Dahil sa walang magawa noong nakaraang weekend, ang nakaayos na gamit ay ginulo at inayos ulit. Ang nakaligpit na mga gamit ay kinalat at inayos ulit. Parang tanga lang di ba? Pero wag ka... dahil dyan may nadiskubre ako. Haha! Ayon nga, nag ayos ng mga gamit at niligpit ang dating nakaligpit. Ang gulo!
Habang nililinis isa-isa ang libro. BULAGAAA!!! Nakita ko itong libro na ito. Hmm... Nabasa ko na ito dati pa (syempre, akin e) pero pinagkakainteresan ko ulit.
ONE NIGHT STAND - sa madaling sabi panandaliang libog. Haha! Ito ay kwento ng isang kolehiyala na nagmahal at naloko. Maganda, seksi, artistahin ang dating, hugis gitara ang balakang(pak!), at syempre nakakalibog para sa mga lalaki. Sabi nga niya sa aklat na ito, "kinaiinggitan ng maraming babae dahil effortless ang beauty ko". Siya si Grace; isang puta, bitch at slut! 'Yan ang tawag sa kanya ng marami pero hindi siya nagagalit o nahihiya. Sa halip, tinuring niya itong compliment that an insult.
Kung bakit siya tinawag ng puta, bitch at slut?
Ito ang kwento....
Nakilala niya si Brad sa isang gimikan, isang vocalist ng banda. Naging sila. Isang gabi, pagkatapos ng gig ni Brad ay inaya siyang pumuntang apartment nila. At doon naganap ang kant**** ng dalawa. Dati ay pantasya lang ni Grace ang pagkikipagtalik. Sa gabing iyon, ay naganap na ang pantasya niya. Sinuko niya ang Bataan kay Brad. Hindi ko na idetalye ang kaganapan. Baka pagja**** niyo pa. Lol!
Si Grace ay birhen na birhen pa. Meaning, masikip ito! Lol! Dahil nga sa prinsipyong ibigay niya ang Bataan sa taong mamahalin niya. Ang swerte ni Brad!
Natawa ako sa sinabi ng aklat na ito, "Eto na ang s*x? Ganito pala yon. Habang sumasarap lalo palang bumibilis ang kadyot ng lalaki at nagiging excited ang pakiramdam ng babae."
Sa edad na labing walo ay na-devirginized si Grace. Feeling niya ay ganap na dalaga na siya. Not knowing na ito ang simula ng sakit na nararamdaman niya dahil sa oras na iyon ay sinabi ni Brad na aalis siya papuntang Japan for 3 years. The following days hindi na nga nagparamdam si Brad.
Hindi nilalahad sa kwentong ito ang pagkalungkot ni Grace. Pero naging matatag siya at tinuldukan niya ang sa litang PAG-IBIG. Pero ang S*X ay uulit ulitin niya sa lalong madaling panahon para raw mabilis maka-recover, mas madaling makalimot. Ang sex ay isang paghihiganti ni Grace para kay Brad. Makikipagtalik siya sa mga lalaki pero tatalikuran niya ito after ng pagpaparaos nila. Sabi sa aklat, maraming **toootttt na raw siyang natikman at alam nya sa buong campus kung sino ang may pinaka-cute ng ahas at kung sino yong anaconda.
ONE NIGHT STAND o no string attached ito ngayon ang prinsipyo niya sa buhay. No LOVE involved.
Pero.....
Nagbago ito noong nakilala niya si Paolo - ang dati niyang partner sa isang kasal noong 4/5 years old pa lang sila. Maganda ang kwento ng dalawa. Imagine, 4/5 years old palang sila noon pero crush na ni Paolo si Grace. Hanggang sa nagkakilala ulit sa sila sa campus. Naikwento ni Grace ang tungkol doon sa dalawang batang magpartner. At dito niya nalaman na ang batang lalaki na iyon ay si Paolo, sa papamagitan ng isang picture na pinakita ni Paolo sa kanya.
Dito nag-umpisa ang love story nilang dalawa. Though, hindi detalyado at hindi naikwento ang kabuuan ng story nila pero sa huli ay natuto ulit siyang magmahal at magtiwala.
Kahit anong tapang pala ng isang tao, kahit anong pagkaligaw, kahit anong talino, nag-iiba dahil nagiging soft-hearted pagdating sa pag-ibig. Kahit anong pag-iisip, pagkilala at pag-iwas, sa huli ang gugustuhin mo pa ring kauwian ay isang napakagandang bagay.