Monday, September 22, 2008

Kay Sarap Balikan

Sa aking pag-iisa naalala ko,
Ang masasayang araw ng aking nakaraan.
Mga nakaraan na kay sarap balikan,
Ang mga tawanan ng mga kaibigan,
Ang iyakan ng bawat isa,
Ang kulitan at ang biruan.


Sa t'wing ako'y nag-iisa
Ako'y nalulungkot
Sapagkat naalala ko
At hinahanap-hanap ko
Ang mga panahong iyon.
Kay sarap balikan
Ang mga araw na iyon.
Kayo'y makakasama ko pa ba?
O hanggang sa alaala na lang ba?



Minsan ako'y nalulungkot
Hinahanap-hanap ko ang mga araw
Na pinagsaluhan natin.
Pinapanalangin na sana'y maulit muli.
Sapagkat mahirap kalimutan
Ang bawat sandali na ating samahan.
Nawa'y magkita-kita pa tayo sa hinaharap
At balikan ang mga panahong iyon.

4 comments:

  1. Emotional entry! Yung sa shopping, wala yun..minsan lang nangyayari sakin yun..hehehe..hey, got an email address? maybe we add each other up sa friendster or multiply - asharcee@yahoo.com - my email account.

    ReplyDelete
  2. waaaah...miss ko na rin to ah...

    hmmm..kelan ba reunion ???

    ReplyDelete
  3. ewan ko e.. haaayy sana nga meron hehehe...

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D