Tuesday, October 7, 2008

Ang Tsinelas, bow!

Ito ay isa lamang paglalarawan sa tsinelas ng mga "sosyal kono" na kung tawagin natin ay "havanianas" laban sa tsinelas ng masa.

(emailed by: a friend of mine)


Pangalan: Havaianas






Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil


Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit:Malupit na goma (high-quality rubber).


Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang. ")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!



Pangalan: Spartan



Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit:Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo:Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot:ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

3 comments:

  1. maliban sa presyo ng habayanas, ang dahilan kung bakit di ako nagsusuot nito ay tulad din ng dahilan kung bakit naiinis ako magsuot ng uniform nung college at ng dahilan kung bakit lahat ng mga purple/violet na damit ko ngayon ay naka-idle mode.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D