Anak: matalino kaya tatay nun! ^_^

***
nakatakas si erap, fvr at gma sa mga terrorista at nagtago sa mga sako sa farm!
Terrorist1: ano nakita mo dyan?
Terrorist2: mga sako lang! Tignan mo ang laman!
sinipa ng terorista ang sako, "meow" sabi ni GMA.
Terrorist2: Pusa!
sinipa ang isa pang sako, "aw aw" sabi ni FVR.
Terrorist: Aso!
sinipa ang isa pang sako ngunit walang tunog kaya sinipa niya ito nang sinipa. Nasasaktan na si erap kaya sabi nito, "PATATAS ako kaya wala kong sound! Mga tanga!"

***
eyeball ng textmates.
GIRL: magsusuot ako ng yellow.
BOY: I'll wear green. [nagpunta sila sa coffee shop to meet. Dumating ang panget na babaeng nakayellow. Walang naka-green. Nilapitan ng babae ang isang lalakeng naka-red shirt.]
GIRL: excuse me, are you my textmate?
BOY: hindi ah! Naka-green ba ako?! Hello?!

***
Si Mister nakita 3 butil ng bigas at 25pesos sa drawer ni Misis.
MR: ano to?
MRS: uhm honey, magtatapat na ko. Tuwing nagtataksil ako sayo naglalagay ako ng 1 butil ng bigas sa drawer.
MR: eh ano yang 25pesos?
MRS: nung naging 1 kilo ang bigas, binenta ko na. Sayang eh!

***
ang alamat ng pandekoko.
nung unang panahon, wala pang pandekoko. monay lang ang meron.
pero may isang panadero na ang pangalan ay koko.
namatay si koko dahil sa alak siya'y naloko. at sa pinaglibingan sa kanya ay may isang sakong tinapay na natagpuan.
"wow ang sarap ng tinapay na to! at may matamis na palaman sa loob." sabi ng taumbayan.
"at dahil ang nakalibing diyan ay si koko, tatawagin natin yan na kokojam."
ay alamat pala ito ng kokojam.

***
pinasok ng isang killer ang kwarto ng magasawa.
KILLER: inaalam ko muna ang pangalan ng biktima ko bago ko sila patayin. ikaw anong pangalan mo?
MISIS: inday po!
KILLER: inday din pangalan ng asawa ko. sige hindi na kita papatayin. ikaw anong pangalan mo? MISTER: my name is gary ... but my friends call me inday.

***
boy nahulog sa septic tank,Sumigaw:
SUNOG!SUNOG!
dumating mga bumbero naligtas sya,tinanong:
bakit sunog ang sinigaw mo?
boy:kung tae ba pupunta kayo?TAE!TAE!ganun?hehehe

***
may isang lasing, nalalakad.
may bigla siyang nakasalubong na madre..
binubog niya yung madre.. sabay sabing.. aaaahhh.. wala ka pala BATMAN e!

***
Guro: ano ang dapat gawin kapag lumindol??
Pepito: buksan po ang ilaw!!!
Guro: Bakit?
Pepito: kasi po sa kubo naming madalas lumindol pag gabi... pero pagnagswitch ako ng ilaw biglang natigil...

***
B1: grabe naholdap ako. Muntik na ko mamatay.
B2: di ka nanghingi ng tulong?
B1: nagtext ako sa police station.
B2: anong reply?
B1: ang mga baliw, reply ba naman, "hu u?"

***
DOCTOR: You only have very short time to live.
PATIENT: How short?
DOCTOR: 10
PATIENT: 10 what? Days? Months? Years?
DOCTOR: 9...8...7...6........

***
Promoter: Misis, kapag pinaghalo ang Ariel at Tide, bubula kaya?
Misis: Aba , syempre! Promoter: Mali !
Misis: Bakit naman?
Promoter: Wala pang tubig. Excited ka?!

***
Pasyente: Magkano ang facelift???
Doktora: Complete treatment ay P145,000
Pasyente: mahal!!! ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata??
Doktora: eto tsupon, P20 lang!!!

ok... balik na sa trabaho......!!!!!

10 comments:

  1. nyaaahahahahhahahaa...
    more jokes pa...

    ur already added in my blog roll
    hope you'll add mine
    thanks :D

    ReplyDelete
  2. ahaahha!tae ang saya,lol.....ahahaha, i had fun readin this post!

    ReplyDelete
  3. waaahhh oks... pinaka gusto ko yung madre at yung taetae...lol..

    ReplyDelete
  4. ang korni nung alamat ng kokojam. . haha. . pero d rest ang saya. . kamusta nmn ang isang kilong pagtataksil?


    ito libre pampabata. . thumbsucks:D

    ReplyDelete
  5. hahaha

    ang saya ng lumilindol na kubo...mas maganda kung may matching LANGITNGIT ng papag. hahaha

    ReplyDelete
  6. uy, thanks sa pag-add sa blogroll mo! add din kita! ;)

    ReplyDelete
  7. hahaha... salamat pinangiti mo ako ngayong araw na ito... hahaha.. ok balik na din ako sa trabaho...

    ReplyDelete
  8. marco salamat sa pag add sakin, wakakka..pwde paki frward to sa number ko?hahahah,aba aba, pre sunny dito mo pala kinuha yung joke mo sakin sa ym, hahah!blee

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D